Chapter 27: One Last Cry
Pumasok si Aly ng school ng matamlay. Sa paglalakad niya sa corridor nakasalubong niya si Vince at Ram. Pero ngumiti lang siya at di na pinansin pa ang dalawa.
Pagpasok naman niya ng room sinalubong agad siya ni MK, ''Aly may problema ba? Malungkot ka at wala ka daw gift na binigay kay Ram ngayon text ni Vince.''
''Tss. Grabe ganon ba ako naging tanga para bigyan siya araw-araw ng regalo?! Ginawa ko ba talaga ang bagay na yun?!''
''Huh?! Wet! Di aketch maintindihan eh! May nangyari ba?! Nung isang gabi bigla ka na lang nawala sa party then ngayon--''
''CR lang ako!'' tumakbo kaagad si Aly palabas ng room at dumeretso ng CR.
''Aly wet si ma'am nandito na!''
Pagdating niya ng CR pumasok siya sa isang cubicle. Sa loob nito di na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Umiyak siya ng umiyak. Iniyak ang ang mga luhang ayaw magpapigil sa pagkawala. Pero sa gitna ng mga hikbi niya may narinig siyang mga boses na nag-uusap papasok ng CR.
''Bakit gusto mong makipag-kita kay Ram?!''
''Maybe it's time Suzy.''
''Okay. But you know what Hillary dapat dati niyo pa 'to ginawa eh. Anyway wishing a good result for both of you! Tara na mala-late na rin ako!''
Sa loob ng cubicle napahawak na lamang ang mga kamay niya sa bibig sa kanyang mga narinig. Pinunasan ang mga luhang ayaw paawat sa pagbagsak. Nang marinig niyang mukhang lumabas na ang dalawa lumabas na rin siya ng cubicle. At sa di malamang kadahilanan sinusundan niya ngayon si Hillary sa pupuntahan nito. Pero habang patagong sumusunod siya biglang may tumawag sa kanya, ''Aly!''
Di niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagsunod niya kay Hillary. Pero naramdaman niyang may naglalakad na rin sa may likuran niya. Kaya naman napapikit siya ng biglang may humawak sa balikat niya, ''San ka pupunta?! Cutting ka?!''
Lumingon siyang nakapikit at sinabing, ''Hindi po ako nagdi-ditch ng class. Pupunta lang po ako ng canteen! Masama na bang pumunta ng canteen kapag nagugu--'' napamulat siya ng mata ng biglang tumawa ang taong nasa harapan niya.
''Hahahahahahahahahahahahahahaha! Ano bang sinasabi mo?! Hahahahahahahahaha!''
Nakita niya si Johnny na nakahawak sa tiyan niya habang tuloy pa rin ang pagtawa. Napasandal na lang ito bigla sa may malaking pader at tuloy pa din sa pagtawa.
''JOHNNY! Tumigil ka nga! Di na ako natutuwa! Bahala ka nga diyan!'' paalis na sana si Aly ng hawakan siya sa may braso, ''Hoy teka! San ka ba pupunta?! Kung sa canteen sabay na ako sayo!''
''Hindi na ako kakain! Babalik na ako ng room!'' hinila niya ang braso niya mula sa pagkakahawak at aalis na ulit sana ng hawakan ulit ito ni Johnny, ''Physics kayo ngayon diba?! Di nagpapapasok un ng late! Kaya halika samahan mo na lang ako!''
