Sino ka ba?
Written By: -sehunomia
________________
Sino ka ba para iwan ako?
Sino ka ba para pag sabihan ako ng ganyan?
Sino ka ba para, gawing mahalin ka kahit ayoko?
Sabihin mo nga,
Sino kaba?
--
Cassie's POV
Andito ako ngayon sa Starbucks waiting for him, Tyler. Pero bakit antagal nya? Ni isang text or missed call wala akong na received galing sakanya. 3:00 usapan namin pero 3:30 na, wala paring anino ng Tyler na pumapasok sa Starbucks. Anu na kayang nangyari doon? Naiinip nako, sobra.
* riing *
Nagulat ako ng biglang mag-ring yung phone ko, I took a sip muna sa inorder kong Frappe bago ko kinuha yung phone ko. Pero nagulat na lang ako bigla nung mabasa ko yung text nya, yung tatlong salita na sobrang sakit? "Let's break up".
Parang paulit-ulit na tinutusok yung puso ko sa nabasa ko. Ano? Makikipag break sya ng ganun ganun lang, Walang rason? Is he crazy, insane, a-- lahat na ata ng masamang salita pwede ko ng sabihin sakanya. 3 years din kami for pete's sake. Hindi ako nakutento sa pagtitig sa ti-next nya kaya nireplyan ko sya.
"Why? What's the reason?!" ginawa ko lahat para maging best girlfriend sakanya tapos ganito? ganito gaganti nya?. Wala pang isang minuto umilaw agad yung phone ko, kinuha ko ito ng padabog at--at hindi ako makapaniwala sa sumunod. Nag-send sya ng picture nya na kasama yung dating ex nya si Macey na kahalikan pa nya. "W-What a cheater"
Lumabas na ko ng Starbucks, hindi ko na talaga kaya. Umupo na muna ako dun sa bench na malapit sa park kasi anytime nararamdaman kong bibigay na yung mga tuhod ko. At dun ko na nga binuhos lahat ng galit ko, lahat ng sakit sa papamagitan ng pag-iyak.
"Broken Hearted? Panyo oh" napatingala ako sa nagsalita, isang lalaking naka cap, jeans at simpleng t-shirt lang pero ang lakas ng appeal nya. "S-Salamat" kinuha ko yung panyo na binibigay nya at pinunasan ko ang mga luha ko, pero walang katumbas tong panyong to sa mga luha na walang pigil ang pagpatak.
"Hey look at me, It's okay" hinawakan nya ng magkabila ang pisngi ko at naramdaman ko yung lambot ng kamay nya dumadaloy sa pisngi ko. "I-I just c-cant understand love" mas lalong dumami ang mga luha natumutulo sa mata ko ng sabihin ko ang mga salitang yan. "Yeah, Love sucks" nagtigil tumulo ang mga luha ko ng sabihin nya yung mga salita na yan.
"Naranasan ko na rin yan, Oo masakit sa una pero hihilom din yang sakit na yan...." mas lalong lumalim yung tingin ko sakanya at muli syang nagsalita. "Pero mawawala din yan kapag nakilala mo na yung taong nakalaan sayo" napa-isip ako sandali, tama sya. Binigyan ko sya ng ngiti as my reply at ganun din sya. "Anu ulit pangalan mo?" tanong nya sakin ng may mga ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Sino ka ba? (One Shot)
Teen FictionWhat will happen if you accidentally met the person who's really your true love, but still you can't remember him. I'll say "wrong timing destiny". { March 2014 | ©-sehunomia }