[25] Assurance

104K 945 117
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagpaikot-ikot sa may mini resto ng Booth at umupo ulit.

"Jan, umupo ka na nga lang. Nahihilo na kami sa'yo!"sabi ni Ren habang sineserve yung cake sa another couple na naaresto.

"Hindi ka mapakali. Mag-uusap lang sila Jan."sabi naman ni Luke. Inub-ob ko na lang ang ulo ko sa mesa.

Siguro nga mag-uusap lang sila pero hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko na ang kausap niyang iyon ay ang dahilan kung bakit nawala si Nathan dati at makakalimutan ko bang si Sofia ang minahal niyang babae na kahit ano kaya niyang gawin para doon?

Bakit ba kasi inaya pa niya si Nathan makipag-usap sa kanya?

***
Flashback:

"Nate."mahinang sambit niya nang makalapit siya sa amin. Parang hindi nga niya ramdam ang presensya ko dahil kay Nathan lang siya nakaharap.

Si Nathan naman nakatingin lang sa kinakain niya kaninang cake.

"Why are you here?"malamig na sabi ni Nathan.

"C-Can we talk?"

"Aren't we talking already?"walang ekspresiyon pa din na tanong nito pero ngayon nakatingin na siya kay Sofia.

Pinananatili ang poker face.

"I-I mean privately. Just the two of us please."pagsusumamo nito. Napataas ang kilay ko. Pwede naman dito! Bakit kailangan pang silang dalawa lang?

Matagal silang nagtitigan and I swear gusto ko ng dukutin ang mga mata nila.

Umiwas na nang tingin si Nathan at ngayong nakatingin na sa akin.

"Wifey, I'll just talk to her I'll be back soon."sabi niya with a calm voice at kiniss ako sa forehead. 

***

Nako naman! Bakit kasi hindi ko na lang sila pinigilan mag-usap. Edi sana hindi ako kinakabahan ngayon.

Nagpaalam ako kina Luke na magpapahangin lang.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon