[49] His Plan. Her Sacrifice

21.5K 638 78
                                    

[49] His Plan. Her Sacrifice

Van:

"F-ck! Anong sinasabi niyong hindi ninyo magagawang ilipat ang pagmamay-ari ng mga walang kwentang Montenegro sa pangalan ko?"galit na galit ito habang may kausap sa phone.

"Anong hindi kasal? I already gave you the fcking paper as a prove!"

"WHAT?! Do something! I'm not paying you for nothing!"hinampas niya yung phone at nanggagalaiting tumingin sa amin. Napayakap sa akin si Than at nakita ko ang inosenteng luha na lumandas sa angel niyang mukha.

Halata sa mukha nito ang takot. Nanginginig din ang kanyang kamay at pinagpapawisan.

"Stop Pa! Wala na tayong magagawa. You need to stop."

"Anong sinasabi mo? Wala ka na ba talagang gagawin kung hindi ang magpakatanga sa pamilya nila?"

"Pa bumalik na lang tayo sa States. Magbagong buhay tayo doon. Tama na. Ayoko na ng gulo. Mula noong  bata palang ako eto na ang nakagisnan ko. Mula noong bata ako paghihigante na ang nasa utak at diwa mo. Ni minsan hindi ko naramdaman na minahal mo kami ni Mama. Lagi mo na lang kaming ginagamit para sa plano mo. Gawin mo ito. Gawin mo iyan. Palagi na lang ganoon. Halos gabi-gabi nakikita ko si mama na umiiyak. Please tigil na pa."sinuntok ako ni papa.

"Papa!"niyakap ako ni Than. Namilipit ako sa sakit ng suntok niya."L-Lolo stop please."

"I'm not your grandfather! You will never be a Rosales! Hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng apo na may dugong traydor!"sasampalin niya sana si Than pero hinagkan ko ito at tinago sa mga bisig ko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ng batang tinuring kong anak sa loob ng limang taon.

"You'll be safe. Papa's here for you."bulong ko sa kanya. Unti-unti siyang tumango pero nanginginig pa din at may luha pa din sa mga mata niya.

"Van, sabihin mo nga sa akin kung may kinalaman ka sa pagiging invalid ng kasal niyo. Why the f-ck did your marriage were not registered?"tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mga matang mula pagkabata pa lamang ay kinakatakutan ko na.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi sumagot sa tanong niya. Naramdaman ko na lang ang hagupit ng suntok niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko. Sobrang sakit ng suntok niya.

Tumalikod siya sa amin at aambang aalis na sa kwarto na kinulong niya kami.

"Ano na namang plano mo, Pa? Hindi ka pa rin ba titigil?"nanghihina kong sambit.

Huminto ito sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"Tomorrow, you will fcking marry that woman. You will fcking get this marriage for real! Hindi pwedeng walang mangyari sa planong ito! Dapat ay maghirap ang mga Montenegro!"isang nakakabinging pagsarado ng pinto ang ginawa niya. Lalong humagulgol ng iyak si Than. Dinala ko siya sa maliit na kama at pilit siyang pinapatahan.

"Pa, how about mommy? I don't want her to get hurt. P-please let us save her. Save her, papa."

Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Than makinig kang mabuti. I need you to focus and listen to whatever I want you to hear. I'm treating you not as a child anymore but more as a big boy so I expect you to act like one."tanging tahimik na pag-iyak na lang ang ginagawa niya. Alam kong mali na pangunahan ko si Jan pero hinihiling na ng pagkakataon na ito na dapat nang malaman ni Than ang lahat ng nangyayari.

"I am not your father, Than."masakit para sa akin ang sabihin ito sa kanya. Ang kasunduan namin ni Jan ay aalis muna ako patungong States bago niya sabihin sa anak niya na hindi ako ang tatay niya. Ayoko kasing makita ang reaksyon niya at ayokong marinig ang katotohanang dati ko pa alam.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon