[29] What's the Problem?

84.9K 725 96
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:


Isinarado ko ang pintuan at umupo sa sofa.


Hayyy nakakapagod ang araw na ito!


Tinanggal ko ang sapatos ko at nahiga sa sofa.


Pumunta kami sa farm nina Ren. Hindi ko akalain na ganoon pala talaga kahirap magtrabaho sa isang farm.


"Sissy matutulog muna ako."antok na antok na umakyat si Yhanna sa hagdan.



"Jan ako din. Hangover pa din. Ang aga kasi nating pumunta sa farm ni Ren eh."sabi ni Mich na sumunod kay Yhanna.


Hindi ko alam kung bakit bigla kaming napunta sa farm ni Ren. Nagkayayaan ata dahil hindi pa nakakapunta si Charles.


Kung tutuusin dapat nagpahinga na lang kami sa bahay eh! Lalo na anong oras na din kaming nakauwi kagabi dahil sa Despedida ni Kiejan.


Kung bakit naman kasi naakit kaming lahat na kumain nung iluluto ng isa sa mga taga-luto nina Ren. Mailuluto lang daw ang cassava cake kung mangunguha kami ng kamotengkahoy sa farm nina Ren. Kaya ayun napasabak kami! Wala namang nakakaalam sa amin na ang hirap pala kumuha nun.


Hindi na sana kami kukuha ang kaso nakita na kami ng magulang ni Ren. Baka sabihin pagkuha lang ng kamotengkahoy hindi pa namin kaya.



Hindi naman kami nahirapang tatlo nina Mich sa pagkuha nun, napagod kami sa pagtulong sa pagkayod. Sampo kaming kakain and God knows kung gaano kadami ang kinayod namin.



Pero in the end kahit naman pagod na pagod kami sulit naman. Ang sarap ng cassava!


Pumunta na din ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.


Ughh, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ni hindi na nga nagawang magstay ni Nathan dito dahil sa sobrang pagod niya. Nagpayabangan pa kasi sa pagkuha ng kamotengkahoy.



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa nag-aalburotong cellphone ko.


'Don't answer it, it might harm you. Haha! Just kidding wifey. Love you. Kinikilig ka ano?'


Sinadya kong patapusin ang ringtone ko. Napangiwi na lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinikilig ba ako o natatawa sa mga pinagsasabi ni Nathan?


Iyan ang ringtone sa lahat ng nasa contacts ko maliban kay Nathan. Maarte yung lalaking iyon. Gusto daw niya naiiba ang ringtone niya. And hell yes, naiiba nga ang sa kanya. Ang haba pa nga diba?


Muling nagring ang phone at sinagot ko na agad.


"JL! Bakit ngayon mo lang sinagot?"sabi ni Kiejan. I rolled my eyes.


"Ang OA. Bakit ba?"


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon