[26] Our First Month.

105K 866 97
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:


NAKAKAKAINIS.


'Yan lang ang masasabi ko sa chapter na ito. Bwiset! Nakakainis talaga!


Hinampas-hampas ko ang unan na binili namin dati. Yung Deathnote.


"Nakakainis yung nagbigay sa'yo! Swear sasakalin ko siya!"hinampas-hampas ko ulit iyon pero napahinto ako."Joke lang pala! Kukurutin ko na lang pala. Baka kung anong mangyari kapag sinakal ko."


"Sissy nababaliw kana no?"sabi ni Yhanna habang nag-aayos ng sarili sa mirror table niya. May lakad ata sila ni Kuya.


Pumunta kasi ako dito sa kwarto nilang dalawa ni Mich. Yes, magkasama na silang dalawa sa iisang kwarto. Ewan ko sa dalawang eto, ayaw atang maghiwalay.


Pumunta ako dahil sa sobrang bored at sobrang inis.


Sino ba naman hindi maiinis. FEBRUARY 17 ngayon. FEBRUARY 17! At dapat may date kami na siya pa ang nag-aya pero ano? Kaninang umaga nakatanggap ako ng text sa kanya saying that our date will be cancelled.


Ang date na 'yun ay date dapat namin for Valentines at Monthsary namin pero wala hindi natuloy. Dahilan niya? May gagawin daw kasi siya. At ano? Hindi man lang ako binati man lang! Wala man lang greet! Kahit nung Valentines hindi rin ako binati!

Ganoon ba kahalaga 'yung bwiset na gagawin niya kesa sa akin? Tell me!


And to tell him, that's our first real month and our first valentines as a couple!


Ipagpapalit lang niya sa gagawin niyang iyon?


"Jan ayos ka pa ba? Buti matibay 'yang unan mo kung hindi, kanina pa nagpunit-punit iyan."natatawang sabi ni Mich. Hindi ko sila pinansin hinampas ko pa din yung unan ko. Iniisip na si Nathan iyon. 'Wag lang siyang magpapakita sa akin! I swear, baka mag-explode ako sa harap niya!



"Mga hija, nandito si Poging N."kung nang-iinis nga naman ang buhay ko. Sinabing 'wag magpakita eh!


"Talaga po? Girls mauuna na ko! Jan hintayin mo na lang ang explanation niya. Malay mo valid."nagtataka ako. Akala ko ba susunduin siya ni Marco?


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon