[41] Art of Letting Go.

54.1K 943 367
                                    

#LLWCMCG

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

 

[41] Art of Letting Go

5 years later...

Jan:


"Are you ready?"tumingin lang ako sa kanya at nagpilit ng ngiti.


Kailangan kong kayanin. Hindi tama kung palagi na lang ako lumalayo at nagtatago sa bagay na kinatatakutan ko.


"Mommy....."tumingin ako sa isang napakagwapong anghel na kagigising lang sa tabi ko.


"Yes baby?"umayos siya ng upo at kinusot ang mga mata.


"Where are we Mommy?"ngumiti ako sa kanya at pinakandong sa akin.


"We're still in our way. Nagugutom ka na ba? You want me to buy you some foods?"


"I'm okay, Mom. Tell me if we're at Grandma's House. I'm craving for her specialties."yumakap siya sa akin at ipinikit na naman ang mga mata niyang hawig sa kanya ama.


Kung hindi sa anak ko, hindi ko na kakayanin pang mabuhay. Dahil sa kanya pinipilit kong lagpasan lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa limang taong nabuhay ako sa malayo, siya ang kasama ko. Sa limang taon, siya na ang ginawang buhay ko.


"Are you really, okay?"


"VanVan, okay lang ako. Don't think of me too much. I deserved this."pinunasan niya ang mga luhang kumawala na naman sa mga mata ko. Hindi na ata ako naubusan ng mga luha. Tuwing naaalala ko ang pagtalikod niya, pagmamakaawa niya, at pag-iyak niya, wala akong magawa kundi ang maiyak na lang.


"Hindi mo deserve ang mga nangyayaring ito. I'm sorry if only I can help you."hinawakan ko ang kamay.


"It's not your fault. Stop saying that."


"Mommy... Mommy wake up we're here na po."minulat ko ang mga mata ko at mukha agad ng angel ko ang nakita ko. Nginitian ko siya at inayos na ang sarili ko. Nakatulog pala ako sa byahe namin.


"Baby Brad, baba kana para makababa na din si Mommy mo."ngumiti ang anak ko at sinunod ang utos ni Van. Pagkababa ng anak ko sa sasakyan, pumikit muna ako at huminang malalim. Nandito na ulit ako sa Pilipinas. Ang lugar kung saan marami nakasaksi sa mga alaala namin. Nakasaksi sa buhay ko. Kung paano mula sa pagiging masaya ay naging sobrang saya hanggang sa madapa ako at hirap bumangon.


"Mommy let's go na po! I wanna see them!"hinila-hila ako ng anak ko kaya bumaba na ako.


"Excited masyado si Than."suhestiyon ni Van.


Siguro excited ang anak ko dahil ito ang unang pagkakataon na umuwi kami sa Pilipinas. Ipinanganak ko kasi siya sa States at sa buong 5 years na magkakasama kami, hindi ko pa siya naiuuwi dito. Ang totoo niyan, wala akong balak dalhin siya dito. Alam kong maraming mga matang mapanghusga at baka maging dahilan 'to para masaktan ang anak ko.


Pero kahit anong pagtatago ang gawin ko, hahanap-hanapin pa din ako ng nakaraan ko. Ang nakaraang hindi ako makaalis dahil wala akong balak umalis. Masakit man ang nangyari sa nakaraan, eto din naman ang nagdulot sa akin para maging masaya at magmahal ng todo.


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon