[50] The Last Sacrifice.

22.6K 676 142
                                    

[50] The Last Sacrifice

Long beautiful dress. Shiny high heels. Expensive jewelries. Diamond rings. What else can I wish for?

I wish to celebrate this with the man I truly love.

"Jan, nandito na naman tayo. Hindi ko na naman magagawang pigilan ang kasal mo. Sorry for being a nonsense father. I'm s-sorry."gusto kong i-comfort si Daddy but even I can't do it for myself. Kahit ako hindi ko mahanap ang tamang salita para sa mga maling pamamaraan.

Nakita ko na ang simbahan. Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Kapag may maling galaw akong ginawa, may gagawin siyang masama.

Hanggang sa dulong ito, alam ko, para sa mga mahal ko ang gagawin ko. This will be for them, for him.

Whatever happens, I want them to feel how I love them even if all I can do is to just sacrifice. Alam kong dahil sa gagawin kong ito, may panibago na namang sakit at hirap ang mararanasan namin pero alam ko din na sa pagpili ko nito, maiibsan kahit kaunti ang paghihiganti nito.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng simbahan, kitang-kita ko na agad ang mga alipin ng tatay ni Van. Halatang handa sila kung may gusto mang tumakas o umurong sa kasal. I bet na mas madami sila sa loob ng simbahan.

Bago ako lumabas, niyakap muna ako ng mga magulang ko. Umiiyak si Mommy. Ang bigat sa damdamin at parang mas nadadagdagan ang bigat dahil sa mga nangyayari at mangyayari.

Ngayon ko napansin na kasama ng mga lalaking nagbabantay sila Mich at Yhanna. Nang makita ko sila, agad silang tumakbo papalapit sa akin at yumakap.

"S-sorry, Jan. Wala kaming magawa. Gusto ka naming itakas pero masyado silang madami."sabi ni Yhanna.

"But they are working on it."bulong ni Mich na halos hindi ko na talaga marinig.

"They will rescue him."saad ni Yhanna na mas mahina.

Napuno ng kaba ang puso ko. IH7. For sure sila ang sinasabi nilang tutulong kay Nathan. Kinakabahan ako para sa kanila. Masyadong madaming alagad ang gusto nilang kalabanin.

"Magsisimula na ang kasal. Umayos kayo."mariing utos ng lalaking nagbabantay. Naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Lumapit na sa akin sila Mommy.

Binuksan na nila ang pinto ng simbahan. Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagbagsak ng mga luha ko.

Nakita ko ang anak ko sa may harap ng altar. Nakatingin ito sa akin at halatang nagpipigil umiyak. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siyang mahigpit pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Siya ang mapapahamak sa maling gagawin ko.

Naglakad na ako sa altar. Bawat hakbang ko parang pabigat ng pabigat ang bawat yapak. Bawat hakbang parang may tumutusok na patalim sa puso ko.

Katabi ni Than ang tito niya. Si Kuya Jop. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Hindi nakaligtas sa akin ang maliit na marka sa may labi niya. Parang sinuntok ito.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

Van.

Kung nasasaktan man ako, alam kong siya din. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin.

"Jan-Jan kahit anong mangyari, sana tatandaan mo na kung anong nararamdaman mo, nararamdaman ko din. Mayroon nga lang iilang bagay na pinagkaiba natin."

Alam kong mahal na mahal niya ang tatay niya. Nasasaktan siya na kahit ang pagmamahal niya ay hindi sapat para mapagbago ang tatay niya.

Huminto na ako sa paglalakad.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon