"Bring back my son you fcking old man."sambit niya sa galit at nanggagalaiting tono.
"You wouldn't dare to stop me. Akala niyo ba ganoon na lang iyon? No one can stop me."nakita ko na naman ang mga matang iyon. Ang mga matang maiitim. Ang mga matang nagbabadya ng kasamaan.
"Tito please tama na. Nagmamakaawa ako na ibalik mo na ang anak ko sa amin. Walang kasalanan ang anak ko sa inyo at wala din kaming kasalanan sa iyo."pagmamakaawa ko. Nangingilid na din ang luha ko.
Wala kaming nadatnan na kahit sino sa bahay namin ni Van. Kahit si Van wala. At ang mas nagbigay sa akin ng kaba ay ang makitang nakabukas ang pintuan bago pa man kami pumasok at naiwan ang gate ng nakabukas.
"N-Nathan.... y-yung anak natin."hinawakan ni Nathan ng mahigpit ang kamay ko.
Tatawagan ko sana si Van ngunit tumunog ang phone ko.
Unregistered number
Nagkatinginan muna kami bago ko sagutin ang phone.
Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig."Hello my dearest daughter-in-law. Did you missed me?"ma-awtoridad pa din ang boses niya kahit may pagkasarkastiko ang pagkakasabi nito.
"Nasaan ang anak ko? Ibalik mo ang anak ko sa akin!"hindi ko na napigilan pang sumigaw. Nagbabadya na ding tumulo ang luha ko pero pinipilit kong magpakatatag. Kapag narinig niya na mahina ako, panalo siya. And I wouldn't allow him to see how panic I am now.
Kelan ba matatapos ang lahat ng masasamang nangyayaring ito?
Nagkaayos na kami ni Nathan. Eto na ang chance na mabubuo kaming tatlo. Eto na ang panahon na hinihintay ko pero may panibago na namang pangamba sa puso ko. May nakaharang na naman sa pagiging masaya ko.
"You are one damn slut woman. May asawa ka na pero nang-aakit ka pa din ng iba. Montenegro ka nga talaga. Hindi mo man lang iniisip ang mga taong nasa paligid mo basta maging masaya ka lang. Hindi mo man lang inisip ang anak mo bago ka magpakasaya."malamig na sabi nito. Nanuot sa buong pagkatao ko ang sinabi niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Ginawa ko ito dahil sa anak ko! Ayokong maranasan niya ang mga ginagawa mo!"kinuha sa akin ni Nathan ang phone."F-ck! Let me have my son back!"galit na galit na sambit ni Nathan. Tumulo na ang mga luha ko. Kinukurot ang puso ko sa mga imahe na naiisip ko na pwedeng ginagawa niya sa anak ko. Takot ang anak ko sa kanya simula nung magkaisip ito. Nakita niya kasi nang minsan kung paano sinigawan nito si Van. Eto ang dahilan kung bakit ni minsan hindi ko hinahayaang makasama ni Than ang tatay ni Van. I was too scared that he might do something with my son like what he did to his son. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may ginawa siya sa anak ko.
At tulad ngayon, hindi ko siya mapapatawad kung may gagawin siyang masama sa anak ko. Baka makalimutan kong tatay siya ni Van.
Nagulat ako nang may humigit sa akin dahilan para mailayo ako kay Nathan.
"What the f-ck! Eliza! F-ck! Saan niyo siya dadalhin?"pareho kaming nagpupumiglas mula sa paghihila sa amin ng mga tao na sa tingin ko'y tauhan niya.
Dahil masyadong malakas ang lalaking nakahawak sa pulsuhan ko, hindi ko magawang magpumiglas. Nakita kong nasuntok ni Nathan ang lalaking nakahawak naman sa kanya ngunit sinuntok pabalik si Nathan. Mas malakas at mas masakit.
"Nathan!"nakita kong humalandusay siya sa sahig at nagdugo ang kanyang mukha. Wala nang tigil ang pagluha ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang panyo na inilagay sa ilong ko dahilan kaya nawalan ako ng malay.
Nagising ako na may takot pa din. Pinasadahan ko ang buong kwarto. Takot na takot ako. Para itong abandonadong kwarto ng mga alipin. Parang kulungan. Walang kahit ano at nung tatayo na sana ako para pumunta sa pintuan, napaupo ulit ako. Nakagapos ang mga kamay ko.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw at nagdadasal na sana may makarinig sa akin at tulungan ako.
Paano na lang kung ganito din ang ginagawa nila sa anak ko?
Anong ginawa nila kay Nathan?
P-Paano kung hindi ko na sila makita pa?
I couldn't stand living without anyone of them.
Unti-unting bumukas ang pintuan. Nag-iwas ako ng tingin dahil biglang lumiwanag ang paligid kaya nasilaw ako.
Nang tumingin ako, nakita ko doon ang papa ni Van.
Malamig ang ekspresyon niya. Parang may binabalak siya.
Gustong-gusto kong saktan siya. Gustong-gusto kong sampalin siya pero hindi ko magawa dahil nakagapos nga ako.
"Walang hiya ka! Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa mag-ama ko!"isang halakhak ang ginanti niya sa sigaw ko at tumingin sa akin na may galit sa mata. Lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang baba ko.
"At hindi ko din mapapatawad ang pamilya mo! Kasalanan niyo ang lahat!"sinampal niya ako. Humapdi ang pisngi ko. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ito. Nanunuod ang hapdi nito.
"Ano bang naging kasalanan ko sa'yo at ginagawa mo ito sa amin!"
"Ikaw wala pero ang pamilya mo malaki ang kasalanan sa akin- sa amin! Kung hindi dahil sa pagiging makasarili niyo, hindi sana namatay ang tatay ko! Wala kayong kwenta! Dapat lahat kayo pinapatay na lang!"galit na galit siya. Lalong dumilim ang ekspresyon niya. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi niya?"Kilala mo ba si Edgardo Rosales? Siya ang kanang kamay ng lolo mo. Tinulungan niya ang lolo mo sa pagpapaunlad ng M's. He managed it with your grandfather. But what did your grandfather did? He gave his business to his son. Sa anak niyang wala namang naitulong sa kumpanya. Ang tatay ko. Siya dapat ang nagmamay-ari ng kumpanya niyo ngayon! Pero ano? Nakulong ang tatay ko sa kasalanang pagnanakaw. Hindi naman makukulong ang tatay ko kung hindi niyo inangkin ang dapat na pagmamay-ari niya. He was the one who work hard for that company. We suffered. I suggest that all of you should pay for the sacrifices my dad did!"tumalikod siya sa akin. Ngayon ko napansin na may dalawang lalaki palang nakabantay sa gilid ng pintuan.
"Lahat kami? Anong sinasabi mo? Don't do anything to my family!"huminto siya at humalakhak muli.
"Wala akong gagawin sa kanila. I am not the one to do the bloody work. Someone will do that for me, don't worry."
Narinig ko ang mga sigaw. Tinignan ko ang nasa pintuan.
"D-Daddy! Mommy!"tinulak sila sa sahig ng mga nakahawak sa braso nila. Awang-awa ako sa mga magulang ko. Si daddy hinang-hina at namamalipit sa sahig. Pumutok na ang labi niya at sugatan na. Si mommy naman ay may mga gasgas at pasa sa braso at namumula ang pisngi.
"T-Tama na. A-Ako na lang ang saktan mo. Pakawalan mo na ang pamilya ko. Ako n-na lang. Ronaldo 'wag ang pamilya ko. Nagmamakaawa ako."kita ko ang takot sa mga mata ni Daddy. Humahagulgol na din si Mommy habang nakahawak sa braso ni Daddy. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan akong nakikita silang ganito.
"What do you expect? Do you expect me to follow? Sa tingin mo ba maaawa ako sa'yo? Ang galing niyong magsalita pero mga wala kayong kwenta! I will never forgive you for letting my father to be imprisoned for years!"sinipa niya si daddy. Napangiwi ito sa sakit. Lalong umiyak si mommy. Gusto kong lumapit pero hindi ko talaga magawa dahil sa pagkakagapos ko.
"Hindi ko alam ang mga nangyari dati. R-Ronaldo nanghingi naman ng tawad ang tatay ko sa inyo diba? A-At kaya nakulong ang tatay mo dahil nakita siyang nagnakaw sa isang kumpanya. M-My father did everything to help your father pero wala na siyang nagawa dahil madaming proweb-"sinuntok niya ulit ang tatay ko. Namilipit ulit ito sa sakit. Tumingin sa akin ang tatay ko. Pagod na pagod na ang mga mata niya."Hindi kasalanan ng tatay ko iyon! Hindi niya gagawin iyon kung hindi niyo ipinagkait sa kanya ang dapat na sa kanya!"nanggagalaiti ito. Tumalikod siya sa amin at kinuha ang phone sa bulsa niya. Inalalayan ni mommy si daddy para makalapit sila sa akin. Nang nagawa nilang makalapit, niyakap ko sila. Ramdam ko ang panlalambot ni daddy. Ni hindi na niya nagawa pang gumanti dahil na rin sa may edad na sila ni mommy.
"Dad 'yung anak ko. P-Paano na si Than."
"Anak, hindi siya papabayaan ni Van. Hindi hahayaan ni Van na masaktan ang anak mo."sagot ni mommy. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya pero hindi ko maalis sa isip ko na wala ding magagawa si Van lalo na't masyadong madaming alagad ang tatay niya. Kung lalaban siya, mapapahamak lang ito.Humarap ito sa amin at lumapit.
"It will be the end of all of you. I'll make sure that nothing will be left to the Montenegro."
xxxxxxxxxx
AN:
Maikli lang ito sorry. Gusto ko kasing isakto hanggang Chapter 50 tapos Epilogue na. :)
Next week will be the next update.
IF AND ONLY IF
Maraming magtutweet with the hashtag:
#LLWCMCG
Thank you.
INFINITE
Ms. Kim
BINABASA MO ANG
*MCB2* Chasing my Contract Girlfriend
Novela JuvenilAll Rights Reserved 2013 {longlostwriter} I'll chase you even if forever comes if that's what it takes to be with you again.