Kang Han Na as Kodgee Maristela
Krizzalyn's Pov
"Besshiieeeee!!!" -narinig kong sigaw ni Hannah mula sa kalayuan. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.
"G-grabe!" -hinihingal niyang sabi..
"Di ba sabi ko sayo dun mo ko sa gate hintayin?! Bakit nandito ka na"
"Eh kasi kanina pa 'ko dun ang tagal mo." -sabi ko sa kanya. Baliktad talaga kami pag school days. Maaga akong nagigising siya naman ang late. Pero pag sa trabaho grabe, ang aga niya sobra. Palibhasa nakakakita ng pogi. Hahaha
"Di ka lang kasi marunong maghintay!" -sabi niya sa akin. Okay fine! Ako na yung taong hindi marunong mag-hintay. Ang hirap kaya mag hintay. Kung alam mo lang.
"Tara na nga" -sabi ko sa kanya..
Dumiretso na kami sa cafeteria. Mamaya pa kasing 7:00 yung time namin. Eh 6:30 pa lang. Nga pala, first day of school namin.. Natapos na rin yung bakasyon.
"Anong gusto mo?" -tanong sa akin ni Hannah.
"Ah wala, kumain naman na ko sa bahay eh."
"My treat!" -she said and smiled at me. Ako naman, ayun lumaki yung mata, pero mas lumaki yung ngiti ko. Hahaha..
"Anything..." -sabi ko sa kanya saka siya kinindatan. Alam niya naman na kung ano yun eh.
"Just wait here okay? I'll just buy our food." tumango lang ako.
Habang hinihintay ko si Hannah, nilabas ko yung wattpad book ko. Yaay! Hahaha, may time nanaman akong mag basa.
"Jaraaaaann!" -sabi ni Hannah pagkatapos ay nilapag na yung fruit pizza sa may table. *_* Yummy! Hahaha..
"Our favorite" bigkas niya pa. Hahaha, <3 aylabet!
"Kain na tayo" -sabi ko sa kanya.. Hahaha, lahat ng libre masarap.. xD ..
Nang maubos na namin yung pagkain namin. Nagpahinga kami saglit. Tapos umalis na rin kami sa cafeteria. Naglalakad na kami ni Hannah ngayon nang biglang---
"Ouch!" -sabi nung naka bangga sa akin. Oo siya pa yung umaray eh ako na nga yung binangga..
"Pwede ba? Tignan mo nga yung dinadaanan mo!" -sigaw niya sa akin. Nakita ko na nakatitig sakin yung mataray niyang mata.
"Excuse me? Ako pa talaga titingin sa daan? Eh ikaw nga tong bumangga sa akin tapos ikaw pa yung umaray" -sagot ko sa kanya. Nakita ko na marami nang taong puma palibot sa amin. Ito namang si Hannah, parang tuwang-tuwa pa. ~__~
Ouch! Nagulat ako nang bigla niya na lang akong sampalin. Takte! Ang sakit nun ah! Mabait ako sa mabait pero pag ganito na yung kaharap ko wala akong pina palampas.
Sinampal ko rin siya. Nakita kong gulat na gulat siya sa ginawa ko. Anong akala niya? Di ko siya papatulan. Tss!
"HOW DARE YOU!" -akmang sasampalin niya pa sana ako pero agad ko naman itong napigilan.
"HOW DARE ME!?" -mataray kong tanong sa kanya. Pagkatapos ay sinampal ko uli siya sa kabila niyang pisngi. Bago niya pako gantihan agad ko ng hinila si Hannah. Pinaka ayaw ko sa lahat yung nakiki-away ng sakitan. Pero sumosobra na siya eh. Wala akong ginagawa tapos bigla na lang akong sinampal.
"Grabe bes! Ang galing mo pala sa sampalan" -namamangha na sabi sakin ni Hannah.
"Mali siya ng kinalaban" -sabi ko sa kanya.
"Grabe talaga! Di mo na pala ko kailangan eh.. Hahaha, kaya mo na pala mag isa. Pero kahit na kaya mo mag isa nandito lang ako, okay? Kapag marami sila tawagin mo ko, hahaha, ako uupak sa kanilang lahat. Hahaha" -natawa na lang ako sa sinabi niya.
Nandito na kami ngayon sa room. We still have 10 minutes para magpahinga. Dire-diretso akong umupo sa may gitna. Ayoko kasi sa unahan o kaya sa likuran. Di ko alam kung bakit basta ayoko lang. Hahaha..
"Hannah, idlip lang ako saglit ok?" -sabi ko sakanya.. Tumango naman siya sa akin.
---
"Hi Kaiiizzeerr!"- narinig kong sabi ni Hannah. Teka, o.O ano daw? Kaizzer? Nandito ba si Kaizzer? Agad kong tinignan si Hannah. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa.
"Ahahaha, bakit bigla kang tumingin? HUh?"- tanong niya sa akin,
"Ah? ~a eh, ano kasi. Ahm.. Tapos nakong umidlip." -palusot ko sa kanya. Medyo naka idlip naman nako ng konti kaya ayos na.
"Ahh ganon ba?" -tumango tango lang siya.
"Akala ko kasi dahil kay Kaizzer"- nakangiting sabi niya sa akin.
"Hindi no!"
"Aysus! Ayan siya oh" -sabi niya pagkatapos ay nginuso yung nasa likod ko. Dahan-dahan kong tinignan yung nasa likod ko. Nagulat ako nang makita ko si Kaizzer. Pero mas lalo akong nagulat nung kinindatan niya ko saka nginitian. Emeged! Lupa, lamunin mo nako. Ngayon na,..
"Hi" -sabi niya sa akin. Pero di ko lang siya pinansin. Di ko alam kung bakit pero naiilang talaga ako sa kanya.
"Good Morning class" -narinig kong sabi ng aming professor. Dumiretso na rin siya sa table niya. Nagsi tayuan kaming lahat.
"Good Morning Ma'am!"
"Sit down" -prof.
"And because it's first day of school, You have to introduce yourself here in front." -shemay, pinaka ayaw ko sa lahat yung pagpapakilala -_-
Nauna na yung mga nasa harap. Turn na ni hannah then ako na yung next. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ~________~
"Hi everyone! I'm Hannah Mae Diaz, You can call me Hannah or Mae. 19 years old, Still single." aish! Sinabi pa talaga yung single, hahaha.. Medyo nabawasan kaba ko dun ah. My turn.
"Hi ---/Sorry I'm late" -napatingin ako sa naka sabay kong nagsalita. -_- .. Yung naka sampalan ko kanina. Kung minamalas ka nga naman oo.
"Bitch" -narinig kong sabi niya. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa likod.
"Continue" -sabi ng aming prof.
"Hi, I'm Krizzalyn Krizzaine Torres, 19 years old." -yun na lang sinabi ko. Tapos umupo na ko sa upuan ko.
Tatayo pa lang si Kaizzer pero marami na agad nag hiyawan. Halatang kinikilig yung iba. Teka, sino ba to at kailangan pa talaga nilang humiyaw?
"Hi everyone, I'm Kaizzer" -yun lang tapos ngumiti lang siya at umupo agad. Pero grabe sila maka hiyaw. Tss. Di naman pogi to eh ~______~
Nagpakilala na rin yung iba, and last but not the least. Si bruhilda!
"Hi everyone, I'm Kodgee Maristela, and I hate Krizzalyn!" -tumingin siya sakin ng diretso. Nainis ako sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawa, tapos sasabihin niya na she hated me? I hate her also. Sino ba siya sa akala niya? tss! Sabon lang naman siya eh -______- KOJIC!
"Stop it Kodgee" -pagbabawal ng professor namin. Natawa na lang ako sa pangalan niya. Hahaha
...
"Good Morning Ma'am, sorry I'm late"
~~~~~
Halluuuuu everyone :) Maraming maraming salamat po sa lahat..^_^ .. Eto na po yung update. Sorry sa mga naghintay.. Hope you'll like it, Mwuah :*
YOU ARE READING
Way Back Into Love
Jugendliteratur"A good horse will never go back to eat the grass behind" .. This saying has acquired the figurative meaning. Its implication is that never to find a way back into love. It is impossible for two people who have broken up to re-love. " ...