Chapter 12-Just a Dream*

76 63 39
                                    

Krizzalyn's POV

Minulat-mulat ko yung mata ko. Nagulat ako dahil nasa loob na ako ng kwarto. Eh ano yung nangyari? Yung sa park, yung first kiss ko.. ?? Panaginip na naman ba lahat? Bakit ba madalas na lang akong nananaginip? Aish.

Bigla na lang pumasok yung bunso naming kapatid..

"Laka ate!" sabi niya sakin ..

"Bakit?" tanong ko

"Late ka na, nakaligo na kami ikaw na lang hindi.. Kanina pa kita ginigising ayaw mo kasi bumangon kaya hinayaan kita." -sabi niya sakin pagkatapos ay lumabas na ng kwarto ko.

Tinignan ko naman yung alarm clock ko, WTH! 20 minutes na lang late na ako.. Ugh! kabanas naman oh! Nakalimutan ko nga palang i set yung alarm ~___~

Bumangon na ako at agad na naligo at nag ayos.

"Bye ma!"

"Teka, bakit aali--"

"bye na ma.. "-singit ko.. di ko na pinansin yung sinasabi ni mama..Male-late na kasi ako eh,.. Nagmadali akong lumabas ng gate..

Pumunta ako sa may highway at doon nag abang ng tricycle. Ugh! Kainis, bat di nila ako pinilit na gisingin!?

"Tricycle!" -sigaw ko habang winawagayway yung kanang kamay ko. Pero ni isa walang humihinto. Aba bastos tung mga to ah! Hindi man lang makisama.. Kailangan ko nang magmadali eh..

Dahil sa walang humihinto na tricycle, nagsimula na akong mag lakad. Halos mapa takbo na nga ako dahil sa bilis ng lakad ko eh.. Napa talon ako ng bahagya nang mayroong nag busina.

***BEEEEEEEEEEEEP!

"Ay asong gala!" nilingon ko yung bumusina sa akin. Aba ang kapal ng mukha nito. Nasa gilid naman ako ng daan ah.

"Hoy! Sino kang hinayupak ka!? Lumabas ka diyan! Ang lakas naman ng tama mo na mag busina ng napaka haba. Eh nasa gilid lang naman ako ng daan ah! Tsaka nakita mo na ngang nag mamadali ako tapos eepal ka pa diyan! Lumabas ka diyan! Labas!!" -dire-diretsong sabi ko sa kanya habang kinakatok ko yung bintana ng kotse niya.

"SINABI NG LUMABAS KA JAN EH!"

O.O

"K-kaizzer?" sambit ko..

"Yup!" -he said then smiled at me. Pwede ko bang bawiin yung mga sinabi ko? Lalo na yung hinayupak?? Shemay naman oh..

"Halika na!" -sabi niya sa akin.

"Huh?"

"Sabay ka na sa akin. Baka may bumusina pa sayo na iba diyan tapos sigaw-sigawan mo rin." natatawa niyang sabi pagkatapos ay pinag buksan ako ng pinto. Walang sabi-sabi ay pumasok na ako. Nakakahiya talaga.

Lumoob na rin siya. Bago pa siya mag simulang mag drive may sinabi siya sa akin,

"Hindi ka pa rin nagbabago" ..

Ano daw? Hindi pa rin ako nagbabago? Bakit? Nakasama niya na ba ko ng matagal? hmm, baka naman nung sinuntok ko siya nung first meeting namin. Tama! Baka nga yun yung tinutukoy niya.

"Teka, bakit ka nga ba nagmamadali?" -tanong niya sa akin.

"Kasi nga 10 minutes na lang male-late nako.." bigla na lang siyang lumingon sa akin. May nasabi ba kong mali?

"Ah tayo pala.. Male-late na TA-YO" -pag-uulit ko.

"Bakit paanong male-late? Eh meron pa tayong 30 minutes. Nagtaka nga ko eh, ang bilis mo maglakad." -natatawa na sabi sakin ni Kaizzer. Teka? Pero paano? Eh nung tinignan ko kanina yung alarm clock ko 20 minutes na lang male-late nako. Inilabas ko yung phone na binigay sa akin ni Benjie. O_0 ..

"See? Pati ikaw nagulat. Hahaha"

"It's not funny" -sambit ko. Nakakainis! Naisahan na naman ako nung mga kapatid ko. >.<

"Niloko ka na naman ng mga kapatid mo no?" -tanong niya sakin.

"Huh?" -nagtatakang tanong ko. Paano niya nalaman na may kapatid ako? Paano niya rin nalaman na niloko at pinagtripan na naman ako ng mga kapatid ko? Eh hindi pa nga siya nakaka pasok sa bahay eh. Ni hindi ko pa nasabi sa kanya or na-kwento na may kapatid ako.

"Wala" -umiwas na lang siya ng tingin sa akin at nagpatuloy lang sa pagda-drive. Hindi ko na rin siya kinausap. At dahil malapit lang naman yung bahay, nandito na agad kami sa school. Pagka-pasok pa lang nung kotse niya, marami na agad nagsi-palibot at nagsi-sigawan sa labas. Hanggang sa maka-rating kami sa parking lot ay naka sunod lang ang mga ito. Nag park na si Kaizzer. Astig naman, may sarili siyang parking lot.

Pagka-open ni Kaizzer ng pinto, ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga babae. Agad niya naman itong sinara. Pumunta siya sa pwesto ko at pinag buksan ako. Bago pa man ako makababa nakarinig ako ng mga bulung-bulungan.

"Teka! Sino yung kasama ni Kaizzer?"

"Omo! May kasama siyang girl"

"Sino naman kaya yang haliparot na kasama niya?"

bigla tuloy akong napa-atras. Ayoko ng lumabas. Nagulat ako nang bigla na lang nilapit ni Kaizzer yung mukha niya sa mukha ko.

"Diba sabi ko sayo wag kang matakot? Nandito lang ako, walang sino man ang makaka-galaw sayo" -he said and smiled. Emeged nemen Kaizzer! Pinapakilig mo ako.. Hahaha..

Lumabas na ako, agad namang hinawakan ni Kaizzer yung kamay ko. Nagsimula na kaming mag lakad kaso biglang may humarang. Si Kodgee .. Patay ako neto! Nanginig bigla yung mga kamay ko, lalo na yung tuhod ko.. Parang bigla na lang akong di maka-galaw sa kinatatayuan ko. Lalong humigpit yung pagkaka-hawak ni Kaizzer sa kamay ko.

"Ano ba Kaizzer! Kasama mo na naman siya?" -sigaw ni Kodgee. Akala mo naman siya yung girlfriend ~___~ Eh sabi ni Kaizzer wala namang sila.. Haynako!

"Pwede ba Kodgee? Tigilan mo na ako. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita gusto, at lalong hinding-hindi kita magugustuhan kahit na anong gawin mo. So can you please stop doing unnecessary things. Hindi naman nakaka-tulong yan eh!" -inis na inis na sabi ni Kaizzer kay Kodgee. Ay grabehan, Kaizzer is that you? Bakit bigla kang naging masungit? Kawawa naman si Kodgee oh, parang nalugi.

Dahil sa sinabi ni Kaizzer, pinag-uusapan at pinag-tatawanan ngayon si Kodgee. At dahil naman sa kahihiyan, halos maiyak na yung itsura niya. Wala na rin siyang nagawa at nasabi. Bigla na lamang siyang tumakbo palayo. Hinila na rin ako ni Kaizzer papuntang room.

Pagka-pasok namin sa room wala pa halos tao. Pati si Hannah at Benjie wala pa din. Umupo na ko dun sa new place ko. Tumabi naman sakin si Kaizzer.

"Bakit mo ginawa yun kay Kodgee?" -tanong ko sa kanya. Parang bigla akong na-konsensya kasi feel ko ako yung dahilan kung bakit siya ginanon ni Kaizzer. Kasalanan ko yata talaga to. Kailangan ko bang mag sorry kay Kodgee?

"Dapat lang yun sa kanya para tigilan niya na ako." -cold na sabi ni Kaizzer. Kinabit niya yung earphones niya at pumikit na lang. Hindi ko na lang din siya inistorbo, mukha kasing badtrip na badtrip siya eh. Sobra ba siyang kinukulit ni Kodgee kaya ganito na lang kung magalit si Kaizzer? Tsaka ang malas naman niya, si Kodgee pa kaya yung katabi niya sa new seating arrangement. Haynako! Ano kaya yung gagawin nitong dalawang to mamaya kung sakaling magtabi sila..


~~~~~~~~~~~~

A/N: Hello po :) Another update para sa mga nag request ;D .. Sana magustuhan niyo, Don't forget to vote and leave a comment.. Thank you so much :)
Mahal ko kayo :* ^_^

Way Back Into LoveWhere stories live. Discover now