Chapter 17- flashback and surprise*

57 33 5
                                    

Krizzalyn's POV

*1 week later

"Haynako! asan ka na ba Kaizzer!?" tanong ko sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa isang restaurant. Dito kasi yung sinabi niya na meeting place namin eh. Nakakainis siya! Siya yung nag plano at nag sabi tapos siya pa yung late. Haays! Sabi niya 8am, eh 9:20 na kaya. Almost 1 hour and 20 minutes na akong naghihintay dito. Pinagti-tinginan na nga ako nung mga serving staffs eh. Last 10 minutes.. Aalis na ako kapag wala pa siya.

Nakakahiya na rin kasi parang mayroong isusurprise dito. Naka ayos kasi eh. Meron pa nga malaking puso, may mga naka-sabit pa na balloons ganon. Tapos may mga petals na naka-kalat sa floor. Yung table naman naka cover siya ng tela na red. Talagang ayos na ayos..

"KayTee!" -narinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ko alam pero kusa na lang akong lumingon at doon ko nakita si Kaizzer.

"hoy ikaw lalaki ka!" -sigaw ko at agad na tumayo habang tinuturo-turo ko siya.

"Hindi ba ang sabi mo sa akin alas otso ng umaga, eh bakit alas nuwebe na tsaka ka lang dumating!" -sigaw ko. Wala na akong paki elam kung may mga tumitingin man sa amin. Eh naiinis ako sa kanya eh. Pero hindi man lang niya ako pinansin. Dumiretso lang siya sa-sa, teka dun ba siya dumiretso sa kitchen area?

*blink blink*

Teka, tama doon nga. Pero ano namang gagawin niya roon sa loob? Sinundan ko siya kaso ayaw akong papasukin nung dalawang serving staffs.

"Teka! Kasama ko yung pumasok eh!" -sabi ko sa kanila habang nagpu-pumilit na pumasok sa loob.

"Alam po namin ma'am" -sabi nila sa akin. Aba! Alam naman pala nila eh..

"Bakit ayaw niyo akong papasukin!?"

"Hindi po talaga kasi pwede eh. Utos ni sir. Kaizzer" -sagot nung babae. Sir?

"Sir. Kaizzer ba kamo?" -tanong ko. Tumango naman ito. Paanong sir? Siya ba may-ari nito? Hindi na ako nag pumilit na pumasok. Hanggang ngayon ay naka sunod pa rin sa akin yung mga tingin ng mga customer dito. Haynako! Mind your own business monkeys. Arrgh! Simula nung nangyari last week naging ganito na ako.

Flashback*

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Hannah. Ang sarap nung kain namin nung biglang sumugod si Kodgee.

"Walanghiya ka talagang haliparot ka!" -narinig kong sabi niya habang nagmamadaling lumapit sa amin. Este sa akin pala. Pagkatapos nun ay nagulat ako nang bigla niya akong hinila, buhok ko yung hawak niya.

"Aray ko! Ano ba!?" -sigaw ko habang tinatanggal ang pagkaka sabunot niya sa buhok ko. Pero sobrang higpit na yung hawak niya kaya naman ang ginawa ko, sinabunutan ko rin siya.

"Aaah!" -narinig kong sigaw niya pero mas lalo kong hinila yung buhok niya..

"Ah-aray! Bitiwan mo nga yang buhok ko!" -sigaw niya sa akin pero hawak pa rin niya yung buhok ko. Ngayon naman, pareho na kaming nagsa-sabunutan. Marami na ring taong naka-palibot sa amin. Habang si Hannah naman, busy nakikipag sagutan sa mga alipores nitong Kojic na 'to!

Lalo kong nilakasan yung paghila sa buhok ni Kodgee dahilan para mabitawan niya yung buhok ko. Mas nakakuha ako ng pwersa kaya bago ko binitawan yung buhok niya eh hinila ko pa ng malakas.

"Sumosobra ka na ah!" -sigaw niya sa akin at akmang sasampalin niya ako pero inunahan ko na siya.

"Ikaw ang sumosobra, nananahimik na nga ako dito pero bigla-bigla ka na lang sumusugod diyan!"

Way Back Into LoveWhere stories live. Discover now