Kaizzer's POV
Naiwan na lang akong mag isa ngayon dito sa harapan ng music room. Ina-alala pa rin yung nangyari sa amin ni KayTee kanina. Ilang taon na rin nung time na nangyari yun. Ang kaso nasira lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa nangyari isang taon na ang nakalipas.
1 year ago...
I'm busy preparing my surprise for KayTee. Nandito kami ngayon ni Benjie sa Boracay.. Gusto ko na dito siya i-surprise, matagal niya na kasing nabanggit sa akin na gusto niyang pumunta dito kaso hindi niya magawa. That's why I will do it for her. Lalo na't ngayon ang pinaka-mahalagang araw namin. Lalo na siya..
Napansin kong kakaiba ang kilos ni Benjie ngayon. Tumutulong nga siya sa akin na mag-ayos pero parang wala siya sa mood. Kanina pa kasi siya hindi mapakali.
"Tol, may problema ba?" -tanong ko. Nakita kong nagulat siya nung mag salita ako.
"Ah, w-wala tol. May nawawala lang kasi sa akin, hinahanap ko" -sagot niya. Ano naman kayang hinahanap niya? Eh mukha naman siyang 'di naghahanap eh. Palinga-linga lang siya pero hindi ko pa siya nakitang tumingin sa baba. Eh kadalasan sa mga nawawalan sa baba tumitingin. Tsaka kanina ko pa rin napapansin na may ka-text siya. Eh hindi naman siya mahilig makipag-text. Ngayon ko lang siya napansin, halos di niya na ma-bitawan yung cellphone niya. Kakaiba talaga yung kinikilos niya ngayon.. Tumango na lang ako sa kanya.
Pumunta na muna ako malapit sa may beach. Lumanghap ng sariwang hangin.
"Wooh! This is it! KayTee, hintayin mo ako.." -bulong ko sa sarili ko.
"BJ!" -sigaw ko. Agad naman na lumapit sa akin si Benjie.
"Naka handa na ba lahat?" -tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at nag thumbs up.
"Sige maiwan muna kita ha? Susunduin ko lang si KayTee" -sabi ko sa kanya.
"Goodluck tol!" -sabi niya naman sa akin pagka-tapos ay ti-nap niya yung balikat ko. Tumango naman ako at agad na pumunta sa kotse ko. I start driving. It was almost an hour when I left Benjie, malapit na ako. I'm really excited na dalhin si KayTee sa boracay. Kaso biglang may nagtext sa akin, from unknown number.
*"Kaizzer, I have something to tell you. Tungkol ito sa girlfriend mo, si Krizzalyn. Dalawang taon ka na niyang niloloko.."*
Yan lang yung laman nung message pero bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. May pahabol na message.. Ang sabi "Meet me here...Marami pa akong sasabihin na iba.." ..
Then after a minute sinend niya sa akin yung lugar kung nasaan siya. Agad ko namang binilisan yung takbo ng kotse ko. Wala na akong paki-elam kung over speed man ako. Gusto ko lang malaman kung ano yung totoo. Kung totoo nga bang dalawang taon na akong niloloko ni KayTee.
After 30 minutes nandito na ako sa lugar na tinext sa akin. I check up my phone and I've received 3 messages.
*"Pasok ka sa loob."*
*"Dito sa loob ng restaurant." *
*"Naka suot ako ng Black Spaghetti Strap Midriff Ruffle Dress"*
sabi sa text.
Nasa tapat ako ngayon ng isang restaurant, kung saan kitang-kita yung mga tao sa loob. Agad naman akong pumasok sa loob at hinanap yung babae na naka-suot ng black. Kaunti lamang yung tao rito kaya agad ko namang nahanap yung babae. Sigurado akong siya 'yon dahil kumaway siya sa akin. Agad ko naman siyang nilapitan, dito kami naka pwesto malapit sa may mirror glass.
YOU ARE READING
Way Back Into Love
Roman pour Adolescents"A good horse will never go back to eat the grass behind" .. This saying has acquired the figurative meaning. Its implication is that never to find a way back into love. It is impossible for two people who have broken up to re-love. " ...