Chapter 10- at the Garden*

101 74 35
                                    

Kaizzer's POV

Habang naka tingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang mainis. Palagi niya na lang kasing napapangiti yung taong mahal ko. Lahat ng gawin niya kahit na simple lang ang lapad kaagad ng ngiti ni Kaytee.  Fck!

Hindi ko maiwasang mag selos..

Ilang beses ko na silang nakitang masaya.

Ang sama lang kasi ang saklap ng pangyayari nung una kaming nagkita.

Ngayon naman, sila na yung magkatabi. What a life! Bwisit , bakit ba may seating arrangement pa kasi? At ang masaklap, alphabetically arrange.. Yan tuloy, ang katabi ko, si Kodgee -__-

Tapos silang dalawa yung magkatabi. Palibhasa pareho silang TORRES.. Tss!

"Hi Kaizzer" -malanding sabi ni Kodgee. Eto na naman siya, palagi na lang siyang pang gulo sa buhay ko. Hindi niya ba maintindihan na hindi ko siya gusto? Palagi na lang siyang nandiyan, nangungulit. Nadadamay pa tuloy si Kaytee.

Hindi ko na lang siya lang pinansin, instead I put on my earphones and played the music, our favorite. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko. Ayoko rin namang makita na masaya yung dalawa. Di ko alam kung bakit ako naiinis, eh kaibigan ko naman si Benjie.

---


"Kai! Kai gising na!" -minulat ko yung mga mata ko at nakita kong naka ngiti ng malapad si Kodgee. Tss! Naka tulog pala ako?

"Uwian na" -sabi pa niya. Tumingin ako sa paligid ko. Fuck! Asan na sila? Kaming dalawa na lang pala ni Kodgee naiwan dito sa room. Walang sabi-sabi ay agad akong umalis ng room. Wala akong paki elam kay Kodgee, bahala siya sa buhay niya. Kailangan kong makita yung dalawa.

Nag lakad lang ako ng nag lakad. Hindi ko na rin pina-pansin yung mga babaeng tuma-tawag sa akin. Pumunta ako sa Garden ng school. Sa may likod, nagbabaka sakali na nandun siya.

~~~

Krizzalyn's POV

Nandito ako ngayon sa may likod ng school. Pinauna ko na si Hanna na umuwi. Sabi ko tsaka na lang, kasi parang may kailangan akong puntahan. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Feel ko lang kasi parang there's something about here. Para bang may mga memories na kong nagawa dito. Kaso paanong meron? Nahihibang na yata ako eh, hahaha.. Siguro dahil presko at tahimik rito.

"Alone?" -narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa likod ko. Teka, his voice was familiar.

"K-kaizzer?" tanong ko habang di lumilingon sa nagsalita.

"Buti nabosesan mo pa ko? Haha" -sabi niya pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Bakit ganito? Parang there's something. Parang naiilang ako na kinakabahan.

"Ah eh kasi, kakaiba yung boses mo eh"

"Ah ganon ba? Akala ko dahil masaya ka kapag naririnig mo yung boses ko"

"Huh?"

"Wala" -umiwas siya ng tingin. Tumingin siya sa kalayuan, parang may malalim na iniisip. Gusto ko na sanang umalis kaso may pumipigil sa akin. Tsaka wala naman dito si Kodgee kaya ayos lang naman siguro. Nagulat ako nang bigla na lang kinabit ni Kaizzer yung isang part ng earphones niya sa akin,

***🎵I've been living with a shadow over head, I've been sleeping with a cloud above my head, I've been lonely for so long, trapped in the past I just can't seem to move on...I've been hiding all my hopes and dreams away, just incase I ever need them again someday, I've been setting aside time, to clear a little space in the corners of my mind!🎵***

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. Ooo hooow " -napatingin ako kay Kaizzer, ganoon rin naman siya. Sabay kasi naming kinanta yung lyrics. Di ko alam kung bakit, ito na naman yung pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag. Tinitigan ko siya sa mga mata, ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Parang feel na feel niya yung kanta.. Para sakin naman, WAY BACK INTO LOVE is one of my favorite..

Dahan-dahan niyang nilalapit yung mukha niya sa akin. Hindi ko mapigilan yung sarili ko.

"Kaizzer"- tanging sambit ko. Bigla na lang niyang inatras yung mukha niya,

"I'm sorry" -sagot niya.. At ayan na naman yung tingin niya sa kalayuan. May past na kaya siya? Bakit parang di pa rin siya naka move on. Halata sa mukha niya yung pagka lungkot eh.. Kung pwede ko lang sana siyang tulungan. Kaso kailangan ko siyang layuan dahil nagagalit sakin si Kodgee.. Teka! Sila nga yata ni Kodgee, baka may LQ sila? Napansin ko nga pala kanina sa room na naiirita yung mukha ni Kaizzer kay Kodgee.

"May LQ ba kayo ni Kodgee?"- tanong ko sa kanya, ayoko sanang maki elam pero gusto kong tulungan si Kaizzer.

"Huh!? LQ?"

"Yup! Napansin ko kasi kanina ka pa malungkot diyan at ang lalim ng iniisip mo."

"Wala, hindi naman kami ni Kodgee eh" -tumingin siya sa mga mata ko. Nakaka-akit yung brown eyes niya. Teka! Bat ngayon ko lang napansin yun? Haha..

"Pero sabi niya sa akin sa kanya ka lang daw"

"Wag mo siyang pakinggan"

"Eh ano yung totoo?" -tanong ko

"Yung totoo?" -tanong niya sakin? Tumango naman ako,

"Yung totoo? Meron na akong mahal. Matagal na rin simula nung naging kami. Mahal na mahal ko siya.. Siya lang yung babaeng minahal ko. Kaso nung panahong magti-3 years na sana kami bigla na lang nangyari yung aksidente..." -Bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata niya.. Umiiyak rin pala ang lalaki? Akala ko manhid sila.. Pero meron pa rin palang may puso. Sobra sigurong saklap nung nangyari sa love story niya.. Pinunasan ko naman yung luha na pumatak sa pisngi niya gamit yung kanang kamay ko.

"Anong klaseng aksidente?" -tanong ko sa kanya.

"Car accident. Isang taon na rin mahigit nung mangyari yon" dahil sa sinabi niyang car accident, bigla na lang akong may naalala.

"Pwede bang change topic?" -bigla niyang singit.

"Ah oo naman, nga pala sorry kung sinuntok kita nung first meeting natin ah?" -sabi ko sa kanya.. Naalala ko na naman yung katangahang ginawa ko nun.

Natawa lang siya sa sinabi ko..

"Ayos lang yun.. Nakakatuwa ka nga eh.,"-banggit niya.

"Huh?"

"Second time kasi akong nasuntok ng babae. Hahaha" -natatawa niyang sabi.. Second time?

"Sino yung nauna?" tanong ko. Alam ko masyado na akong matanong pero I'm really curious.

"Yung mahal ko.." -sambit niya. Tapos ayan na naman yung itsura niya. Dahil sa wala naman akong masabi, lumapit pa ako sa kanya at sumandal sa balikat niya.

"Babalik rin yun" sambit ko. Di ko alam kung bakit yun yung nasabi ko. Kahit na hindi ko naman alam kung namatay ba o nawala o iniwan ba siya nung taong mahal niya. Basta yun na lang yung kusang lumabas sa bibig ko.

"Sana nga.."

~~~

Hello po, sorry sa late update.. Medyo busy this past few days eh, Sana po nagustuhan niyo, don't forget to vote and leave a comment :) Thank you so much ^_^

Way Back Into LoveWhere stories live. Discover now