Krizzalyn's POV
Nandito na kami ngayon ni Hannah sa cafeteria. Kanina pa siya salita ng salita pero di ko siya pinapakinggan. Kanina ko pa kasi hinahanap si Kodgee.. Kanina nung nagklase kami hindi siya pumasok. Ni isang piraso ng buhok niya wala akong nakita. Pati nga anino niya hindi man lang nagparamdam. Gusto ko lang sana mag sorry sa kanya. Alam ko hindi naman ako yung nagpahiya sa kanya sa harapan ng maraming tao pero feel ko ako pa rin yung may kasalanan kung bakit nagawa sa kanya ni Kaizzer yun. Ako kasi yung kasama ni Kaizzer eh..
"Ano ba! Nakakainis ka na ah" -sigaw sa akin ni Hannah. Nakita ko yung ilong at tenga niya na nag uusok na. OMG! Pag ganyan yan mahirap makalusot. Ano ba naman yan krizzalyn, bat ba kasi lutang ka! Yaan tuloy naging amazona na yung kaibigan mo. huhu, Lagot ako nito.. Mapipilitan akong sabihin yung nangyari kanina..
"S-sorry" -sabi ko sa kanya. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay. Hindi pa rin nawawala yung galit sa mga mata niya.
"Bakit ba kanina ka pa tulala?!" -tanong niya sa akin pagkatapos ay nangusilap. Kaharap ko nanaman yung mataray na Hannah ~_____~
"H-hindi kaya" -sinubukan ko magpalusot baka sakaling--
"Hindi ka na makakalusot ngayon, ano ba kasing dahilan!?" ok fine, hinding-hindi na nga ako makakalusot. Hooray! Two hands up -_-
"Eh kasi, ano, kanina, ahhm--" hindi ko talaga masabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pinaikot-ikot ko yung ilang piraso ng hibla ng buhok ko. Ganito talaga ako kapag kinakabahan.. Wooh!
"Alam ko na yang style mo, wag mo ng patagalin. Sasabihin mo rin naman sa akin eh, kaya ngayon na"
"Ah kasi ano, kanina"
"Oh anong nangyari?"
"S-si Kaizzer" -bigla na lang lumaki yung dalawa niyang mata. Halatang excited siya sa ike-kwento ko..
"Tapos?" lumapit siya sa akin..
"Si Kodgee--" tumaas naman yung kilay niya. Basta kasi Kodgee naiinis siya eh. Haha, syempre sakin siya kampi..
"Tapos?" -singit niya ulit..
"Teka nga! Wag ka ng sumingit. Nakakalito eh." -sumbat ko sa kanya. Tumawa naman siya ng bahagya at nag peace sign.
"Inaway ni Kaizzer si Kodgee kanina sa harapan ng maraming tao. Kaya ngayon hinahanap ko si Kodgee para sana humingi ng tawad"
"WHAAAT!? Humingi ng tawad? Para saan?"-nagtatakang tanong sakin ni Hannah.
"Sa nangyari kanina"
"Pero anong kinalaman mo dun at kailangan mong mag sorry sa kanya?"
"Ah ano kasi, kasama ko si Kaizzer kanina nung biglang---"
"Seryoso!? OMO, is this real? Kasama mo talaga siya kanina?"- tuwang-tuwa na tanong niya. Tumango naman ako ng alanganin. Hay nako! ~___~
"Tapos anong nagyari?" -tanong niya ulit.. Sabatera kasi eh -_-
"Ayun, biglang umeksena este dumating si Kodgee.. Tapos nagalit siya kay Kaizzer, ako nanaman daw kasi kasama ni Kaizzer eh.. Tapos ayun, pinagsabihan siya ni Kaizzer na hindi niya raw magugustuhan si Kodgee, EVER! Tapos ayun, bigla na lang tumakbo palayo si Kodgee sa amin. Marami kasing taong nakarinig at naka kita, for sure napahiya siya kaya hindi na siya pumasok kanina sa klase natin."
"Hahaha, buti naman.. Never talagang magugustuhan ni Kaizzer yun no!" -aba! Tuwang-tuwa pa ang gaga.
"Teka! May gusto ka ba kay Kaizzer?" -tanong ko sa kanya..
"Huh!? Wala no.. Hahaha"
"Sus! Baka naman crush mo si Kaizzer? Kaya ba inis na inis ka kay Kodgee? Kaya ba natutuwa kang inaway siya ni Kaizzer kanina? Kaya ba gusto mong hindi siya pumasok kanina sa klase natin? Kaya ba pinapaalis mo ako nun sa pool garden kasi ayaw mong makasama ko siya? Kaya ba sinundo mo ko dun kahit na di ako pinapahanap ni Manager para lang makita mo siya? Kaya ba ---"
"Heeeepss! Wag ka nang magsalita. Wala akong gusto kay Kaizzer ok? WALA" -sabi niya sa akin.
"Esssuuussss! Palusot ka pa eh.. Hahaha, ayiiieee.. Gusto mo ilakad kita sa kanya?" -tanong ko. Bigla na lang nag iba yung expression niya.
"Yan ang wag na wag mong gagawin!"- mabilis na sabi niya sa akin. Teka bakit naman?
"Hahaha! Ikaw talaga pakipot ka pa"- sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay tinusok yung tagiliran niya. Agad naman siyang napa-atras dahil malakas yung kiliti niya. Pareho lang kami pero mas malakas nga lang yung akin.. Hahaha..
"Basta, hindi ko talaga gusto si Kaizzer. Promise" -tinaas pa niya yung kanang kamay niya. Haynako Hannah, wala ka ng lusot ngayon.. Basta sasabihin ko kay Kaizzer. Hahaha..
"Okay, sabi mo yan eh" tapos ay ngumiti ako sa kanya ng napaka lapad, abot hanggang langit, char! Haha..
Tapos na rin kaming kumain ni Hannah kaya naman dumiretso na kami sa room. Nakita kong mag isa lang ulit si Kaizzer , wala pa rin si Kodgee.. Nilapitan ko siya, si Hannah naman dumiretso na sa upuan niya..
"Hi" -sabi ko sa kanya.. Nginitian niya naman ako..
"May sasabihin nga pala ako sayo" sabay naming sabi.. Hmm, ano naman kayang sasabihin niya?
"Ano yun?" -sabay ulit kami.. Haha ang kulit ..
"Ikaw na mauna" -sabay nanaman po kami ~__~ .... xD
"Hindi ikaw na muna, ladies first" -sabi niya sa akin. Ok fine, sige na nga .. Hahaha, pero di naman ganon ka importante yung sasabihin ko eh..
"Ano, ahm, gusto k---" Nagulat ako ng biglang dumating si Kodgee.
"Sa susunod na lang" -mabilis na sabi ko kay Kaizzer at agad na tumayo at dumiretso sa upuan ko. Nandon na rin pala si Benjie. Agad naman akong umupo..
"Anong ginawa mo dun!?" -seryosong sabi ni Benjie habang naka tingin lang ng diretso sa harapan. Ako ba kausap niya? Tanong ko sa sarili ko.
"Huh!?"
"Anong ginawa mo dun?" pag-uulit niya.. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin..
"Saan?" -tanong ko.
"Sa tabi ni Kaizzer" pagkatapos ay tumingin na siya sa akin.. "Anong ginawa mo sa tabi ni Kaizzer? Bakit dun ka umupo sa tabi niya? Ano yung sasabihin mo sa kanya?" -dire-diretso niyang tanong. Teka, bat ganito siya?
"Wala naman, may sasabihin lang sana ako sa kanya.." umiwas ako ng tingin..
"Ano nga yung sasabihin mo sa kanya?" -pangungulit niya sa akin. Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya eh..
"Ah tatanungin ko lang sana sa kanya kung nakita niya si Kodgee kaso ayan naman na pala siya.. " -pagsisinungaling ko..
Tinitigan lang ako ni Benjie.. Iih, ang hirap mag sinungaling..
~~~
A/N:
Hello po, eto na yung update, hope you like it ^_^ .. Don't forget to vote and leave a comment :) Thank you so much 😍😊
YOU ARE READING
Way Back Into Love
Ficção Adolescente"A good horse will never go back to eat the grass behind" .. This saying has acquired the figurative meaning. Its implication is that never to find a way back into love. It is impossible for two people who have broken up to re-love. " ...