Krizzalyn's Pov
"Good Morning Ma'am, sorry I'm late"
Napatingin ang lahat sa kararating. Narinig ko ang hiyawan ng karamihan. Nagulat ako sa nakita ko. Si Benjie.
Nakatingin ako sa kanya habang papalapit siya malapit sa amin.
"Alis" -mahinahong sabi ni Benjie kay Kaizzer.
Patuloy lang sa pag tap ng desk si Kaizzer. Tila parang wala itong naririnig.
"Sinabi ng alis eh!" -medyo luma lakas na yung boses ni Benjie.
"Benj, dun ka na lang sa tabi ni Kodgee" -sabat ni Hannah.
Tinignan ako ni benjie ng *ano ayos lang ba na doon na ako umupo look*Tumango naman ako.
Di ko alam kung tama ba yung iniisip ko pero kasi sumunod naman ito nung tumango ako. Doon na siya sa tabi ni Kojic umupo. Kainis kasi tong si Kaizzer eh.
Nag-start nang mag introduce ang aming prof. Wala pa naman kaming lessons ngayon kasi first day pa lang. Binigay niya lang samin yung schedule namin.
-----
Break time na namin. Hinayaan ko muna na mauna yung iba na lumabas. Ayoko kasing nakiki pag-siksikan sa karamihan eh. Mahirap kaya.
"Di ka pa rin ba lalabas?" -tanong sa akin ni Hannah.
"Hayaan muna natin sila"
Napansin kong nag uusap si Kaizzer at Benjie. Wow! Small world. Magkakilala ba yung dalawa?
"Tara na"-sabi ni Hannah. Tumango lang ako at tumayo na si kinau-upuan ko. Iniwan na namin yung dalawa.
Nandito na kami ngayon sa cafeteria. As usual, palaging si Hannah taga order. Sayang pa kasi yung time ko para mag order.
Habang nag o-order si Hannah nilabas ko ulit yung wattpad books ko. Masaya kaya magbasa, nakakagaan ng loob. Pangpawala rin ng stress.
Nasa kalagitnaan na 'ko ng binabasa ko nang bigla na lang --- Sh*t! Nabasa na yung wattpad books ko. Huhu!
"Oops! Sorry!"
tinignan ko ang nagsalita at nakita ko ang makapal na pagmumukha ni Kodgee.
"Sumu-sobra ka na talaga ah!" -tumayo ako para matapatan ko ang mukha niyang sobrang pulak.
"Di mo ba alam kung gano kamahal yan! huh!?" -sigaw ko sa kanya. Ang mahal mahal nun eh, huhu. Grabe.. >_<
Narinig ko ang tawanan nila. Tatlo na sila ngayon.
"Oh my Ghad! Seriously!? Presyo talaga yung iniisip mo? Hahaha. How poor naman is you! Gusto mo bilhan kita? Mas marami pa jan." -sarcastic niyang sabi.
Hindi naman dahil sa presyo ah! Collection ko yan eh! :'( .. Kainis naman, >_<
"Wala kang paki elam kung gaano ako kahirap. Wala rin akong paki elam kung gaano ka pa kayaman at kung hanggang ilang libro ang kaya mong bilhin! Ang akin lang naman BOOKS are one of my COLLECTION! At ang pinaka ayoko sa lahat yung sisirain to ng iba! Lalo na't HINDI MO NAMAN ITO PAG AARI!!"
"Wow! As in wow! Kung makapagsalita akala mo kung sino. Hindi ko pag-aari? Maybe your books are not mine but KAIZZER IS MINE!"
teka, paano napunta si Kaizzer sa usapan?
"Edi sayo lang" -mahina kong sagot pero pabalang. Pagkatapos ay niligpit ko na yung gamit ko. Punasan ko na lang mamaya tsaka patuyuin. Kainis talaga, kulubot na tuloy libro ko :(
"Excuse me" -sabi ko
"Hindi pa tayo tapos!" -sabi ni Kojic pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya sa paraang pag hila sa hibla ng buhok ko. Bigla niya na lamang akong sinampal. Hindi ko na ito napigilan dahil hawak hawak ko yung tatlong libro. Ang sakit nun ah, madaya! Huhu ..
Napapikit na lang ako nang makita kong la-landing na naman yung palad niya sa pisngi ko.
---
Teka, bat wala pa rin akong maramdaman? Manhid na ba ko. Yey! Dakila na kong manhid ngayon. Haha char!
Minulat ko yung mga mata ko, nakita kong gulat na gulat yung itsura ni Kojic.
"K-kai..."
"Stop hurting Krizzalyn!" -di na pina-tapos ni Kaizzer na magsalita si Kojic. Pero bakit? Akala ko ba sa kanya si Kaizzer?
"Halika na" -sabi ni Kaizzer pagkatapos ay hinila ako. Teka, bakit ako?
"Teka lang. Mali ka yata ng hinila" -sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumigil sa paglalakad. Tinitigan niya lang ako.
"Manhi--/Besshhiiiee" -hindi na natuloy ni Kaizzer yung sasabihin niya dahil biglang dumating si Hannah. Thank God, she's here na.
"Ano nanaman bang ginawa sayo ni Kodgee huh?" -nag-aalalang tanong sa akin ni Hannah. Nilapag niya muna yung pagkain sa may side table. Pagkatapos ay inayos niya yung buhok ko.
"Gusto mo bang sugurin ko na siya? Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang."
"Wala, hayaan na lang natin siya. Di ko lang maintindihan kung bakit ang init ng ulo niya sa akin. Eh wala naman talaga akong ginagawa sa kanya eh."
Nakita kong umalis na lang si Kaizzer. Teka, ano kaya yung sasabihin niya sakin kanina? Wrong timing kasi dumating si Hannah eh.. Hindi tuloy natuloy.
"hoy! Ano ba, lutang ka nanaman dyan. Wag mo nang isipin si Kodgee okay? Wala lang talagang magawa sa buhay yon."
"Ah oo, tama" -yan na lang ang tanging nasabi ko.
Lumipat na lang kami ni Hannah sa ibang table. Malayo dun sa mga demonyo.
Nilabas ko yung panyo ko pagkatapos ay pinunasan yung mga page ng books ko. Ang pangit na tuloy :(
"Di ka ba kakain?" -tanong ni Hannah
"Mamaya na lang. Patuyuin ko muna to."
"okay sige" sabi ni Hannah pagkatapos ay kumain na.
Bakit kaya galit na galit sakin si Kodgee? Tsaka bakit niya nasabing sakanya si Kaizzer? Sila kaya? Tsaka Wala naman akong kinalaman sa kanilang dalawa ni Kaizzer eh tapos ako yung pag iinitan niya.
Dinamay pa niya yung mga libro kong walang kamalay-malay eh ~____~
"Krizzalyn ayos ka lang?" -tinignan ko ang nagsalita.
"Ah oo, ayos na ako"
"Sabihin mo sakin kung anong ginawa sayo ni Kodgee"
"Wala, tapos na yun. Hayaan na lang natin." -sagot ko sa kanya.
"Si kaizzer" bulong ni benjie
"Huh? Bakit si Kaizzer?" -tanong ko sa kanya.
"ah wala" -yun lang ang nasabi ni Benjie pagkatapos ay umalis na siya.
Teka, naguguluhan ako. Magkakilala kaya yung dalawa?~~~~~
A/N:
Hello, what's up guys? Thank you for those votes and comments. I really appreciates it. Keep reading :) Lav yah all 😊😍😘
![](https://img.wattpad.com/cover/112005701-288-k659177.jpg)
YOU ARE READING
Way Back Into Love
Novela Juvenil"A good horse will never go back to eat the grass behind" .. This saying has acquired the figurative meaning. Its implication is that never to find a way back into love. It is impossible for two people who have broken up to re-love. " ...