Chapter 6- Pandesal*

129 83 79
                                    

Krizzalyn's Pov


"Nak! May bisita ka." narinig kong sabi ni mama.

Naka higa pa rin kasi ako hanggang ngayon sa kama ko. Sinabi ni Hannah na wag na muna akong pumasok. Masama kasi pakiramdam ko. Sabi ko sa kanya kaya ko naman pero pinilit niya pa rin akong mag stay dito sa bahay. Baka raw kasi lumala yung pakiramdam ko.

"Sino raw po?" -mahinang sagot ko.

"Si ano, kilala mo na. Yung palagi mong bisita" -sabi sakin ni mama pagkatapos ay nginitian niya ko. Halatang kinikilig pa. Hahaha

Ahh, si Benjie.

"Sige ma, sunod na lang po ako."

Almost 3 weeks na rin yung naka-lipas nung makita ko si Kaizzer. Last na kita ko pa sa kanya parang badtrip siya sa'kin. Di ko alam kung may nagawa ba ko. Ito namang si Benjie, halos palaging nandito sa bahay.

Bumaba na ako. Doon ko nakita si Benjie na may dalang bouquet of flowers with matching pandesal. Hahaha, pandesal talaga eh no?

"For you" -sabi niya pagkatapos ay ini abot sa akin yung bouquet. Kinuha ko naman yon at ini lapag sa sofa. Umupo na rin ako.

"Pandesal nga pala, pares sa kape." -he said. Pagkatapos ay tumayo siya at dumiretso sa kusina. Nang bumalik siya ay may dala-dala na siyang dalawang tasa ng kape. Aba, siya talaga nag timpla, hahaha.

"Nadaanan ko yung ale kanina na may bitbit neto. Naalala ko sabi ng little sister ko na mainam raw kainin ang pandesal kapag may pares na kape. Gustong-gusto raw ito ng mga may sakit. Kaya binili ko na lahat, sana magustuhan mo" -sabi niya pagkatapos ay nginitian ako.

"Oo, masarap talaga itong pandesal" -sabi ko pagkatapos ay isinawsaw ito sa kape. Sobrang yaman nitong si Benjie pero hindi siya mapili. Kaya nga bilib ako sa kanya eh. Hindi siya katulad ng iba na porke mayaman eh ayaw na bumili ng mga ganitong uri ng pagkain ~_________~

Nakita kong sarap na sarap siya sa pag-kain ng pandesal. ^_^ Grabe! Ang cute niyang tignan .. Hihihi... Kenekeleg eke bet gente? ...xD

Nang matapos na kaming kumain niyaya niya akong lumabas. Ito namang si mama agad na pumayag. Iba talaga eh, hahaha.

~~~~~

Sumakay na kami sa kotse niya.

"San tayo pupunta" -tanong ko sa kanya.

Para siyang bingi kasi hindi niya ko sinasagot. ~_~

"Benj..?" -wala pa rin. After how many minutes,

"We're here." -sabi niya sakin. Pagkatapos ay tinanggal niya yung pagkaka-kabit ng seatbelt sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya. Muntik na kaming maghalikan dahil tinignan niya rin ako. Sheems! Di ako maka-galaw... 

"Tara na?" -I asked

tumango lang siya. Then hindi ko na siya hinintay para pag buksan ako ng kotse. Yaay! Feel ko namumula ako kanina. Hahaha ..

Pumasok na kami sa napaka laking mall. Yay! Ngayon lang ako makakapasok sa ganito. Grabe ang laki at ang lawak... *_*

Sumakay kami sa escalator.

Nandito kami ngayon sa may arcade. Andaming mga batang naglalaro. Ang saya nilang tignan ^_^

"Tara?" -yaya sa'kin ni Benjie
tumango lang ako at sumunod sakanya.

Dinala niya ko dito sa may basketball..

"Alam mo?" -tanong niya sakin.

"Tignan natin.." -sabi ko sa kanya pagkatapos ay nginitian siya. Naghulog na siya ng token. Then pinindot yung red button.

Way Back Into LoveWhere stories live. Discover now