Chapter 2:

6.6K 174 13
                                    

Hi to my first ever follower! ♥

*****

"Bessieeeeee! Hintay naman!!" habol ko kay Julia dahil biglaan ba naman akong iniwan sa harap ng gate? Aba! Saglit lang akong lumingon lingon sa paligid ko eh nawala ba naman agad? Eto talagang babaeng to. Siguro may nakita na namang wafung fafa.

Pero siyempre, walang mas gagwapo pa kay soon-to-be-groom kong si DJmylabs! ♥

At dahil sa katang---este... sige katangahan nalang. Di na ako aarte. Totoo talaga yun, tanga ako. Pero pagdating kay DJ? Matalino ako siyempre! O sige, tutuloy ko na. Eh nabangga ako sa poste... teka? May poste ba dito?! Unti-unti kong tinignan yung nakabangga ko.

Uh-oh... ang gwapo niya!!!

"Koyaaaa! May kamukha ka! Waaaaaa" pageeskandalo ko sa corridor. Nakuha ko tuloy lahat ng atensyon ng mga mag-aaral na dumadaan dito.

"H-huh?" gulat na tanong ni wafung fafa sakin.

"Waaaaa. May kamukha ka talaga koyaaa! Yung mapapangasawa ko!" wahahahahaha. Oo, kalokalike siya ni DJ mylabs! Pero mas gwapo si mylabs ko, pero magkamukha talaga sila. As in! :D

"Miss.. Baliw ka ba?" ayyyy! Bumabanat si koyaaaa!

"Bakiiiiiit?" super excited kong tanong sakanya. Banat yan, alam ko!

"Kasi... mukha kang baliw eh. Di kaya nagkamali ka ng pasok? Dapat ata sa mental ka pinasok eh." ay sungit ni koya. Sayang, gwapo pa naman.

Kala ko pa naman banat yun. Hmp. Paasa to. Babanatan ko to eh!

"Hmp. Akala ko pa naman bumabanat ka. Tse!" inirapan ko siya. "Diyan ka nga, baka ma-late pa ako dahil sayo!" 

Tumakbo na ako ng tuluyan baka sakaling mahabol ko pa yung bespren kong di ko na alam kung saan nagsuot. Nung hindi ko na talaga kayang hanapin, napagdesisyonan ko nalang na hahanapin ko na kung saang lupalop ng eskwelahan na ito nagtatago yung classroom namin.

*knock knock*

Hindi pa binubuksan yung pinto eh agad ko na itong binuksan. Duh? Alangan namang maghintay pa ako dito eh gusto ko ng maupo dahil sobrang pagod ko na. Hindi ko naman kasi alam kung saang floor tong room ko. Inikot ko tuloy. Di ko naman alam na kapag pala 4th year highschool ka eh nasa first floor lang. Huhu. Ang ganda ganda ko. :((

"Yes?" gulat na tanong nung teacher naming mukhang mataray. Ang ganda ko talaga!

"Transferee ma'am." sabi ko with matching innocent smile. Yiiiie. Inlab na sakin mga klasmeyt ko neto!

"Oh, you're the other transferee." tumango ako, "Come in and introduce yourself infront." umapak ako dun sa platform. Aba aba. Ang astig naman dito, bagay na bagay ang kagandahan ko!

Pumasok naman ako tulad nga ng sabi nung teacher namin. Oyeah, oyeah. Papakatino ako ngayon. Pers impression last, dibuhhh? :)))

"Hi!" paunang bati lang yan mga prens, "I'm Kathryn Bernardo, soon-to-be Padilla. Hope we'll all be friends. Hihihi." natawa nalang yung mga bagong kaklase ko sakin. Oh... they love me!! "Saan ako uupo ma'am?"

"There." tinuro niya yung bandang likod kung saan nakaupo yung wafung fafa na kamukha ni DJ mylabs pero mas gwapo si DJ ko. Hihihi

Pumunta naman ako kung saan yung uupuan ko daw na tinuro ni ma'am. Pagkaupo ko eh tumingin ako sa kalokalike nung mapapangasawa ko. Waaaaa. Para ko na rin siyang kasama! I'm so kinikilig! Papasalamatan ko si mother pag-uwi!

"Don't you know that staring at people is kinda... rude?" tanong sakin nung kalokalike niya. Waaaaa! Kinausap ako!!

"H-huh?" *still staring*

 "I said, don't look at me like that. Feeling ko kasi may masama kang binabalak sakin." tumingin siya saglit sa teacher namin then binalik niya din sakin, "Kidnapper ka ba?"

Nanlaki mata ko. OMG! Baka naman ang sasagot niya eh.. 'kasi kinidnap mo ang puso ko.' Sinasabi ko na nga ba eh! May hidden desire tong wafung fafa na kalokalike ng minamahal kong si Daniel Padilla. :D

"Bakiiiit? Kasi kinidnap ko puso mo? Sorry koya, may mapapangasawa na kasi ako eh. Busted ka na." ngumiti ako sakanya. Siya naman eh napakunot ang noo niya na tila nagtataka sa mga pinagsasabi ng magandang nasa harapan niya.

"Pinagsasabi mo? Yang tingin mo kasi eh para kang kidnapper kaya kita tinanong. Baliw." tumingin na ulit siya sa teacher.

"Ikaw naman koyaaa. Nahiya ka pang aminin. Hahahaha. Alam ko namang ikaw ang baliw eh. Baliw na baliw sakin. Wahahahahaha"

Tumawa ako ng tumawa dun na siyang dahilan kung bakit ako napansin ng lahat ng tao sa classroom namin, yes. Including our teacher.

"Anong nakakatawa ms. Bernardo?" napatigil ako at tumingin sa teacher.

"Uh..." umayos ako ng upo, "Nothing ma'am."

Hindi na ulit ako umimik dahil nakakahiya naman kay ma'am. Busy siya magturo eh. Papakabusy nalang din ako sa pagdoodle ng pangalan ni DJmylabs para pag nagpakasal na kami, bibigay ko sa kanya ito. Remembrance. Hihihihi

Break time.

"Hoy babae, saan ka ba nagsu-suot at bigla nalang kitang hindi nakita kanina?!" nag-gagalit-galitan na tanong nung bespren kong mas baliw pa ata sakin.

"Ikaw kaya tong biglang nawala. Iniwan mo ako sa may gate kanina. Hmp." may himig pagtatampong sagot ko naman sakanya.

"Ay oo pala." buti naman at bumalik na utak nito.

"Ay oo nga din pala bessie, napansin mo ba yung mukha nung katabi ko sa classroom?"

"Yung gwapo?" tumango ako, "Bakit yun?"

"Kamukha niya kaya yung mapapangasawa ko! Hihihih" kinikilig kong sagot kay Julia. Inirapan naman ako.

"Nangangarap ka nanaman. Nu ka ba naman Kath. Lahat nalang ata ng lalaking makita mo eh sinasabihan mo na kamukha ng mapapangasawa mo. Sus. Si Daniel Padilla? Di ka kilala nun uy." inirapan ko naman.

"Edi magpapakilala ako!"

"Hindi ka papansinin nun."

"Edi magpapa-pansin ako!"

"Wala siyang pakealam sayo."

"May pake siya, kasi.." nag-isip naman ako ng susunod sa sasabihin ko. "Ako mapapangasawa niya!"

"Hay nako Kath, itulog mo nalang yan."

"Di ako antok."

"O tara magkape. Starbucks pa, libre ko na." napakunot noo ako. Anong connect?

"Anong connect nun bessie?"

"Para magising ka sa imahinasyon mo. Lika na nga." inaya na niya ako sa canteen.

Hindi lang nila alam.... malapit na siyang magising sa katotohanan na malapit nang mangyari ang nakatakdang paghaharap nila. Maging masaya kaya siya sa pagbabagong magaganap sa buhay niya? O mas pipiliin nalang niyang bumalik sa dati?

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon