Epilogue

5.6K 179 19
  • Dedicated kay To all the Fangirl's readers. ♥
                                    

To: Dee

"Mag usap tayo sa park ngayon. I'm on my way there. I'll wait for you..."

Yan ang eksaktong tinext ko sa kanya. Alam ko namang parati niyang hawak phone niya eh. So panigurado, nabasa na niya yun.

Actually kanina ko pa yan na send sa kanya eh. At kanina pa din ako dito. Mga 10 minutes na siguro. Ang tagal niya nga eh. Masyadong late.

Pero hindi. Kailangan ko talaga siyang makausap ngayon. Bukas na kasi ng madaling araw ang alis ko eh. Ayaw ko namang umalis ng hindi pa naaayos yung problema ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry na late ako."

Boses niya palang, kilala ko na. Sino ba namang hindi? Ako nga ang number one na taga hanga niya eh. Malamang memorize ko na boses niyan.

"Dee..."

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Wala na akong galit sa kanya. Pero... siyempre hindi naman agad agad nawawala yung sakit no. Hindi naman ako si wonderwoman o kahit na sinong super hero diyan. Tao din ako, nasasaktan.

Umupo siya sa swing sa tabi ko. So bale pareho kaming nakaupo sa swing.

"Ya.. sorry talaga ha?"

Ya.. from Chandria. Kung babanggitin kasi, tsan-dri-ya. Dun niya nakuha yung Ya na tawag niya sakin. Same as Jul-ya.

"Makikinig ka ba sakin kung magpapaliwanag ako sayo?"

Paliwanag... eto na naman tayo sa paliwanag. Pero...

"Sige. Gusto kong maintindihan lahat. Magsimula tayo sa gabi na yun."

Ang tinutukoy ko e yung gabing nag text siya sakin na magkita kami. Yung sinabi niyang gusto niya akong makausap. The text?

"Yung gabing yun... oo tinext kita. Sinabi ko sayong magkita tayo, dito. Pero hindi ka dumating. Si Julia yung dumating at sinabing hindi ka na daw dadating. Sabi niya pinapasabi mo daw na ayaw mo na sa akin at iiwanan mo na daw ako."

Nagsasabi nga pala talaga ng totoo si Jul--Francesca sa akin kanina. Oo, alam ko na lahat. Naikwento na sa akin ni Francesca.

Siya talaga ang may kagagawan ng lahat..

"Sabi pa niya, kung gusto ko daw bang gantihan ka. Siyempre galit ako noon. Mahal na mahal kita eh. At masakit namang malaman na yung taong mahal mo eh ayaw na sayo. Diba masakit?"

Oo nga. Masakit talaga yun. Sobra nga eh.

"Alam niyang Ya ang tawag ko sayo. Kaya siya ang nag suggest na tawagin ko din siyang Ya. Yun siguro yung part na inabutan mo."

Nagulat naman ako. Alam niya?

"Oo, alam kong dumating ka Ya. Ay, hindi ko pala alam. Naramdaman ko pala. Tuwing malapit ka kasi sa akin, lumalakas yung tibok ng puso ko. Alam mo yung tipong parang sasabog na? Ganun.. ganun yung nararamdaman ko tuwing malapit ka. Kaya nga nung maramdaman ko yung malalakas na tibok ng dibdib ko, alam kong nandun ka. Alam kong dumating ka."

So... sinadya nga niya ang lahat?

"Alam ko iniisip mo, na sinadya ko lahat. Siguro nga ang sagot dun eh oo. Pero ang tanong naman talaga, kung ginusto ko ba?" napailing nalang siya sa sarili niyang tanong, "Hindi, Ya. Hindi ko ginusto yun. Nadala lang ako ng galit." 

Huminga siya ng malalim at tumingala. Tulad ko.. pinipigilan niya ding wag maiyak.

"Pero sana... hindi na ako nagpadala sa galit ko. Edi sana... sana sa akin ka pa rin."

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon