"MOTHERRRR!" sigaw ko pagkapasok ko palang ng bahay. Humahangos naman na dumating si Mama na galing ata sa kusina dahil nagluluto siya ng hapunan namin.
"Ano yun?! May sunog ba?! Magnanakaw?! O may humahabol sayong kidnapper?! Anak, bakit ka ba sumisigaw?!" tarantang taranta na tanong ni Mama pagkakita niya sakin.
"HAHAHAHAHA! Si Mama, nagjojoke." tapos tumawa ulit ako. Yung reaction niya kasi e, priceless! "May babalita lang ako sayo ma, excited ako eh. Hahahaha!"
"Loko kang bata ka. Akala ko naman kung mamamatay ka na Kung makasigaw ka kasi, parang may emergency." tumalikod na siya dahil babalikan na ata niya yung niluluto niya na iniwan niya kanina dahil sa pagsigaw ko. Sumunod naman ako sakanya. "Ano ba yun, ha?" tanong niya nang maramdaman ata niyang sinundan ko siya.
"Eh kasi ma, kaklase ko yung kalokalike ni DJlabs... seatmate ko pa! Wahihihihihi" kinikilig kong sagot kay mama, "Ibig lang sabihin nun ma, malapit na kaming magkita ni DJlabs! Waaaaa. We’re destined to each other!" di ko talaga mapigilan ni hindi kiligin pag may kinalaman kay DJlabs. <3
"Hay nako anak, puro ka nalang Daniel. Wala ka na bang ibang alam gawin sa buhay mo?" bumuntong-hininga pa siya na parang nag-aalala talaga sakin. Sus. Di naman ako tatandang dalaga no.
"Meron naman ma." lumingon siya sakin at parang nabuhayan siya ng loob.
"Talaga? Ano?" excited na tanong ni mama sakin.
"Ang mahalin si Dj. Hihihihihi" literally na napaface palm si mama sa sinabi ko. Bago pa siya makapag-salita inunahan ko na siya, "Sige ma! Akyat na ako sa taas."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si mama kasi alam ko namang makakarinig na naman ako diyan ng sermon eh. Kesyo tigilan ko na daw ang pagpapantasya ko kay Daniel wala daw akong mararating. Sus. Mangyayari kaya yun!
Dreams do come true nga diba?
Pero honestly speaking, hindi ko talaga alam kung kailan ako nagsimulang maging ultimate fan ni Daniel. Naalala ko nga nung una ko siyang nakita na lumabas sa TV (not literally) e naiinis ako sakanya. Para kasing ang feeling niya, ang hangin niya. Mga ganun.
Pero isang araw, nagising ako na... gusto ko na pala siya.
Tapos si mama, ang weird pa niya nung bakasyon bago ako magfourth year.
Flashback...
"Anak, ililipat na kita ng school ha?" sabi ni mama na tinabihan pa ako sa panunood ng TV na hindi talaga niya gawain. Di naman kasi mahilig manood yan eh. Bakasyon kasi ngayon eh, wala naman akong pera pang-gala kaya tambay lang ako dito sa bahay.
"Ha? Ma, ayoko!" ayoko talaga kasi madami na akong friends sa school ko ngayon. Ayoko silang iwan. Mami-miss nila ang kagandahan ko.
"Sige na anak. I promise na mas magiging masaya ka sa school na paglilipatan mo." pamimilit pa ni mama sakin.
"Ma naman eh! Fourth year na ako sa pasukan oh, alangan namang lumipat pa ako eh isang taon nalang naman para mag-graduate ako sa highschool." nag-cross arm ako, "Saka ma, paano naman ako sasaya sa paglilipatan ko eh ni wala nga akong kilala dun, kahit isa."

BINABASA MO ANG
Fangirl
أدب الهواة"Hi. You don't know me. But someday, you will marry me." - Kathryn Bernardo