Chapter 8:

4.6K 136 7
                                    

Kinakabahan ako.

Ngayon na kasi yung araw kung kailan kami mag-uusap ni Daniel pagkatapos kong malaman ang lahat at napagdesisyonan na kausapin na siya para malinawan na ako.

Natext ko na din siya, sabi naman niya papunta na siya.

Ako naman eh papunta palang sa meeting place namin... sa park.

Pagkarating ko, nakita ko na ang napakagwapo niyang likod.

Oo, kahit na galit ako sakanya, di ko pa din maitatanggi na gwapo talaga siya at mahal ko siya. Hihihihi. Ay teka, bawal kiligin ngayon. Nakakamatay.

Huminga muna ako ng malalim. Kinakabahan talaga ako.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa taong mahal ko. Siguro ay narinig niya ang mga kaluskos kaya lumingon siya sakin.

Unti-unti siyang ngumiti sakin.

"Daniel..."

"Kath..."

Naglakad ako papalapit sa taong naghihintay sakin.

"May gusto lang akong malaman Daniel."

"Pwede bang... mamaya nalang?" napaisip naman ako, "G-gusto ko munang makasama ka ng matagal... nang walang iniisip na problema. Pwede ba yun?" ngumiti lang ako sakanya. Pagbibigyan ko siya.

"Oo naman..."

Inaya niya akong maupo sa swing na malapit lang samin.

Naalala ko, parati kaming nandito nung mga bata pa kami. Hindi nga kami mapaghiwalay dalawa eh. Para kaming kambal na hindi pupwedeng maghiwalay. Parang nakadikit ang mga katawan namin.

Kung nasaan yung isa... dapat nandun din yung isa.

"Naaalala mo na ba lahat?"

Lumingon naman ako sakanya. Matapos ang mahabang katahimikan, buti naman binasag na niya? Hay nako...

"Oo."

COMPLETE SILENCE.

Nakakabingi naman o. Ano ba talagang gagawin namin dito? Maglalaro? Kung sino unang magsasalita siya ang talo, ganun ba yun? Tsk

"Alam mo..." napatingin naman ako sakanya, "Ang tagal kitang hinintay."

"Ha?" magsasalita na nga lang, yung hindi ko pa maintindihan ang sasabihin. Nu ba naman yan o.

I heard him giggled, "Di mo siguro ako maintindihan no?" oo, grabe! Buti alam mo? "Hayaan mo muna akong magsalita ha?"

Huminto na naman siya. Siguro e nag-iisip yan ng magandang way na simulan yung gusto niyang sabihin sakin.

"Noon, sabi ko sa sarili ko... never na akong titingin sa ibang babae. Kasi kapag tumitingin ako sa ibang babae, ikaw lang nakikita ko. Bakit ko pa pipiliing manloko?" ano namang pinagsasabi nitong taong to?

"Siguro nga ang tingin sakin ng iba diyan, manloloko ako, mahilig magpaiyak ng babae... yung tipong heartbreaker? Pero hindi eh. Hindi ko naisip na manloko ng babae. Tuwing nakakakita nga ako ng babaeng pinapaiyak ng mga walang kwentang lalaki diyan, nagagalit ako. Kasi, hindi magandang tignan sa lalaki ang nanakita ng babae. Kung inaakala nilang cool ang pananakit sa mga babae, nagkakamali sila." Oo nga naman. May punto siya dun.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon