“Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Grrrrr” nanggi-gigil kong sabi habang naglalakad kami ni Julia papunta sa school namin.
“O, ano na namang problema mo babae?” tanong niya habang nakakunot noo pa.
“See it for yourself.” Kinuha ko yung article – na ni-print ko pa – sa bag ko. “O.” Inabot ko naman sakanya.
“Daniel Padilla is finding his one great love? Who could that be?” rinig kong basa niya sa title ng article na yun, “Ahhhh. Kaya pala. Pfft” pigil niya pa sa tawa niya. Tinignan ko naman siya ng masama.
“You’re not helping Bessie. Hmp.”
“Eh papano naman kasi—“ kusa siyang tumigil sa sasabihin niya, kaya naman napakunot-noo ako, “I mean, ikaw naman kasi Bessie. Hilig mong umasa, ayan tuloy. Pfft” pigil niya ulit sa tawa niya.
“Kung natatawa ka, o edi tumawa ka. Tsk” inunahan ko na siya sa paglalakad.
“WAHAHAHAHA!” ayan, tumawa nga talaga. “AHAHAHAHAHA!” tawa niya ulit. Grrrr. Bwiset!
“Mamatay ka sana kakatawa! Tsk. Kung di mo lang alam, MU kami!”
“Oo nga Bessie, MU kayo. Magisang Umaasa! Wahahahaha!”
“Grrrr. Bwiset ka Bessie!”
Binilisan ko na ang paglalakad ko kasi nakakainis naman talaga. Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko. Malalaman mo nalang pala na yung mapapangasawa mo eh may one great love na pala! Sino ba kasi yung babaeng yun at nang mapatay na?! Inaagaw niya yung akin eh!
Sinabi naman ng AKIN SIYA eh. Mahirap ba intindihin yun?!
Pagkarating ko agad sa room, padabog kong nilagay yung gamit ko at agad din akong umupo. Tsk. Nakakapang-gigil talaga yung kung sino mang babae yung hinahanap ni DJlabs! Grrrr
"O, mukhang bad trip ka ha?" lumingon naman ako dun sa kumausap sakin.
"Ngayon hindi na." sabi ko sa sarili ko habang namumuo na naman ang heart shape sa mga mata ko.
"Ha?" oops! Napalakas ata.
"Ehehehe. Sabi ko... tama ka, medyo bad trip nga ako." Medyo?! Mygash Kath! Porke kamukha ni Daniel Padilla your labs so sweet, medyo bad trip ka nalang?! Goodness!
"See. Bakit ka naman bad trip?" sheeeet! Gwapo nga, chismoso naman. Di kaya bakla to?! Sayang!
"Uh... kasi yung taong mahal ko may mahal na palang iba eh." nalungkot naman ako bigla. Naalala ko na naman kasi. Hay...
Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero...
naiiyak ako. :((
"Hey.. wag kang umiyak." naramdaman kong pina-pat niya yung balikat ko.
Itinaas ko ang ulo ko at ngumiti sa kanya.
"Okay lang ako no," pareho kaming tumingin sa harapan nung marinig naming dumating na si ma'am. "Thanks anyway." sinabi ko nang di tumitingin sakanya.
Napansin ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin, "Anytime."
"Good morning class!" bati nung teacher namin, "Today we will have an activity entitled, get to know each other better. Anyway, I will give your partners today.." blah blah blah.
BINABASA MO ANG
Fangirl
Fanfiction"Hi. You don't know me. But someday, you will marry me." - Kathryn Bernardo