Chapter 6:

4.5K 162 23
                                    

“Handa na akong sagutan yung slam book.”

Nagulat ako dahil hindi ko talaga inakala na sasagutan niya yun ngayon. Pero siguro nga, mas mabuti nang masagutan niya para naman hindi ako mamatay sa curiosity.

“T-talaga?”

"Oo." determinado niyang sagot. This is it na talaga!

"S-sige."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa study area. Umupo ako sa isa sa mga may table dun. Sumunod lang naman siya sakin.

Pagkaupo namin, inilabas na niya yung notebook na sinabi niyang pansamantalang slam book namin. Iniabot niya yun sakin, kinuha ko naman. Naglabas na din ako ng ballpen na gagamitin kong panulat.

Huminga ako ng malalim. This is it!

“W-whole name?” kinakabahan ako.

May kutob kasi ako na…

“Daniel John Ford Padilla.” WHAAAAAAT?!

“Are you kidding me?! This. Is. Not. A. Good. Joke!”

Gulat na gulat kong sabi. Ikaw ba naman, matagal mo na palang nakakausap yung matagal mo ng gusto. At isa pa, hindi niya sinabi agad! Hindi ako makapaniwala!

“I’m not kidding, ako talaga si Daniel Padilla. Lahat sila sa school na ito alam na yun, ikaw na lang ang hindi. At dahil sinabi ko din sakanila na wag sabihin sayo.”

“B-bakit w-walang nagsasabi sakin?!”

 "Dahil..."

"Sinisigurado ko lang kung ikaw talaga siya." the hell?! May hindi ba ako alam dito?! Of course meron!

"Sinong siya?! At anong kinalaman niya sakin?! Gahd! Ano pa bang hindi ko alam dito, ha?! Sabihin mo!" pakiramdam ko, marami akong hindi alam. At nakakainis yun! Kasi nagmumukha na akong tanga!

"Kumalma ka nga muna... sasabihin ko sayo ang lahat. Pangako."

"Kumalma?! Sabihin mo nga sakin, papano ako kakalma?! Bwisit!"

Sino kayang makakalma sa ganitong sitwasyon ha?! Malalaman mo nalang na yung matagal mo nang gusto eh matagal ka na din palang kilala?! Nakakag@go diba?! Nakakap0t@!

"O sige, sasabihin ko na sayo. Sisimulan ko mula sa umpisa. Makinig ka muna ha? Wag kang magsasalita hanggat hindi ko pa natatapos yung mga dapat kong sabihin." tumango nalang ako sakanya.

Kailangan ko talagang malaman lahat...

"Magkakilala na tayo simula pa noong mga bata pa tayo. Actually magkapit-bahay lang tayo dati eh. Ikaw ang una kong naging kaibigan noon dun sa subdivision natin. Madalas tayong magkalaro noon. Naalala ko pa nga na ang Mama mo at ang Mama ko eh matalik na magkaibigan. Ganun din ang mga Papa natin." t-teka.. bakit... bakit hindi ko maalala ang lahat ng ito?

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon