Isa ka po sa mga ini-idolo ko sa mundo ng wattpad. :)) Isa ka sa mga inspiration ko. ♥
--------
"I wanna make you smile whenever you’re sad. Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you..."
Ang gwapo talaga ng boses ni DJ my loves so sweet! Syet! Kakilig naman!!
"I’ll get your medicine when your tummy aches. Build you a fire if the furnace breaks. It could be so nice, growing old with you..."
Grabe talaga! Sabihin man nilang obssess na ako sakanya, wala akong pake! Basta ang alam ko, nagmamahal ako. ♥
"I’ll miss you. Kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you. Feed you. Even let ya hold the remote control..."
Forever ko siyang mamahalin. Papakasalan ko siya kahit saang simbahan. Ako magpo-propose, ako pa magbabayad. Promise! Hihihihi
"So let me do the dishes in our kitchen sink. Put you---"
"Ano ba naman yan Julia! Nakakainis ka na ha. Bakit mo naman pinatay yung music ko?!" galit na galit kong sabi sa bestfriend ko. Aba! Gawin na niya lahat, wag lang may kinalaman sa DJ ko no.
"OA mo bessie ha." Tatawa-tawang sagot naman ni Julia sakin. "Para pinatay lang eh." dagdag pa niya.
"Oo, OA talaga ako. Over Attractive. Alam ko na yun bessie, wag mo nang sabihin." inirapan ko siya.
"Self proclaimed na naman." narinig kong bulong niya. "Kaya ko lang naman po pinatay madam, kasi may pupuntahan tayo ngayon."
"At saan naman?" takang-tanong ko.
"Sa mall, saan pa ba. Pasukan na kaya bukas, duh?" sabi niya sabay ismid pa sakin.
"O tapos?"
"Ewan ko sayo bessie. Diba usapan natin eh bibili tayo ng mga gamit natin for school sa NBS? Hmp. Puro nalang kasi Daniel Padilla nasa utak mo eh."
"Tampo effect bessie? Hahahaha. Lika na nga!"
At Mall.
"Bessie ano ba! Hindi yan ang kakailanganin natin!" sabay hila sakin ni Julia, "Tama na nga yang obssession mo kay Daniel Padilla!"
"Kailan man di ako titigil na mahalin siya no. Hmp! At hindi ako obssess! Dapat maipakita ko sakanya lahat ng collection ko pag asawa ko na siya. Remembrance lang. Hihi"
"Aynakopo! Nangangarap ka nanaman."
"Hindi nga sabi ako nangangarap, sadyang alam ko lang talaga na kami ang para sa isa't isa. Okay?"
"Whatever."
Binili namin ang mga dapat bilhin at umalis na kami doon. Sa huli, mas madami pa akong nabili na may kinalaman kay DJ my loves kesa sa school supplies. Mas mahal ko kasi siya. Hihihi
Dahil nga sa pagod na daw si Julia sa kakalakad namin (dahil sa akin) sa loob ng NBS, napagpasyahan ko na ayain siyang magmeryenda muna sa McDo.
"Bessie, tara KFC. :)))"
"McDo nalang."
"Ayaw. Gusto ko sa KFC."
"At bakit?"
"Ehh... Ano kasi... may commercial si DJ my loves about dun ih." ngumiti ako ng pagkalapad-lapad.
"Hay nako Kathryn. Kailan ka kaya magtatanda ha? Parang buong buhay mo na eh nakadepende kay Daniel Padilla ah. Grow up!"
Pero dahil love ako ni Julia, siyempre dun pa din kami kumain, matitiis ba ako niyan? Siyempre hindi. Hahahaha
***
"Nasayo na ang lahat. Minamahal kita pagkat. Nasayo na ang lahat, pati ang puso ko. Oh oh oh ohhh. Na-nasayo na ang lahat."
Alarm clock ko yan! Hahaha. Cute no?
Tapos ang kwarto ko eh punung-puno ng picture ni DJ my loves so sweet. Hihi. Ang sweet ko no? Wala eh, mahal ko siya. XD
First day of class pala ngayon. Makapaghanda na nga.
Naligo. Nagbihis. Nagayos. Tumingin sa picture ni Daniel all over the room. At sabay sabing, mamahalin mo din ako Daniel Padilla.
Yan ang daily ritual ko. Hahahahaha. Ang sweet ko talaga. :))
"Kathryn! Kakain na tayo anak!" sigaw ni mama na nanggaling sa baba. Kung ako, yan ang daily ritual ko, si mama naman eh mas makabuluhan. Malamang diba? Harhar
"Opo ma! Pababa na!" sigaw ko din pabalik. Baka kasi pagalitan ako kung di ako sumagot. You know.
Bumaba naman na ako tulad nga nang sabi ko, ayaw ko mapagalitan ngayon.
"Oh kumain ka muna anak, bago ka pumasok. Sabay ba kayo papasok ni Julia?" agad na tanong ni Mama pagkababa ko palang.
"Baka pwedeng kumain muna no ma?" tatawa-tawa kong biro kay mama. Tumawa din naman siya.
"Osya sige na, kumain ka na nga at baka ika'y malate pa sa klase."
Ginawa ko naman kung anong sinabi ni Mama. Siyempre, gutom din ako eh. :)))
Hindi pa ako tapos kumain eh narinig ko na si Julia sa labas ng bahay namin, nageeskandalo.
"KATHRYN! LUMABAS KA NA DIYAN!" tapos nagulat kami ni mama dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan.
"Ma sabi ko naman sayo eh, i-lock mo ang pintuan pag umaga." pabulong na sinabi ko kay mama habang pinipigilan yun tawa ko.
"Oo nga, sa susunod yun ang una kong gagawin." sagot naman niya sakin at natawa na talaga ako ng tuluyan.
"Hi tita!" bati ni Julia kay mama pagkapasok pa lang niya sa bahay (diretso siya agad sa kusina), "HOY BABAE! HINDI KA BA MARUNONG SUMAGOT NG TAWAG?!"
Napailing nalang ako.
"Ikaw talaga bessie, kahit kailan parating parang nakamicrophone ka." tumawa ako, "Halika na nga." tumingin ako kay mama na nagliligpit na ng pinagkainan, "Ma, alis na kami."
"Sige anak. Mag-iingat kayo." ngumiti siya, "And, goodluck sa first day."
Tuluyan na kaming umalis ng bahay.
Habang naglalakad kami (walking distance lang kasi ang bahay papunta sa bagong school namin), nagkekwentuhan kami tungkol sa mga maaaring mangyari samin sa bago naming paaralan.
"At last! Nandito na tayo." ngiting saad ni Julia habang nakatingin sa gate na nasa harapan namin.
Napakalaki pala nitong eskwelahan na ito.
"New school, new life. Hayyy..." nabanggit na lamang niya sakanyang sarili.
Pero hindi niya alam na... sobrang pagbabago pala ang mangyayari sakanya dito. Matuwa kaya siya? O ang kabaliktaran ng inaasahan niya?
//
Natutuwa ako kasi nasa reading list to ni ate idol Shaiceee. ♥
BINABASA MO ANG
Fangirl
Фанфик"Hi. You don't know me. But someday, you will marry me." - Kathryn Bernardo