Natuwa talaga ako sa napakahabang comment niya sa last chapter. Hi! Thank you sa pagsuporta ha? Para sayo to. ♥
-----
"Ma! Ano na naman ba to? Panibagong revelation na naman? Ano pa ba ang kailangan kong malaman?! Gulong gulo na ako ma! Ano ba!"
Dire-diretso yung pagtulo ng luha ko. Pagod na pagod na ako! Gulong gulo na yung utak ko! Ano pa bang kailangan kong malaman? Nakakainis na! Nakakasawa!
Papanong naging tatay ko ang tatay ng Julia na yun? That witch!
"Anak..." hindi niya matuloy tuloy yung sasabihin niya. Ano ba to? Pinoy henyo? Gosh! Hindi ako manghuhula!
"Let me explain it to her." pigil nung tatay ko daw. Duh? Papano ko naging tatay yan?! "I'm your father, Kath." kakasabi nga lang eh, diba?!
Hindi nalang ako umimik. Baka makasakit pa ako sa mga sasabihin ko. God! Ano po bang kasalanan ko? :((
"Alam ko hindi ako naging isang mabuting ama sayo, Kathryn. Iniwan ko kayo ng mama mo dahil meron akong ibang babae, at may anak kami."
"Iniwan mo kami dahil sa babae?! Anak mo din ako!" nakakainis. Sinaktan niya ang mama ko dahil lang sa babae niyang yun at anak niya sa iba?! "Hindi ba kami importante sayo?"
Alam kong wala na akong galang. Pero, ang hirap naman kasi talagang tanggapin.
"Importante kayo sakin, Kathryn. Pinili ko sila dati dahil may sakit si Julia... ang kapatid mo. Kailangan nila ako, anak... kailangan ako ng kapatid mo." ha ha ha. Nakakatawa naman pala ang buhay ko. Ha ha ha
Ngumisi ako, "Tingin mo ba, hindi kita kailangan?" huminga ako ng malalim, kailangan ko ng hangin. Let me breathe... please. "Alam mo ba noon, sabi ko sa sarili ko. Bakit wala akong papa? Galit ba siya samin kaya niya kami iniwan? Ayaw niya ba sakin?" pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko, "Tuwing family day, naiinggit ako sa mga kaklase ko. Kasi buti pa sila may tatay. Eh ako? Wala. Lalo na tuwing birthday ko. Parati kong hinihiling na sana... sana magpakita na si papa sakin. Pero wala eh.. walang dumadating."
Napayuko ako. Sobrang sakit...
Bakit ngayong nandito na siya... imbes na matuwa ako e nalulungkot ako? Ang gulo.
"Sorry anak..." yumuko siya, "Nagkamali ako.."
"Nakakainis ka eh... nakakainis kayo. Kayo ng anak mo. Alam mo yun?! Pareho niyo akong sinaktan eh... at patuloy na sinasaktan. Alam mo ba yun?!"
Oo, pareho nila akong sinasaktan. Siya, dahil iniwan niya kami at ngayon eh bumabalik na naman. At yung anak niya... yung anak niya na inaagaw ang taong pinakamamahal ko.
"B-bakit anak? A-anong ginawa ni Julia sayo? Sa papanong paraan ka niya sinasaktan?"
"Sa papanong paraan?" natawa ako ng peke, "Inagaw niya yung taong mahal ko... at pati ikaw."
Totoo naman diba? Dalawang lalaking mahalaga sakin ang inagaw niya. Siya... at si Daniel. Parehong mahal ko. Ang saklap diba?
"Pareho nga talaga kayo no? Mahilig manakit... lalo na ako. Masarap ba talaga akong saktan?"
Ganun ba talaga ako kadaling saktan? Dahil trending eh. Siya, si Julia at si Daniel. Pareho nila akong sinaktan... at patuloy na sinasaktan.
Ganun nga ata ako kasarap saktan.
BINABASA MO ANG
Fangirl
Hayran Kurgu"Hi. You don't know me. But someday, you will marry me." - Kathryn Bernardo