Prologue

36 0 0
                                    

"Fall, bilisan mo naman jan!" sigaw ni nixon habang ako hirap na hirap magbitbit ng mga gamit ko.

"Eh kung tinutulungan mo ko dito! Di ka na nga tumutulong ang ingay ingay mo pa!" Iritadong sagot ko sa lalaking walang ginawa kundi panoorin akong buhatin lahat ng gamit ko.

Kung hindi lang ako ngangailangan ngayon hinding hindi ako sasama sa bwiset na to eh.

Pagkatapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa likod ng sasakyan niya. Agad akong sumakay at tumabi sa abnormal slash feeling boss na si nixon.

"Sa wakas natapos ka din! Gutom na gutom na kaya ko." Reklamo niya.

Hindi ko na napigilan yun sarili ko at binatukan ko na agad siya.

"Aray ko! Para san naman yun?"

"Seriously Nixon? Pagkatapos mo kong hindi tulungan magbuhat kanina ikaw pag may ganang magreklamo jan. Ang kapal din ng mukha mo eh noh!"

Tinignan niya lang ako gamit yung "wala akong pake sayo" look niya tsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Hindi na din ako nagsalita buong byahe dahil pagod na pagod ako sa ginawa kong pagbubuhat kanina. Hanggang sa hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako..

"Fall.."

"Fall gising na.."

Nagising nalang ako ng maramdaman kong may kumakalabit sakin. Agad ko naman nakita ang napakalawak na ngiti sakin ni nixon pagka mulat ng mata ko.

"Tara na. Andito na tayo!" bumaba na siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkababa ko ng sasakyan agad bumungad sakin ang isang napakalaking bahay. Myghaaaaad sobrang ganda!

Hinawakan ni nixon ang kamay ko at agad akong hinili papasok ng bahay ay este mansyon.

Pagkapasok na pagkapasok namin mansyon nila. Agad bumangad samin ang isang lalaking hindi man lang nag abalang ayusin ang magulo niyang buhok.

"Wooooaaaahhh! Mga pare mukhang may bago nanamang nadali si nixon!"

Dahil sa ingay nitong lalaking to. Agad namin naagaw ang pansin nung mga lalaki na busy manood ng kung ano anong palabas sa sala nila.

Sa pagkakaalam ko sila yung mga pinsan ni nixon na kasama niyang tumira dito sa mansyon na ito.

Napatingin tuloy ako sa kanila. Yung isa nakasimangot habang nakatingin sakin. Yung isa naman hindi man lang nagabalang tumingin sa direksyon namin. Habang yung isa agad tumayo at lumapit samin.

"Nice one nix! San mo naman nadali ang magandang binibini na kasama mo ngayon?" Agad napataas yung kilay ko dahil sa narinig ko! Wtf? Mukha ba kong yung mga malalanding babaeng jan na basta basta nalang sumasama sa mga lalaki.

"Excuse me? Hindi ko gusto yang tabas ng dila mo. I'm not a whore na basta na lang sumasama sa kung kani-kaninong lalaki. Over my dead body!" agad na sagot ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon na mukhang nagulat pa sa naging reaksyon ko.

"Then who are you?" tanong niya sakin.

"Ako lang naman si Autumn Goncalves. Isang dyosa at ang Bestfriend ng abnormal na si Nixon" sagot ko habang matamis na nakangiti.

Napanganga siya sagot ko with his "seryoso ba siya" look.

"Ano bang ginagawa ng babaeng yan dito sa mansyon natin nixon. Alam naman nating lima na bawal tayo magdala ng babae dito sa mansyon." nagulat ako ng bigla nalang sumulpot yung lalaking nakasimangot kanina at ngayon ay nakatitig na siya sakin ng masama.

"Chill lang mga pinsan! Simula ngayon dito na siya titira sa mansyon natin"

"WHAT?!!!" sabay na react nitong dalawang abnormal sa harapan ko.

Napansin ko din na nandito na yung isang lalaking hindi man lang nagabalang tignan kami kanina. At mukhang pati siya ay nagulat sa sinabi ni nixon pero di tulad ng dalawang abnormal tahimik lang siyang nakatingin samin.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo nixon? Anong gagawin nyan dito? Malalagot tayo nito kaya Tita Maricar" sigaw nung lalaking masungit.

"We don't need her here nixon." sagot naman nung lalaking tahimik.

"Oo nga. Kahit gaano pa kaganda yan wala parin akong tiwala jan." sabi nung lalaking sumalubong sa amin ni nixon kanina habang naniningkit ang matang nakatingin sakin.

"Ang kakapal din ng mga mukha niya eh noh! Sa ganda kong ito? Mas mukha pa ngang hindi katiwa tiwala yung mga itsura niyo." mga bulag ba tong mga to? Sa ganda kong ito? Myghaaaaaad.

"Nixon, is there something wrong with your cousin? Mukhang malabo ata yung mga mata ng pinsan mo." sabay sabay silang napamura sa sinabi ko habang yung isa naman sobrang sama na ng tingin sakin.

"Guys, stop! Whether you like it or not dito na siya titira sa mansyon natin si autumn simula ngayon. Wag kayong magalala si autumn na ang bahalang magluto sa mga pagkain natin. Right fall?" agad naman napataas ang kilay ko sa sinabi ni nixon.

Niloloko ba ko neto? Pagkatapos akong pagsalitaan ng kung ano ano ng pinsan niya sasabihin niyang ako ang magiging tiga luto nila dito.

"NO WAY!!! And btw, AUTUMN ang pangalan ko nixon. So stop calling me Fall" Sigaw ko.

"Whatever Fall. Autumn and Fall are just the same the only difference is that Autumn is purely an American word while Fall is british. At kayo naman Hayaan niyo na siya mga pinsan mainit lang ang ulo nitong babaeng to." sabi ni nixon sabay halik sa pisngi ko.

"HOW DARE YOU NIXON SANDOVAL!!!" Mabilis kong pinalanding yung kamay ko sa pisngi ng abnormal na to.

"Woaaaahhhh. Supalpal ka dun pare! First time." Agad naman silang nagtawanan maliban dun sa lalaking masungit na hanggang ngayon masama padin ang titig sakin.

"Shut up damon!" Sagot ni nixon dun sa lalaking sumalubong samin kanina.

Hinatak na ko ni nixon papasok ng mansyon kaya wala ng nagawa yung mga pinsan niya.

And that's how it all started..

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon