AUTUMN GONCALVES POV
"Hoy babaeng amazona!!!" urghhhhh. Sino namang hayop ang naglakas loob sirain ang araw kong sirang sira na. Imbes na pansinin kung sino man yun. Mas pinili ko nalang ipagpatuloy ang paglalakad ko dahil ayoko ng may dumagdag pang bwiset ngayong araw na ito.
Arghhhhhh. Hanggang ngayon iniisip ko padin kung anong sasabihin ko kela mommy sa oras na malaman nila ang malaking gulo na ginawa ko kahapon. Siguradong wala na kong lusot nito at siguradong hihinto na din ang pagpapadala nila ng pera sakin. Myghaaaaad!! I don't want that to happen. Not ever!! Kaya naman ngayon palang kinakabahan na ko sa maaring sabihin nila. Sa dinami dami ba namang gulo ang pinasok at ginawa ko nung mga nakaraang buwan malamang hindi na magdadalawang isip sila mommy na hindi ako padalhan ng pera dahil alam ko naman nagtitimpi nalang sila sakin. But seriously? I'm not the one to blame here. Oo, trouble maker ako pero di naman ako gumagawa ng gulo or pumapasok ng gulo dahil trip ko lang no! I'm just defending myself from all the bullshits in this world. Sabi nga nila everything happens for a reason and siguro naman sapat na dahilan na yung ginawa ng bruhang yun sakin kahapon para kaladkarin ko siya sa school at paliguan ng ice cream.
Nagkamali siya ng binangga. Dapat nagtanong tanong muna siya kung sino ako bago niya ginawa yun. Oops, don't think too much. Hindi ako kilala dahil anak ako ng may ari ng school na ito or sikat ang mga magulang sa bansang ito. No, it's not like that. Kilala ko dahil sa mga gulong pinasok ko at pinaggagawa ko. To the point na "CHAOS" ang tawag sakin ng parents ko at mga kamag-anak ko.
Naputol ang pagiisip ko ng bigla nalang may humatak ng buhok ko.
"Anak ng.." agad akong lumingon sa impaktong humili ng buhok ko.
"Bingi ka ba? O sadyang tanga ka lang? Kanina pa ko parang tanga dito nakasunod sayo at tawag ng tawag sayo!" Bungad sakin ng isang lalaking iritadong nakatingin sakin. Kung hindi ako nagkakamali eto yung dahilan kung bakit ako napaaway kahapon.Anong problema ng isang ito? Siya pa may ganang mag gaganyan . Eh dahil sa babaeng haliparot na so-called-girlfriend niya mawawalan na ko ng matitirhan.
"Unang una sa lahat wala akong pakielam sayo at sa nararamdaman mo. Pangalawa, bakit mo ba ko sinusundan? Sa pagkakaalam ko hindi naman tayo close at wala naman akong atraso sayo. Pangatlo, sa susunod na hawakan mo ang kahit isang hibla ng buhok ko sisiguraduhin kong sa ospital ang bagsak mo." seryoso ko sabi sa kanya habang siya mukhang di pa din nakaka recover sa mga sinabi ko.
Tss, stupid. Nagsasayang lang ako ng oras sa lalaking ito. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan yung braso ko para pigilan ako..
"Ah..eh.. gusto lang sana kitang yayain sa ice cream parlor sa labas ng school. You know.. pambawi ko nalang yun sa nangyari kahapon at yun narin yung way ko para mag sorry sayo." sabi niya at mukhang may hiya pa palang natitira sa loob looban ng isang ito.
"No thanks." diretsong sabi ko. Bago pa man siya makapagsalita ulit. Tumalikod na ko at di na muli siya nilingon.
Ano siya sinuswerte? I don't go out with strangers.
Pumasok na ko sa room at sakto namang pagdating ng prof ko. Nakinig nalang ako sa mga tinuturo ng prof ko kesa naman isipin yung mga problema ko.
After class, naisipan ko munang dumaan sa library para ibalik yung mga hiniram kong libro nung isang linggo.
Pagkapasok ko dumiretso na agad ako sa table ng librarian at agad binalik yung mga libro.
Aalis na sana ko ng makita kong may isang kutong lupa na masayang nakangiti sa harapan ko.
"Looks like destiny is bringing us together." ew. Pogi na sana sobrang corny lang.
Hindi siya pinansin at nagtuloy nalang ako palabas ng library.
Hindi pa man ako nakakalayo narinig ko nanaman yung boses niya.
"Hoy babaeng amazona! Pwede ba wag mo nga kong talikuran. Gusto ko lang naman bumawi sayo. Then after that, hindi na ulit kita guguluhin!" ughhhhhhh. Masasampal ko na itong lalaking ito eh. But nevermind, that sounds like a great deal. At isa pa i need something sweet para naman gumaan gaan yung loob ko. Msyado na kong naiistress sa mga iniisip ko. Paano na yung beauty ko neto?
"K. Fine." walang ganang saad ko. Habang yung mokong mas lalong lumawak yung ngiti. "Wag ka msyadong masaya jan. As if naman gusto talaga kitang kasama." irip ko sabay talikod.
Sabay kaming naglalakad ng mokong kasama ko papunta sa ice cream parlor na sinasabi niya.
Dirediretso lang ako papasok ng ice cream parlor. At agad na umupo sa pinakadulong upuan sa may tabi ng bintana.
"So, miss amazona anong flavor ang gusto mo?" Tanong niya habang di parin nawawala yung ngiti sa mga labi niya.
"Cookies and cream." Saad ko. "And btw, stop calling me AMAZONA dahil dyosa ko hindi amazona." Tumawa lang at naglakad na papunta sa counter para umorder.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung may mga bagong nagtext sakin pero as usual puro mga dati kong kaibigan ko lang ito sa ibang bansa na tinatanong kung kailan daw ulit ako babalik dahil miss na miss na daw nila ako.
Actually, isa din yun sa mga pinagiisipan ko this past few days. Kung babalik pa ba ko dun? Hindi naman sa ayaw ko ng bumalik sadyang wala padin talaga ko sa mood para harapin sila ngayon.
"One order of cookies and cream ice cream para sa isang DYOSA." Naputol ang pagiisip ko ng bigla siyang dumating. At talagang pinagdiinan pa talaga niya yung salitang dyosa at but nevermind. Napasalamat nalang ako sa kanya at kinuha yung isang cup ng ice cream.
Umupo na siya sa tapat ko at sinimulan kainin yung ice cream na inorder niya. And it's strawberry flavored btw.
"So, siguro naman pwede kong malaman kung anong pangalan mo?" Biglang sabi niya.
"Why bother to know? Eh eto nanaman yung una at huli nating pagsasama."
"Kaya nga gusto ko malaman diba. Para kahit papaano naman may nalaman ako tungkol sayo."
"Autumn." maikling sagot ko nalang kesa makipagtalo pa sa isang ito.
"Huh?" sabi niya na halatang naguguluhan sa sagot ko. Tsk, stupid as always.
"Autumn. Autumn Goncalves ang pangalan ko." walang ganang sabi ko.
"Ohhhh.. So your named after a season" sagot niya habang bahagyang natatawa dahil sa pangalan ko.
Tss, what's so funny. Ang babaw naman ng kaligayahan ng lalaking ito.
"So let me guess. Winter ba pangalan ng kapatid mo?""No, her name's Summer." at dahil dun hindi niya na napigilan at mas lalo na siyang natawa.
"Pfft~ HAHAHAHAHAHA. Your parents are cool."
"Yeah, whatever." Inirapan ko nalang at
pinagpatuloy ang pagkain ko.Ilang oras din kaming nakaupo dun habang siya di padin maka get over dun sa pangalan ko at ng kapatid ko. Ilang beses niya kong kinulit para sabihin sa kanya kung ano daw history ng pangalan namin at bakit yun yung pinangalan samin ng magulang namin.
"Tara na. It's getting late." sabi ko sakanya ng mapansin kong dumidilim na. Hindi nadin naman siya umangal kaya naman sabay na kaming lumabas.
"Thank you for this day autumn." sabi niya habang masayang nakangiti sakin.
"Yeah. Thank you din sa treat." sabi ko sakanya. Kahit naman walang kwentang kausap itong si Nixon. And yes, Nixon ang pangalan niya. Nixon Sandoval. Isa sa mga sikat na estudyante sa school. Nagenjoy padin naman ako kasama siya dahil kahit sandali lang nawala sa isip ko yung mga problema ko. Kaya naman hindi na ko nagdalawang isip at ngumiti na rin ako.
"So, see you nalang sa school." and with that tumalikod na ko at nagsimulang maglakadn pauwi. Hindi naman malayo yung tinitirhan ko dito kaya okay lang kung maglalakad ako. At isa pa medyo magaan ang loob ko ngayon.

BINABASA MO ANG
HER SIDE
Teen Fictionand like the moon, she had a side of her so dark, that even stars couldn't shine on it; she had a side of her so cold, that even the sun couldn't burn on it. -Abigail J