#2 - Pathetic girl

19 0 0
                                    

AUTUMN GONCALVES POV

*bell rings*

Haaaaay sa wakas. Break time na. Kanina pa ko gutom na gutom at tinatamad makinig sa mga pinagsasabi ng prof ko na ito.

Agad kong kinuha yung gamit ko at lumabas ng room. Pero tulad ng lagi kong ginagawa dumiretso muna ko sa cr para magpaganda. Ang mga dyosang tulad ko ay hindi dapat nagmumukhang panget.

Kapapasok ko palang ng cr ay rinig na rinig ko na agad ang iyak ng isang babae.

"Waaaahhhh. Walang hiya ka talaga nixon! May araw kadin sakin!!! Sobrang kapal ng mukha mong ipagpalit ako sa ibang babae!!! Malaman ko lang talaga kung sino yung malanding impakta na umagawa sayo mapapatay ko kayong dalawa!!!!" sigaw niya habang wala padin siyang tigil sa pagiyak habang nakaharap sa salamin ng cr.

Tss. What a stupid girl. Seriously? Naghahabol siya sa isang lalaki? Maganda na sana tanga lang. Sinasayang niya lang yung ganda niya.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pag reretouch ng make up ko at pagaayos ng buhok ko.

"MAMATAY KANA NIXON SANDOVAL!!!" tsss. Hindi ba siya nahihiya? Ang ingay ingay niya. Sa sobrang pagka baliw niya mukhang di niya man lang napansin na kanina pa may nakatayong dyosa sa gilid niya.

"Miss, will you please shut the fuck up? Imbis na magwala ka jan at magpaka baliw sa harap ng salamin. Why don't you just make a move?! Patayin mo kung gusto mong patayin. Hindi yung puro ka lang salita jan!" Inis na sabi ko sa babaeng ito. Mukhang nagulat pa siya sa presensya ko at mas lalo na sa sinabi ko.

Inirapan ko nalang siya at iniwan siyang nakatulala dun. Wala na kong balak pang marinig kung ano pang sasabihin niya. Sinisira niya lang yung araw ko.

Bumaba na ko sa may food court at umorder ng pagkain. Pero pagkarating ko sa aking "spot" sa may food court. May lalaking nakaupo doon at feel na feel niya pag ang pagkain sa ice cream na hawak niya.

Agad tumaas ang kilay ko. Hindi ba alam ng lalaking ito na ako lang ang pwede umupo sa lamesang yan?! That is my SPOT!!

Padabog kong nilapag yung tray na dala ko.

"Who gave you the permission to sit here on my spot?!" pigil inis na sabi ko. Ang ayoko sa lahat may nakikiupo sa lamesa ko. I just want privacy! This is my personal space.

"Woah. Chill beautiful lady! As you can see wala ng ibang available na table sa food court. Since eto nalang ang nagiisang available umupo na ko. It's not a big deal you know." sabi niya sabay kindat sakin.

"I don't care about you and your reasons! Umalis kana. Sa tutal naman ice cream lang yang kinakain mo. Kaya mo naman sigurong kainan yan kahit naglalakad ka pa" sabi ko habang masamang nakatitig sa lalaking ito na wala man lang pakielam kahit inis na inis na ko sa presensya niya.

Sobrang lawak pa ng ngiti nitong lalaking ito. Magsasalita pa sana ko ng may naramdaman akong basang likido na tumama sa mukha ko.

"WHAT THE FUCK?!!!" Agad ako napatayo sa inuupuan ko at hinarap yung taong nagtapon sakin ng juice.

"ANG KAPAL DIN PALA NG MUKHA MO! IKAW PALA YUNG MALANDING UMAGAW SA NIXON KO!!! YOU BITCH!!!!" Sigaw niya sakin.

"Oh its you. The pathetic girl in the restroom. Nakakahiya ka girl. Bago ka gumawa ng eksena dyan siguraduhin mo munang tama yung pinagsasabi mo dyan. Kasi mapapahiya ka lang!" matamis akong ngumiti sa babaeng nakita ko kaninang parang baliw na umiiyak kanina sa cr.

"YOU SLUT!!!!" Sasampalin niya sakin ko pero inunahan ko na siya.

"Bitch, hindi ko hahayaang lumanding yang palad mo sa pagmumukha ko. At ano ulit sabi mo? I'm a slut? Di mo ba alam yung huling taong nagsabi sakin niyan nakalibing na ngayon? Kaya kung ako sayo mananahimik nalang ako" sabi ko sa kanya habang hindi padin tinatanggal yung ngiti ko sa kanya.

Nagulat siya sinabi ko pero hindi padin siya nagpatalo.

"Sa tingin mo matatakot mo ako?! Wala akong pakielam!!!! Mang aagaw kang malandi ka!!!" Hinablot niya yung buhok at sinabunutan ako.

"YOU BITCH!!! You pushed me to my limits!!! Diba sabi ko manahimik ka nalang? Hindi mo kilala kung sino yung kinakalaban mo ngayon."

Agad kong sinapak yung tyan niya kaya nabitawan niya yung buhok ko. Bago pa siya makalapit sakin. Hinablot ko na yung buhok niya at kinaladkad siya palabas ng food court.

"Sabi ko naman sayo manahimik ka nalang. Ang dami mong sinasabi." Kinaladlad ko siya hanggang sa makarating kami sa soccer field ng school.

Napagod ako dun ah. Ilang buildings din yung dinaanan namin bago kami makarating dito. At kitang kita ko naman na nasasaktan na siya dahil basang basa na yung mukha niya sa kakaiyak.

Binitawan ko yung buhok niya at bumulong sa tenga niya.

"Bitch, bago ka gumawa ng eksena dapat sinigurado mo munang alam mo yung buong kwento. Kasi tignan mo sa huli ikaw yung dehado. And btw, i'm not related to that Nixon Sandoval. Tamang hinala ka kasi masyado girl. Sa susunod na kalabanin mo ko baka hindi mo na magustuhan. Oh and btw, do you want sa ice cream?" Ngumiti muna ako ng matamis sakanya bago ko kinuha yung ice cream na hawak hawak nung Nixon at agad ko namang tinapon sa kanya lahat ng natitirang ice cream.

"Oops sorry. Hindi ko na nahintay yung sagot mo. Wala na kasi akong oras para makipagusap pa sa isang babaeng desperada. Don't worry galing yan sa Nixon mo." with that iniwan ko silang lahat dun na nakatulala at mukhang gulat na gulat padin sa mga nangyari.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon