#7 - Dinner

16 0 0
                                    

"Umattend kaming dalawa nun. Ginanap siya sa isang kilala at tagong bar dito sa maynila. Madaming dumalo dahil sikat sila at madaming kaibigan. Hindi lang simpleng party yung naganap. Madaming activities na puro kalokohan lang naman. May inuman at nagkalat ang beer pong tables sa buong bar. Hindi rin kami nagkasama msyado sa bar kasi sumama siya dun sa mga tropa niya at ako naman sumama din dun sa mga iba pang imbitado sa party na yun." pagpapatuloy niya pa.

Seryoso kaming nakinig sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy.

"Hating gabi na nun ng maramdaman kong nasusuka ko. Napadami na kasi ako ng inom at ilang oras narin kaming umiinom ng walang tigil kaya naman nagpaalam muna ko sa mga kasama ko na magccr ako. Hindi pa ko nakakapasok ng cr. Nasuka na ko. Ramdam ko ng umikot yung paningin yun at parang bumaliktad yung sikmura ko. Kaya kahit nakakahiya nilabas ko na. Nagulat nalang ako ng may bilang humagod ng likod ko. Medyo namukaan ko siya. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko na inisip yun. Nagulat ako sa gianwa niya pero hinayaan ko nalang siya. Wala na kong lakas para umangal pa." kwento niya.

Kitang kita ko na parang nagaalangan na siyang ituloy para bang hanggang ngayon hirap na hirap padin siya.

"Aalis na sana ko ng bigla kong na out of balance sa sobrang kalasingan ko pero bago pa ko natumba nasalo na ko nung tumulong sakin pero natumba din siya mukhang lasing na din. Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan. Nawalan ako ng ulirat nun. Hindi ako nakapagreact agad dahil sa gulat at dahil lasing na din ako nun pero mukhang di alam nung lalaki na ibang babae yung kahalikan niya dahil may pangalan siya na binaggit habang naghahalikan kami at doon ako natauhan pero huli na ang lahat. Ang naalala ko na lang biglang may nabasag na bote at binubogbog na yung lalake dahil ang tumatak talaga sa alaaaa ko ay yung mga salitang binitaw niya bago ako iwan." malungkot na kwento niya.

Halatang gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya lang siguro dahil kahit papaano nahihiya padin siya samin. Ilang minuto din kaming natahimik hanggang sa binasag ni ash yung katahimikan.

"Sorry.. Okay ka na ba ngayon?" tanong niya kay scarlett.

"Oo naman. Kung siya nga naka move on din agad dapat ganun din ako. Ayoko ng pahirapan yung sarili ko. Tama na siguro yung dalawang taon kong pagluluksa no." Pabiro niyang sabi pero mahahalata mo padin yung lungkot sa boses niya.

Mapait ang nakangiti. Sana ganun din ako. Sana hindi ko na din pahirapan pa yung sarili ko. Msyado kong kinukulong yung sa sarili ko sa nakaraan. Hanggang ngayon andun padin ako hindi padin ako nakakausad. Ilang taon ko ding pinaniwala yung sarili ko na okay na ko. Akala ko lang pala yun.

Punyeta naman kasi dash.. bakit ngayon pa kung kelang malayo layo na yung narating ko? Isang mensahe mo lang pero parang hinatak mo nanaman ako pabalik sa nakaraan.

"Woi! Okay ka lang ba? Ikaw ata yung may problema eh! Kanina ka pa namin tinatawag nagbell na!" sambit ni ash.

Naputol tuloy yung iniisip ko. Agad akong napatingin sa kanila. Lahat sila nakatayo handa ng umalis. Pucha ako nalang pala yung inaantay nila.

Nagmadali na din akong tumayo at sumunod sa kanila.

"Tara tara! Sorry may iniisip lang ako." Simpleng sabi tsaka kami naglakad patungo sa sarili sarili naming klase.


Alas Singko na ng matapos lahat ng klase ko. Kinuha ko na yung mga gamit ko tsaka nagpaalam kay scarlett. Sabay sana kami uuwi kaso nagmamadali siya dahil may pupuntahan pa daw siya. Si ashton naman missing in action. Kaya naman magisa kong naglakad palabas ng school.

Pagkalabas na kita ko sa paxton na nakasandal sa motor niya at mukhang may inaantay. Obviously hindi ako yun dahil galit pa sakin tong abnormal na ito. Kaya naman nagtuloy lang ako sa paglalakad ko.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon