#8 - Visit

18 0 0
                                    

Kinabukasan nagising ako sa maingay na bunganga ni nixon.

"Shit naman dwayne! Mayayari tayo kay autumn neto eh!" galit na sigaw ni nixon.

"Bakit ako? Ikaw kaya yung nagpumilit!!" sagot naman pabalik ng kausap niya which i think is dwayne.

"Oonga pero idea yun ni damon eh!" pakikipagtalo pa ni nixon.

"Hoy! Wag niyo ko dinadamay jan maganda yung idea ko palpak lang talaga kayo!" biglang sabi ni damon.

"Ang ingay ingay niyo naman." antok at walang ganang sabi ni corbyn. Boses palang alam ko ng si bynbyn eh. Mukhang nagising din siya dahil sa ingay netong mga abnormal niyang pinsan.

Hindi parin sila tumigil sa pagtatalo kaya naman bumangon na ako at iritado kong binuksan ko yung pinto.

Natahimik naman sila nung nakita ko at mukhang nagulat pa sila.

"Lagot kayoooo. Ang ingay niyo na nga may kasalanan pa kayo." pananakot ni damon.

"Ah.. Good Morning Princess." bati sakin ni nixon.

"Anong problema niyo? Umagang umaga nagtatalo kayo! Dito pa talaga sa hallway ng second floor ah!" naiiritang sabi ko.

Imbes na sumagot nagturuan pa sila kung sino yung sasagot. In the end si paxton yung nagpaliwanag.

"Susurpresahin ka sana nitong mga kumag nato. Nainggit daw sila satin kasi nagdinner tayo ng tayo lang dalawa kaya naman naisip ni damon na ipagluto ka ng breakfast. Morning date daw. Kaso imbes na masarap na breakfast yung iseserve mga sunod at hilaw na pagkain! Nasunog pa ni nixon yung pot holder dun sa kusina kaya nagkagulo sila!" Mahabang paliwanag ni paxton kaya naman napatingin ako sa kanilang apat.

"Seriously guys? Araw araw naman tayo sabay sabay kumain and you can always ask me out you know." sabi ko sa kanila.

Ano bang trip netong mga ito at bigla nalang naging mabait parang kahapon lang iniiwasan nila kong lahat pero ito sila ngayong mukhang mga baliw at naisipan pang mageffort.

"Tsaka anong nakain niyo? Parang kahapon lang binibigyan niyo ko ng SILENT TREATMENT ah." dagdag ko pa at pinagdiinan ko talaga yung word na silent treatment.

"About that.. were really sorry aut. Sobrang nagaalala lang talaga kami sayo. Ayaw lang naming mapahamak ka. Alam naman naming mga trauma ka pa sa nakaraan mo kaya natatakot lang kami na matrigger ulit yun ng wala kami sa tabi mo. We respect your privacy kaya di ka na namin tinanong pa kinabukasan dahil kilala ka namin pag gusto mo ikwento kinukwento mo ng buong puso samin." seryosong sabi sakin ni nixon.

I was flattered. I was shookt dahil kahit hindi naman nila alam kung buo at totoong nangyari nung nakaraan ko inaalala padin nila yun. Napatunayan ko lang kung gaano talaga ko kaimportante sa kanila. They treat me like i'm part of their family and I'm thankful for that.

I just realized I found my own tribe and all I need to do now is to love them hard.

Ngumiti ako sa kanila. "Group Hug!!!!" masayang sigaw ko.

Kaya naman naglapitan sila sakin at niyakap ako.

Ilang minuto din kaming nagyakap pero etong si damon mukhang msyadong nagenjoy. Paano ba naman kasi bumitaw na yung iba pero siya yakap na yakap padin sakin natauhan lang siya ng bigla siyang binatukan ng malakas ni nixon.

"Hoy hoy! Tsansing na yan ah." sabi niya.

"Tss. Inggit lang kayo! Palibhasa ako lang niyayakap ni autumn ng ganito katagal eh. Ang papanget niyo kasi di niya matagalan itsura no!" pangaasar niya pa lalo na mukhang effective dahil bigla nalang may humatak sa kanya palayo sakin.

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon