#6 - Transferee

23 0 0
                                    

Pagkarating namin sa room wala pa si maam kaya naman nagdirediretso nalang ako papasok at umupo sa upuan ko sa bandang dulo.

Isa ko sa mga kinatatakutan ng mga studyante dito dahil madalas akong mapaaway at tuwing napapaaway ako hindi ako yung argabyado. Yung kaaway ko palagi yung napupuruhan kaya naman iniiwasan ako ng mga tao dito. 

Wala rin naman akong pakielam dun. 

"Uy, kanina ka pa?" bumangad sakin ni Ashton. Siya lang yung malakas yung loob na kinakausap ako dito sa school. Siya din yung tinuturing kong bestfriend dito. Isang taon palang kaming magkakilala pero komporatable na kami sa isa't isa at kilalang kilala na namin yung isa't isa. 

Umupo siya sa katabi kong upuan. 

"Ah oo. Muntik na nga ko malate eh. Buti nalang sinabay ako ni river sa sasakyan niya." Sabi ko sakanya sabay buntong hininga. 

"Huh? Diba si nixon yung palaging kasabay mo? Di ka ba niya sinabay?" tanong niya.

"Hindi. Di kasi kami okay ngayon. May nangyari kasi kagabi." bago pa siya makapagtanong pumasok na si Maam Andrade. 

"Good Morning Class!" masiglang bati niya. Dumiretso na siya sa lamesa niya. 

Akala ko magsisimula na siyang magturo pero hindi pala. Bigla siyang bumalik sa pinto at binuksan ito na para bang may inaanyayaan siyang pumasok.

At tama nga ang hinala ko. May pumasok na babae. Simple pero maganda. Para siyang nerd kung kumilos. Kapit na kapit siya sa bag niya na para bang bigla nalang may hahablot nun tapos nakatingin lang siya sa sahig. Halatang wala siya self-confidence.

Tsk tsk. Hindi dapat siya nagpapakita ng ganyan dahil paniguradong magiging target siya ng mga bully dito sa school. 

"Okay class. Transferee Student siya galing Beechview Academy. Hindi siya nakapasok nung nakaraang linggo dahil inaasikaso niya pa yung mga requirements niya pero here she is now and She will be your classmate for the rest of the school year!" Dirediretsong sabi ni maam. 

Bumaling si Maam dun sa babae. "Sige hija introduce yourself." 

"A-ahh.. u-uhmm. My name is Scarlett Zamora. 18 years old" simple at maikli niyang sagot. 

"Thank you hija. Sige na you may take your seat." nagangat siya ng tingin at nilibot yung paningin sa buong room. 

Naghahanap siya ng mauupuan pero hindi siya nadalian dun dahil nagkaroon ng iba't ibang feedback yung mga kaklase ko sa kanya.

"Nerd"

"Ang dami pang arte ayaw nalang umupo"

"Pa baby naman ito masyado."

"Miss dito ka nalang sa tabi siguradong sasaya buong school year mo" 

"Simple msyado yan pre"

Naglakad siya papunta sa likuran. Tatlong upuan nalang yung bakante. 

Yung upuan sa may harapan ko. Yung upuan sa may bandang unahan. At yung upuan sa tabi ni Rider. Ang pinakamalibog dito sa room. Siya yung nagsabi ng sasaya yung buong school year thingy kanina. 

Doon siya umupo sa may harapan ko. Napasulyap pa siya sakin kanina  bago umupo. 

Kalaunan nawala din yung mga bulong bulongan sa room at nagtuloy tuloy na yung klase. 

*bell rings* 

Sa wakas break time nadin! Nagsimula ng maglabasan yung mga kaklase ko kabilang na dun si paxton at corbyn. Oo, kaklase ko sila dito sa subject nato. Magkakasabay kami parati pumasok at lumabas ng room nato pero iba ngayon dahil galit sila sakin. 

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon