CHAPTER 4
AUTUMN GONCALVES POV
So back to reality.. Since malaki ang utang na loob ko sa letseng nixon na yun eto ako ngayon KATULONG ng abnormal na magpipinsang ito. Take note ah.. "KATULONG" Paano ba naman kase imbis na tiga luto lang ako naging instant Cook slash Maid ako ng mga abs na ito. Abs short for Abnormal ha. Baka mamisinterpret niyo.
"Fall!!!!!" Speaking of the devil.
"What now?!" Iritadong sagot ko sa kanya. Paano ba naman kasi ang aga aga palang andito na agad sa loob ng kwarto ko.
"Gutom na ko.." sabi niya with paawa effect pa.
"Hoy nixon, hindi na gagana sakin yang paawa effect mo at isa pa hindi porket mansyon niyo ito ay may karapatan ka ng basta basta nalang pumasok sa kwarto ko." mukha naman siyang nanlumo sa sinabi ko.
"Ang aga aga nagtataray ka nanaman ah! Dali na fall. Gutom na talaga ko. May ice cream ka sakin bukas promise!" nakangiting sabi niya kaya naman medyo nagdalawang isip ako. Alam na alam talaga ng lalaking ito yung kahinaan ko.
"Oo na! Oo na! Basta wag na wag mong kakalimutan yung ice cream ko ah! Two tubs of cookies and cream ice cream!!" sabi ko sa kanya at eto naman si loko tuwang tuwa.
"Bumaba ka na don! Susunod ako." bumaba na si nixon at para siyang batang binigyan ng candy sa sobrang saya. Kala mo naman hindi pinapakain.
Ginawa ko yung usual morning routine ko tsaka dumiretso na sa kusina para magluto.
At doon ko naabutan ang magpipinsan na akala mo mga haring nagaantay na pagsilbihan sila.
"Buti naman naisipan mo ng bumaba." bungad sakin ni Paxton pagkapasok ko sa kusina nila. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ko sa harap ng kalan.
Ang aga aga ang init nanaman ng ulo ng isang ito at kung papatulan ko pa siya mahahawan niya lang ng hindi magandang aura ang umaga ko.
Isa isa kong kinuha ang mga balak kong lutuin para sa umagang ito. Bacon and Eggs, Sausages, and Fried Rice ang naisipan kong lutuin para mabilis at madali lang dahil mukhang gutom na gutom na silang lima mas lalo na si nixon.
Pagkatapos kong magluto nilagay ko na sa mesa ang mga pagkain at nagunahan pa sila sa pagkuha ng pagkain maliban lang kay corbyn na as usual tahimik lang na pinapanood yung mga pinsan niyang naguunahan sa pagkain.
"Hoy ano ba nixon. Hinay hinay naman baka maubusan na kami niyan." Hirit ni damon kaya naman agad siyang tinignan ng masama ni nixon habang si dwayne naman nagpipigil ng tawa.
"Itigil niyo na nga yan." Sita sa kanila ni paxton.
"Tss, ang aga aga pinsan nakabunsangot ka na agad." natatawang sabi ni damon.
As usual tinignan lang siya ng masama ni paxton.
Natapos ang umagahan namin ng punong puno ng kalokohan ni damon, katakawan ni nixon, kasungitan ni paxton, katahimikan ni corbyn, at ang nakakariniding tawa ni dwayne.
Isa isa na silang nagtayuan pagkatapos at umalis ng hindi man lang nagabalang ilagay yung mga pinagkainan nila sa lababo.
Padabog kong kinuha yung mga pinagkainan nila at nagsimulang hugasan ito.
"Bwiset. Bwiset. Bwiset talaga kayong mga sandoval na abnormal!!!" sigaw ko sa sobrang inis.
"Atleast gwapo.." muntikan ko ng mabitawan yung hawak ko na baso ng bigla nalang sumulpot sa likuran ko si corbyn.

BINABASA MO ANG
HER SIDE
Ficção Adolescenteand like the moon, she had a side of her so dark, that even stars couldn't shine on it; she had a side of her so cold, that even the sun couldn't burn on it. -Abigail J