#1 - Magpipinsan

24 0 0
                                    

Dahil sa mga kalokohang pinag gagagawa ko. Napilitan akong tumira sa iisang bubong kasama ang limang magpipinsang abnormal.

Ako nga pala si Autumn Goncalves. A bitch. A trouble maker. Ang magandang babae sa istoryang ito. Ang babaeng gumawa ng isang malaking gulo kaya napadpad sa mansyon ng mga Sandoval.

Hindi ko aakalain na dahil lang sa gulong yon ay magagawang kong magmakaawa sa nagiisang tao na nakakatiis sa ugali ko slash sa bestfriend ko na patirahin ako sa bahay niya.

Bakit wala ang pamilya ko? Simple lang. Dahil sa ibang bansa sila nakatira. Actually, doon ako lumaki at doon din ako gumraduate ng highschool pero dahil sa sariling kong desisyon. Mas pinili kong dito mag-aral sa pilipinas dahil andito yung pinapangarap kong eskwelahan. Hindi ako pinayagan ng mga magulang ko nung una pero sympre wala nanaman silang magagawa because what Autumn wants Autumn gets.

Sa totoo lang maayos na sana yung buhay ko dito. Magisa lang akong nakatira sa bahay na inuupahan ko which is yung magulang ko yung nagbabayad ng renta buwan buwan. Kuntento nadin ako sa eskuwelahan ko. Pero dahil sa pagiging trouble maker ko gumawa ako ng gulo na naging dahilan para itigil ng mga magulang ako ang pagpapadala sakin ng pera para sa renta ng bahay. Nung una, kaya ko pa. Pero habang tumatagal nagigipit na ako dahil may ibang bagay din naman akong pinaggagastusan ng pera ko noh! Kaya naman mabilis akong pinalayas nung may ari ng bahay dahil isang buwan na kong hindi nagbabayad ng renta. Don't get me wrong, mayaman ang pamilya ko. Binigbigyan naman nila ako ng pera weekly para sa daily needs and wants ko sadyang tipid lang ako at ayokong magwaldas ng pera para lang sa renta ng bahay.

At yun ang naging dahilan para mapadpad ako sa mansyon ng mga Sandoval. Ang magpipinsang Abnormal.

Ipapakilala ko sila sainyo pero sympre hindi ko na hahabaan. Dahil wala kong oras para bigyan sila ng magandang introduction.

Paxton Sandoval, ang lalaking saksakan ng sungit at parati nalang nakasimangot.

Gwapo na sana kaso laging mainit ang ulo. Ewan ko ba kung bakit ang daming nagkakagusto dito sa abnormal na ito. Eh sobrang sungit naman. Sinong babae ang tatagal sa ugali neto?

At bago ko nga pala makalimutan ang SANDOVAL COUSINS ay mga playboy. Yes, tama ang pagkakabasa mo. Mga play boy ang mga abnormal na ito.

At itong si Paxton, ang pinaka.. sabihin na nating hindi msyadong kina- career ang pagiging play boy niya. Dahil ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya kaya di na niya kailangan pang mag-effort. And take note hinding hindi mawawala yung pagsusungit niya sa mga ito. At siya yung bihira mo lang makitang may kasamang babae tulad nga ng sabi ko di niya kina-career ang pagiging playboy niya.

Finally, siya yung pinaka ayoko sa kanilang magpipinsan. Paano ba naman kasi akala mo laging may galit sa buong mundo kung magsungit.

Damon Sandoval, siya yung lalaking hindi man lang nagayos ng buhok na sumalubong samin ni nixon nung unang beses na tumapak ako sa mansyong ito.

Siya yung pinaka maingay at makulit sa kanilang magpipinsan. Hindi mo ata ito makakausap ng maayos kasi kadalasan puro kalokohan yung nasa isip. At siya din pinaka malakas mang-trip sa kanilang magpipinsan. Puro kalokohan ang alam nitong isang ito. Yung tipong makita mo palang
ngumisi nitong si Damon maiisip mo agad na may kalokohan nanamang gagawin ito. Siya yung pilyo sa kanilang lima.

Ano nga bang maipagmamalaki ng isang ito? Hmmm, siguro yung balibalita na magaling daw magsoccer si damon. Ewan ko kung totoo kasi hindi ko pa naman siya nakikitang maglaro. Well, atleast kahit papaano may ipagmamalaki hindi puro kalokohan lang ang alam.

Corbyn Sandoval, itong lang naman yung lalaking sobrang tahimik at kala mo walang pakielam sa mundo. At bihira mo ito maririnig magsalita. For short, kabaligtaran siya ni Damon. Kung si Damon saksakan ng ingay, ito namang si Corbyn saksakan ng tahimik.

At sa kanilang lima siya yung pinaka habulin ng babae. Ewan ko ba dito! Wala namang pakielam itong isa ito sa mga babaeng umaaligidaligid sa paligid niya pero siya pa itong mas nakakaagaw ng pansin ng mga babae.

Dwayne Sandoval, ito lang naman yung lalaking may hindi maganda ang tabas ng dila nung una kaming nagkakilala.

Si dwayne yung pinaka matalino at talented sa kanilang lima. Actually, nagulat din ako nung nalaman kong matalino itong si dwayne pagdating sa school. Buong akala ko matalino lang ito sa pamimikot at pambobola ng mga malalanding babae jan sa tabi tabi. Kilala si dwayne sa school hindi lamang sa katalinuhan at kalandiang taglay niya. Kilala din siya dahil magaling siyang magpinta at mag gitara. At pansin na pansin ko naman yun dahil ilang beses ko ng nakikita at naririnig tumugtog si dwayne dito sa mansyon. Kadalasan pag wala siyang malanding babae na kasama o kaya pag wala siyang magawa. At nalaman ko din na lahat ng mga paintings na nakalagay sa library ng mansyong ito ay si dwayne ang nagpinta.

Siya yung pinaka hinahangaan ko sa kanilang lima dahil sa pagiging talented niya. Maliban nalang dun sa talent niyang magpaikot slash mambola ng mga babae.

At ang pinakahuli ay ang pinaka kasundo ko sa limang magpipinsan.

Nixon Sandoval, ang bestfriend ko. At ang dahilan kung bakit ako nakatira ngayon sa mansyon ng mga sandoval.

Si nixon ang pinaka mabait at friendly sa kanilang lima. Siguro yun nadin ang dahilan kung bakit lapitin siya ng mga babae. Isang kindat at ngiti lang ng isang Nixon Sandoval malamang nagkakandarapa na yung mga babaeng yun. Ang matamis at abot hanggang tengang ngiti ni nixon ang masasabi kong best asset niya. Sa kanilang lima si nixon yung pinaka inosente kung titignan mo. Yung tipong akala mo walang kasalanan slash kalokohang ginagawa.

Pero sympre, don't judge a book by its cover! Myghaaaaad! Sa sobrang landi ng isang ito hindi ko alam kung bakit nagmumukha padin siyang inosente. Tulad ni dwayne, si nixon ay magaling magpaiyak, mambola, manakit, at manlandi ng mga babae. Sa totoo lang, silang lima ganun. Sadyang etong dalawang ito mukhang expert na.

Sa kasamaang palad sila ang kasama ko sa iisang bubong. Sila ang mga magpipinsang sandoval slash abnormal.

Sa iisang eskwelahan lang kami ng aaral ng mga playboy na ito. At duon ko rin naging bestfriend si nixon. Don't think too much dahil hindi maayos ang unang pagkakakilala namin ni nixon.

Paano ko nga ba naging bestfriend ang isa sa mga kilalang playboy sa Keid International School? Paano ko nga ba nakilala ang isang Nixon Sandoval?

HER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon