Autumn Goncalves POV:
Nakangisi siya habang tahimik na nakatingin sakin. Hindi parin ako makapaniwala na andito siya ngayon. Matutuwa na sana ako kaso naalala ko nanaman yung nakaraan ko..
Mapait akong napangiti tsaka ko binasag yung katahimikan.
"Buhay ka pa pala." Sarkastiko kong sabi.
"Of course. So how's life Autumn Goncalves?" Tanong niya habang matalim ang tingin sakin at may ngisi sa mga labi.
"Don't ask me as if you actually care about what's happening in my life." Seryoso kong sagot sa kanya.
"We care. We always have." Seryosong sabi niya.
"Really? Since when?" Sagot ko. Unti unti ng umiinit yung ulo ko.
Ano bang ginagawa ng kupal nato dito?
"You know what? This is nonsense." Akma akong tatayo ng biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako.
"Ano? Tatakbo ka nanaman. Iiwas ka nanaman. Ang hirap sayo palagi mong pinapairal ang init ng ulo mo. Kaya nakakagawa ka ng mga bagay na mali eh." Alam kong sinasadya niya talagang ipamukha sakin yung huli niyang sinabi kaya naman di ko na napigilan yung sarili ko at hinarap siya.
"Alam mo? Why don't you just fuck off! Pabayaan niyo na ko. Sa tutal naman dun kayo magaling diba? Di na tayo tulad ng dati. Hindi na ako tulad ng dati." Mabilis kong inubos yung isang baso ng vodka na nasa tapat ko at sinunod ko naman yung isang bote ng beer na nasa bucket.
Bago ko pa maibaba yung hawak kong bote nagsalita nanaman siya.
"Ikaw padin siya. Ikaw na ikaw padin siya. You're still the bitch we left two years ago or wait.. maybe you're much worse than her." Galit at sarkastikong sabi niya.
Nagpantig yung tenga. Umaapaw yung galit sa sistema ko. Kailangan kong huminahon. Dahil baka...
Baka... maulit nanaman yung mga nagawa ko nun. Mga nagawa ko na naging dahilan kung bakit nasira yung buhay ko... at nila.
Hanggang sa hindi ko na namalayang nabasag na pala sa kamay yung hawak ko na bote.
Kitang kita ko yung gulat at kaba sa mga mukha nila. Walang nakapagsalita.. maski ako.
Tumingin ako sa kamay ko. Punong puno ng dugo yung kamay ko. May mga bubog na nabaon sa mga palad ko pero hindi ko ito ininda.
Tinapunan ko sila ng tingin tsaka nagtuloy tuloy palabas.
Pumunta ko parking lot at sumakay na sa sasakyan ni nixon tsaka ako humarurot paalis.
Paalis sa lugar na yon. Sa lugar kung saan natapos ang lahat pero eto nanaman.. muling nagsisimula ng panibagong yugto.
I need to stop overthinking things. I need to calm down. What could possibly go wrong anyway? It's just one night. They'll probably won't see me again.
Pagkarating ko sa bahay binungad ako ng limang asungot.
"WHERE THE HELL HAVE YOU FUCKING BEEN?!" sigaw ni nixon pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.
"WHY ARE YOU NOT ANSWERING ANY OF OUR CALLS AND MESSAGES AUTUMN?!" Galit na tanong ni paxton.
Sa totoo lang wala ako sa mood para makipagsagutan sa kanila ngayon dahil sa lagay namin na ito malamang imbes na magkaayos kami. Mas lalo lang lalaki.
Hindi ko nalang sana sina papansinin ng bigla nalang may sumigaw..
"WHAT THE FUCK?!!" agad akong napalingon at kitang kita ko yung galit sa mga mata ni paxton.

BINABASA MO ANG
HER SIDE
Teen Fictionand like the moon, she had a side of her so dark, that even stars couldn't shine on it; she had a side of her so cold, that even the sun couldn't burn on it. -Abigail J