Chapter 4 [Rare]

17.5K 642 53
                                    

Ilang santo na yata ang napagdasalan ko para lang mabigyan ako ng sign kung siya nga ito o hindi. I can't tell just by observing his physical features dahil parehas naman silang makisig. Medyo buffy nga lang itong nasa harapan ko ngayon.

"Ano nga pala ang pakay mo?" Tanong niya.

I am playing with my finger. I didn't look at him. I'm just listening with his voice. Trying to get a hint using his voice.

"Uhm. I am looking for a certain Torralba. I have business with him." Sagot ko.

Hunalukipkip siya. Animo ay kinikilatis niya ang buong pagkatao ko.

"Sinong Torralba? I have brothers. What kind of business is that?" Napaisip ako. Shet. Hindi ako ready sa mga katanungang ganyan. Ako itong bigla nalang susulpot dito. Pagkatapos ano?

"It's kind of private. Maaari ko bang malaman kung.. mahilig kang magpunta sa mga bar?" I bit my lip. My interrogation is just plain stupid. Napangiti siya. Hindi niya siguro aakalaing tatanungin ko ang bagay na yun.

"Bakit mo tinatanong? Ano ba talaga ang pakay mo sakin?"

"Did you go to a bar recently? Para kasing namumukhaan kita eh.." I ignored his question. Ang dapat ko lang gawin ay ang kilatisin siya. Ask him questions that might give me answers.

His face is plain astonishment.

"No. I did not." His final words keep me upset. Hindi siya? Kung ganun, sino? I observed his physical aspects for the last glance.

No sparks. No electricity. I feel it too. Hindi siya.

Umuwi ako sa aking apartment na malungkot. I feel so blank. I feel so out of place kahit na mag-isa lang naman ako sa apat na sulok ng kwarto ko.

*ring*

I grabbed my phone while towel-drying my hair. Mahilig akong magshower every night before going to sleep. It makes me comfortable.

"Yes Madam Reyn?" She's one of our bosses sa agency. Minsan lang siya tumawag kaya nakakagulat na tinawagan niya ako ngayon. It must be something important.

[There's an upcoming big event this Friday. And you're the chosen one in our agency na isinali ko. I hope that's fine with you?]

Well.. Makaka-hindi pa ba ako kung naisali na pala niya ako?

"Uhm. Okay lang naman Madam Reyn. By the way, what kind of event is that?"

[It's a photoshoot contest. You have to show your best shots since this is for a magazine cover, mas fit ka sa trabahong ito. And you can choose your own model, or you can pick one on our existing models.]

Photoshoot contest? Is she that confident na kaya kong manalo doon?

"Hindi ko yata kakayanin yun Madam. Besides, I don't have luck in any competition. Baka magkalat lang ako doon."

[No, no honey. I trust your skills. If you can't win this one then at least try it. This is a big experience and opportunity at the same time, Sy. You can do it!]

Bigla kong naalala na kailangan ko pa palang tapusin ang isa kong portfolio para sa isang kliyente ni Madam Bunny. And this one is on Friday. Can I do that?

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon