Like what others are saying, hindi lahat ng kaligayahan ay nagtatagal. Minsan, lumilipas din at ang masama pa ay pinatikim ka lang nito. Sandaling kaligayahan, almost a dream, that ended a nightmare. And that was it, that was the end of it.
Muntik nang mahulog ang ulo ko sa aking desk, mabuti at nagising agad ako sa saglit na pagkakaidlip. I'm thankful that I have my own office, so no one can see my tardiness here. The walls of my room are painted flesh, just the shade that I want. On top of my desk are pile of folders, markers, a laptop, and samples of company-produced magazines.
Napansin ko ang oras sa aking cellphone at nalamang sampung minuto na ang lumipas at kanina pa dapat ang oras ng pag-uwi ko. It's 6:10 pm now, nagmadali na ako upang may mapara pa akong sasakyan sa labas.
Lumabas ako ng aking opisina bitbit ang aking coat at laptop bag, lahat ng empleyadong nag-oovertime ay napagawi ng tingin sa aking patungo sa elevator.
"You went out late, Sy? We thought you're already gone." Ani Ysmael na nasa kanyang cubicle. Medyo may edad na ito, may asawa at isang anak ngunit hindi kasal. He's part of my writing team.
"Nope. I accidentally doze off. It's just a ten-minute gap, don't worry." Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng backpack ko.
Alam kasi nilang kapag ganitong oras na ay bibihira na ang dumadaang cab sa labas.
"Adios!"
Marami akong naging kaibigan sa kanila. They are welcoming to everyone even to strangers kaya hindi ako nahirapang mag-adapt dito sa Spain. Pinindot ko ang ground floor button nang makapasok ako sa elevator. I saw my reflection on the metal walls, malaki na rin ang pinagbago ng mukha ko. I gained weight, not fats, healthy pa rin naman ang lifestyle ko kahit na hindi ako naggy-gym. Kumapal ang buhok ko, kinulayan ko ito ng kulay tsokolate noong nakaraang dalawang buwan kaya nagmukha akong hindi pinoy.
Ting!
Bumukas ang elevator doors. Nilagpasan ko ang lobby at saka nag-logout sa isang automatic ID scanner. Nagpaalam ako kay kuyang security guard saka lumabas ng gusali. Sinalubong ako ng sariwang hangin ng Barcelona. Uggh. I want to live here forever if that's possible, or I can make it possible. This place has comforted me when I was alone enduring those heartbreaks. Dito ay tahimik, may kapayapaan, no one judges you, no media everywhere, it's just an ideal place for peace-finder people like me.
Peace. Hindi iyon madaling makamtan. Noon, hinayaan kong mawalan ako nito para sa isang taong minahal ko. Ngayon, natuto na akong makuntento sa sarili ko. Even though I've been loveless for almost a year now, at least I have my own peace of mind. Pumara ako ng isang cab na limang minuto kong hinintay kaya sumakay ako agad at nagpahatid sa aking tinutuluyang bahay.
Sa gitna ng byahe, naalala ko kung gaano katagal na rin akong naninirahan dito. Mag-iisang taon na din. Mag-iisang taon mula noong ipagtabuyan ako ng taong pinakaminahal ko kaya ako napadpad dito. But let's not talk about that. I have moved on, I kept on telling myself. Sapat naman na siguro ang isang taon para masabi mong nakamove-on ka na diba? Hindi naman ako tanga para umasa pa. He's just a guy. Napakarami pang lalaki diyan! As if naman mauubusan ako?
"Thank you. Gracias!" Pasasalamat ko sa driver na naghatid sa akin.
Bumaba ako sa tapat ng isang townhouse na tinutuluyan. At bago kayo mag-isip ng kung ano, no to any violent reactions, hindi po sa akin ito. Pag-aari ito ni Franxis De Puato, bilang tulong sa akin at bilang pakonsuwelo na rin dahil sa ginawa niya noon. He lets me stay here with an acquaintance, si Aljer. He's Portuguese, natuto lang magtagalog nang dahil sa akin.
Pumasok ako sa loob ng bahay. The smell of the airconditioner hits my nostrils as I walk the entrance. I threw my backpack at the top of a sculptural side table. Above is a rock crystal overhead chandeliers giving off an atmospheric lighting to the whole area of the living room. Ilang beses or should I say halos araw-araw ay napapanganga nalang ako sa ganda ng bahay na ito. It's too luxurious. Pero anong magagawa ko kundi ang magpasalamat nalang at nakaranas akong makatira sa ganitong kagarang bahay.
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (MM) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...
