Chapter 31 [Falls]

11.6K 475 19
                                        

Nakarinig ako ng mararahang katok mula sa pintuan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tinahak ang daan upang buksan ang pintuan. Nang tumambad ang mukha ni Troy ay sinaraduhan ko rin siya ng pinto ngunit humarang ang braso niya bago ko pa man siya tuluyang masaraduhan.

"What's wrong, Symon? Bakit mo ako pinagsasaraduhan ng pinto?"

Nakapasok siya sa loob. We're in his condo unit. Isang pagkakamali na dito pa ako nag-stay ngayon. Sana sa unit ko nalang ako nanatili para hindi niya ako guluhin.

"What's wrong your face! Ang dami mong kabit ah? Ngayon, pati si Fabiana?" Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng boses.

Alas-otso na ng gabi at hinintay ko talaga siyang makauwi para bungangaan siya. Pinilit kong magtimpi buong hapon kakaisip sa kung ano maaari ang nagawa kong mali at naghanap siya ng iba.

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong niya pero may bahid ng ngiti sa labi. Putangina, anong ikinatutuwa nito?

"So sino ang legal wife mo? Ang kapatid ko o iyang Fabiana mo?" Umupo ako sa kama ng padabog at sinubukang lumayo mula sa kanyang hawak.

"This is... damn, you're jealous. Ganito ka pala magselos?" Nakatukod ang baba niya sa kanyang mga kamay habang nag-iisip na parang gago.

"Don't change the topic! Troy! Pa-I love you ka pang nalalaman tapos maririnig kong may panibago na namang kandidata para sa pagiging girlfriend mo? Fabiana, really? Well, she's beautiful, no wonder you are attracted." Bawat salita ko ay may pagbuga ng maanghang na hininga. I don't like this kind of feeling, because I'm never really good at keeping these emotions.

I've had exes, pero hindi ko ito naranasan noon sa kanila. Ang magselos. With Troy, halos lahat na ng emosyon ay naranasan ko sa kanya. He's always the exception.

"We both know she's not my girlfriend. Come on, wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?" Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. Tatayo na sana ako upang makalayo ngunit hinatak niya ako dahilan para mapaupo ako sa kanyang mga hita.

"Gasgas na ang mga ganyang linya, Troy."

Hinigpitan niya ang kanyang pagkakayapos sa akin. Ayan na naman ang mga malalanding paru-paro sa loob ng tiyan ko.

"Fabiana's just helping out. Para matigil na ang kapatid mo sa pagpupumilit niya sa sarili niya sa pangalan ko. And she's cool with it." I heard him inhaled my scent. Kinuha ko ang balahibo sa braso niya at binunot iyon. He groaned in pain.

"How cool is that? At paano kung madevelop siya sa'yo?"

Umakyat ang kamay niya sa ulo ko at pinaglaruan ang aking buhok. Nakatingala siya sa akin kaya malaya kong napagmasdan ang kapulahan ng kanyang labi.

"What do you really want me to do, Symon? Tell me. Mababaliw na ako kakaisip kung anong makakapagpasaya sa'yo..." Aniya sa magaspang na boses. Kinikilabutan ako sa mga haplos at himas niya sa aking balat.

Kahit ako ay hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gusto ko. Baliw na ba ako? Hibang gaya ng kapatid ko? I don't want others to claim his heart in front of everyone but at the same time I am not ready to do it myself. I'm still in the process of earning enough courage and confidence to do it. But when is enough? How much is enough?

Hangga't maaari, ayokong madaliin ang lahat. Dahil kapag madali mong nakuha ang gusto mo, madali rin itong mawawala sa'yo. Hindi ko alam kung bakit naniniwala ako sa ganoong kasabihan. But it's proven by many people. Mas gusto ko iyong inuunti-unti at pinaghihirapan.

"You're hating me because others are claiming your title that easily. Why can't you claim it yourself then? I don't care what they'll say or how they'll react, Symon. All I care about are your words, your thoughts, your reactions, your decisions, your love."

Masked Pleasure (MM) ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon