Chapter 19 [Loser]

14.1K 540 59
                                        

Mariin kong ibinaba ang camera nang magbreaktime ang lahat. Naupo ako sa isang stool at ipinasa sa tablet ang mga kuhang litrato. I was reviewing the outputs when I notice a shadow beside me. Agad akong nakaramdam ng kakaibang init sa presensyang iyon.

Tumikhim siya. "You should rest or take a nap, it's breaktime Symon." Boses iyon ni Troy. Hindi ko siya nilingon, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Hindi ako nagsalita. Inabala ko ang sarili sa pag-edit ng ilang pictures. The other photos need more contrast, I don't remember when I did become so meticulous about my works. Madalas ay perpekto na ito at hindi na kinakailangang iedit.

"Talk to me please, Sy. Are you still mad?"

Tumigil ako sa ginagawa at ngayo'y sinulyapan ko na siya. Mapupungay ang kanyang mga mata. May kung anong nagbabagang init doon na hindi ko lubos na maunawaan.

I turned off the tablet at saka ako tumayo. Hinawakan niya ang braso ko nang makaramdam na tatakasan ko siya. I met his sorrowful eyes. It's almost begging. Before I chase him, I thought na magiging madali lang ang lahat. We work in the same place, he's the model and I'll be his photographer, and then he fell in love with me. End of the story. I never thought it's gonna be turning the other way around.

"Uhm. Prepare ka na after ten minutes. Tapos tawagin mo nalang ako." Niligpit ko ang mga kagamitan ko. Ang naiwang kamay niya sa aking braso ay mas humigpit. I looked at him again.

"Troy, are you going to prepare or not? You only have nine minutes and twelve seconds.." I said while looking at my wrist watch. "Call the stylists to prep you up. I need to rest." Nang malamang kailangan ko nang magpahinga ay lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa aking braso. But his raging eyes did not leave me.

Tinalikuran ko siya. I am not feeling anger. Or wrath or hate. I just feel afraid. Afraid of things could get worse. Afraid to lose everything. Afraid how things will change everything for me. Right now, I choose things to stay. I have lived like this for years, at ayokong sumugal sa mga bagay na alam kong walang kasiguruhan. Ayokong tumaya, dahil sa huli alam kong ako rin ang magiging talunan. Akala ko kakayanin ko na, pero hindi pa pala.

The whole breaktime ay nakatunganga lang ako. Paminsan-minsan ay sumasagot ako kapag kinakausap ako ni Brunner. I just can't help not to seem off.

"Are you even listening?" Kinaway niya ang mga daliri sa tapat ng aking mukha.

"Y-Yes. I heard you, Brunner. Kung ako sa'yo huwag ka nalang mag-boyfriend." He's been talking about how he ended his last relationship. May mapanuring mata siya ngayon na ginagamit.

"Woah, are you talking from experience? You sound bitter, nag-away ba kayo ni Troy?" Nasalubong ko ang kuryosong mga mata niya. Ginantihan ko siya ng matalim na tingin.

"We are not. I'm just suggesting. Nakailang boyfriends ka na this year, hindi ka ba napapagod? If it seems not for you then don't start it anyway." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko. Pero may punto naman. Just like how I started it with Troy and now I'm doomed. Mas mabuti pa kung fling-fling lang, no strings attached, madaling tapusin kung kailan mo gusto. Ngayon ko lang natanto na iba itong pinasukan ko with Troy. This is a lot different.

"Wait, are you planning to end what you have with Troy?" Gulat ang kanyang reaksyon. Maging ako ay nagulat sa kanyang tanong. Hindi pa naman sumagi sa isip ko iyon, pero ngayon ay binigyan niya ako ng ideya.

Just like how people in depression escape their fate, end their life. Should I end it with Troy to escape this difficult situation?

Naging abala ako sa sumunod na photoshoot. Nasa harapan si Troy, he's wearing a denim jacket, slim pants and a pair of brogue boots. Sa likuran niya ay may nakahandang itim na sofa bilang display. Nakapameywang siya habang inaayos ng hairstylist ang kanyang buhok.

Masked Pleasure (MM) ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon