Chapter 45 [Competition]

11.5K 463 36
                                        

Aside from all of the things that I need to fulfill and need to think of, nakahanap pa rin ako ng oras upang magliwaliw. Nagtungo ako sa isang pinakamalapit na bar sa condong tinutuluyan ko ng pansamantala. Pinaglalaruan ko ang maliit na baso kung saan sinalinan ko ng tequila.

It is eight in the evening, malakas ang trance sa loob ng bar kung kaya't natagalan akong mapansin ang tumatawag sa aking phone. Ini-slide ko ang screen nang bumungad ang pangalan ng aking matagal at matalik na kaibigan.

"What's up, Brun?" my not so excited introduction.

[Where are you? Bakit ang ingay ng background mo?]

This is the first time that he was able to call me. Madalas noong nasa espanya pa ako ay palaging skype ang way of communication namin. Hindi ko alam kung paano niya nasagap ang balitang nakauwi na ako ng Pilipinas.

"I'm in the palace, why did you call?" inubos ko ang laman na alak sa aking baso.

Kanina ko pa napapansin ang mata ng isang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan ang pagawi-gawi ng tingin sa kinaroroonan ko.

[Come over here, hindi ka man lang nag-message na nakauwi ka na pala rito? Bakla ka talaga!]

Umiwas ako ng tingin doon sa lalaki at saka sinikop ang aking shoulder bag.

"Because I don't want to bother you, nasaan ka ba ngayon?" Tumayo ako sa aking kinauupuan ngunit pagtalikod ko ay humarang sa aking daan ang lalaking nagmamatyag sa akin kanina pa.

He looked like an old rich man, maybe in his early 40s. Ugggh, I don't have time for this.

"Hey, what's your name little boy?"

Hindi ko alam kung bakit medyo naasar ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Do I look like a little boy?

[Narito ako sa Taguig, I'm in an event. I'll text you the address.]

"I'm not a little boy, at excuse me kuya nagmamadali ako. If you'll excuse me?" Ngumisi lamang ito at saka pagkatapos ng limang segundo ay nagbigay ng daan.

Pumara ako ng cab at agad na sumakay doon. Kaunting alak lamang ang nainom ko, kung kaya't malinaw at matino pa naman ang pag-iisip ko. I've been stressed out this past few weeks, tungkol sa mga bagay na kailangan kong asikasuhin, even daddy's executor is not showing up. May ginawa nga ba talagang hindi kanais-nais si Mommy sa taong iyon? Is he even alive?

After the 15 minute drive, huminto ang sasakyan sa labas ng isang exclusive village or building na pinaligiran ng barricades na ginto. Lumabas at bumaba ako ng sasakyan, dumaan ako sa parking lot kung saan napansin ko ang hilera ng mga sasakyan. I even saw a familiar car, but I did not give a damn because I have other agendas to attend here.

Habang mas pumapasok ako sa loob ay naririnig ko ang malakas na musika at maliwanag na ilaw sa isang bahagi. Nagmadali ako sa paglakad upang masaksihan kung anong kaganapan iyon. Nang mas makalapit ako at mas nadinig ang musika, may malawak na pool sa isang bahagi kung saan may mga banyagang naliligo, sa lupa ay nakahilera ang mga upuan, at sa gitna ay isang stage na pahaba. Nakagayak ang mga ilaw at palamuti. Ang mga taong nakaupo ay nagmistulang audience, sa ibaba ng stage ay may parihabang lamesa at doon ay may nakaupong piling tao. Bago pa man ako makalapit doon ay may humatak na sa aking braso.

"Bakit ang tagal mo? Halika doon tayo sa backstage!" Si Brunner na humahangos at inakay ako sa bandang likod.

"What kind of event is this? At bakit ang daming tao doon?" Pumasok kami sa isang tent kung saan kaming dalawa lamang.

"Search for fresh male models ito para sa ramp modelling. I'm the stylist for one of the contestants. Grabe, namiss kitang bakla ka!" Saka niya ako niyakap. Pagkabig niya sa aking likuran ay nakita ko ang malawak na salamin sa harapan, this is probably the dressing room for the contestant.

Masked Pleasure (MM) ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon