[Read at your own risk]
Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan upang makahabol sa kanya. Nakarating ako sa parking lot at naabutan ko siyang papasakay na ng kotse.
"Wait up!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon niya.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse sa katabi ng driver's seat.
"What? Bakit ba dikit ka ng dikit sakin?" Oh noes. Now he's playing push-and-pull game. Gusto ko 'yan. Playing hard to get? Then I'll play his game.
"Excuse me, hindi ako dumidikit sa'yo ah? Ikaw, bakit ka narito ngayon sa agency namin?" He sighed vulnerably. Para bang lagi siyang nauubusan ng pasensya kapag kinakausap ko siya. Am I that hate-able? If ever may ganoon mang word.
"Don't fall into conclusions. I applied para makabalik ako sa modelling career ko. And your agency is the only one who accepted me despite my previous scandal." Nagkasalubong ang kilay niya. Oh God, this man is so hot. Bakit niyo ibinigay sa kanya ang ganitong mga katangian? It's so unfair!
Pinanood ko kung paano nagtaas baba ang kanyang adam's apple. Nakakahumaling talaga ang kanyang pananalita. Kahit na mukha siyang laging naiimbyerna sa presensya ko, still I am falling deeply even more. Hindi naman ako ganito ka-ignorante sa mga lalaki. Matagal nang patay ang puso ko, muli lang itong tumibok nang makilala ko siya. His electricity powered my inner spirit.
"Okay. So, ibig sabihin lang nito na araw-araw na tayong magkikita. Right? Let's forget about the past, I want us to start again." I have made up my mind. Palusot ko lang na kakalimutan ko ang nakaraan. Like I want to bury our one special hot night before.
"Us?" His brows met. I have to adjust my eyes with his high definition handsome face. Nakakasilaw.
"Oo, tayo. Symon Neil Monteguido, and you are?" I reached out my hand for a handshake. Nakaabot ng sampung segundo bago niya sinalo ang kamay ko na parang napipilitan. At least, he didn't close his doors for me.
"Troy Nixon Torralba, why am I bothering to introduce myself when you already knew me in the first place.." He's silently murmuring on his side habang tinatanggap ang kamay ko.
"Let's be friends!"
KINAGABIHAN.
Nakauwi ako sa condo. I am preparing my food nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Madam Reyn.
[We'll talk tomorrow about something important.]
I typed in my reply.
[Sure, Madam.]
Inihanda ko ang mga pagkain sa tray at saka nagtungo sa pintuan. Ginanahan kasi akong magluto ngayon kaya hindi lang pang-isahang tao ang iniluto ko.
I didn't bother knocking on his door. Binuksan ko iyon at saka binuhat ang tray na may lamang pagkain. I was shocked that it's not locked.
"Troy?" Hinanap ko siya. I felt weird because this is the first time I called him on his first name. Hindi ako makapaniwalang pumayag siya na maging magkaibigan kami. If he's really true with his words, then we'll see.
Inilapag ko ang tray sa isang round table na naroon. Pinagmasdan ko ang loob ng unit niya. Maayos na ito hindi gaya ng huling punta ko dito na magulo. Maayos na nakatupi ang kumot at nakasalansan ang mga unan. May mahabang kurtina na nakatabing sa bintana. The light from the standard lamp is dim. Giving a romantic ambience. Napangiti ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (MM) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...
