Chapter 16 [Pleasures]

20.6K 572 34
                                        

[Read at your own risk]

xxx

Concentration is a hard thing for me to do now. I can't focus while capturing the best angle, all because Troy invaded my sanity. He's flowing with the blood in my veins, every heartbeat shouts his name. Really Symon, nakarinig ka lang ng 'I'm falling in love with you', nagkakaganyan ka na?

"Napakahaba naman kasi ng buhok mo. Pati si Rapunzel nagresign na sa disney, hiyang-hiya sa'yo." Ani Brunner dahil nagtugma ang sched namin sa ngayon.

Tinawanan ko nalang siya, siraulo. I'm still reminiscing what happened last night.

"Dangerously?" He said he's falling for me silently and dangerously.

"Yeah. That dangerous kind of love. Iyong tipong, I don't want to see you hanging out with some other guys, you can't think of anyone else unless it's me, no one can hold or touch you especially if it's a boy, I only want you for myself, if there's a need to tie you down in bed gagawin ko para lang hindi ka maka-attract ng iba." I gasped. That dangerous? More of selfish nga siya e, pero kung paiiralin mo ang ganoong attitude, magiging dangerous nga siya.

Nasabi ko na bang ayoko sa mga lalaking clingy and touchy? Pero kung si Troy ba naman ang magiging clingy sa akin, why the hell not? Aarte pa ba ako? Troy Torralba na yan oh! If there will be one person I allowed to be clingy with me, that should be him.

"So, does that mean... boyfriend na kita?" Pagbibiro ko sakaling makalusot. At bakit hindi?

Pinakatitigan niya ako. May ligayang hindi ko maintindihan sa kanyang mga mata.

"What? You confessed! Ibig sabihin, mutual tayo." He pinched my nose after that.

"Whenever you want to, okay? Let's sleep."

So it's official na nga! Ang sabi naman niya kung kailan ko gusto e. Gusto ko siya, at gusto rin naman pala niya ako, bakit kailangan pang patagalin? I wanna try my luck here. This is my chance now to prove that my love for him isn't shallow like my past relationships.

"Guys, where is Carlos? Siya na ang susunod na kukuhanan." Lumapit ako sa mga nakahilerang modelo. Hinanap ko sa dagat ng mga tao si Carlos.

"Nasa dressing room pa yata. Nakita kong may kausap sa phone e." Ani ng isang babaeng modelo na nakalimutan ko na ang pangalan.

"Ok. I'll just find him, stay here."

Nagtungo ako sa dressing room ng mga models. At hindi naman nagkamali ng impormasyon ang babae dahil narito nga siya. Naabutan ko siyang may kausap sa phone.

"Carlos! You're next in line, matagal pa ba 'yan?" Nakita niya ako at saka naman niya ibinaba ang telepono.

"Pasensya na, Sir Symon. Kausap ko kasi yung nurse, sinugod si ate sa ospital dahil manganganak na siya. Nasa barko ang asawa niya kaya walang magbabantay sa kanya roon." Nanginginig pa ang kanyang boses. Damang-dama ko ang pag-aalala niya.

"Ok. You can go to the hospital if you want, ako na ang bahala kay madam na ipagpaalam ka." I tapped his shoulder. Bata pa itong si Carlos, I bet he's on his flat twenties.

"Talaga po? Naku maraming salamat!" Nagulat ako dahil niyakap niya ako. Siguro'y dala ng tuwa.

"Sige na, mauna ka na. But be sure to come back tomorrow." Tumango-tango siya at saka nagpaalam na.

Masked Pleasure (MM) ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon