Introduction

255 4 0
                                    

June 2017, Its that time of the year ulit. Papasok na naman tayo sa impyerno, a.k.a. university.

Maraming klase ng tao ang mahahagilap mo sa De La Seoul University—may mga sunog kilay sa pag aaral, sunog baga sa bisyo, at kung ano ano pang klase ng pagsusunog; dahil impyerno nga talaga ang pinasok mo.

Let me introduce you to some of the people you might see—or meet sa Seoul-U.
The Normal Guys. A.k.a. us. Kami yun ng mga kaibigan ko. Nakalimutan ko palang magpakilala sa sobrang stress. Hi, ako nga pala si Pia. Nursing ang kinukuha kong kurso, 2nd year na ako.

Si Chelsy, isang matalik kong kaibigan simula nung high school pa kami. Medical Technology ang kinukuha niyang kurso ngayon. Kaklase ko rin siya sa mga minor subjects namin. :)

Si Mavi (not maui), ay isang mabuting estudyante ng kursong dentistry. Tatlo kami nila Chelsy ang magkakaklase nuong high school kaya sa iisang unibersidad kami nag enroll.

Patayan ang mga kursong kinuha namin. Pero wala eh, ginusto namin 'to. Para na rin naman sa kinabukasan namin ang lahat ng nararanasan namin today. Tiis ganda.

Kaya ko ni-label ang mga sarili namin na 'The normal guys' dahil kami yung tipo ng estudyante na school-bahay lang ang routine namin, hindi kami masyadong maingay sa hallways, mabait, hindi mabisyo—kursong medisina ang kinukuha namin kaya ganon.

Ang next naman na ipapakilala ko sa inyo ay ang 'Famous Heartthrob'. Syempre hinding hindi mawawala yan sa isang university lalo na kung kilalang kilala talaga ang pinasukan mo.

Ipapakilala ko sa inyo si Seokjin—Jin na lang daw ang itawag niyo sa kanya. He's also known as 'Worldwide Handsome'. Taob kayong lahat sa kanya. Charot.

Si Jin ay isang Business Administration student, suki ng guidance pero nakakalusot kasi pogi siya. Ang sabi ng iba matalino raw siya, mabait, at mapagbigay. Nasa kanya na raw ang lahat. Jusko ka.

Pag dumadaan yan sa hallways, todo tilian ang mga girls, boys, lgbtq, at pati ipis napapatili na rin sa sobrang pogi neto. Luh.

Actually, best friend ko siya. We've been friends since we were in kindergarten kaya siguro nagsasawa na ata ako sa mukha niya at hindi na ako napopogian masyado sa kanya.

Sa akin niya sinasabi ang lahat ng mga hinanakit niya sa buhay, good news, bad news, o kung ano ano mang news. Mahal ko si Jin, pero as a friend lang. As a big brother.

Ang susunod naman na ipapakilala ko sa inyo ay ang mga 'Bad Boys, Cool Kids, atbp' ng Seoul-U.

Hoseok a.k.a. Jose (tawag ng mga profs sa kanya), J-Hope na lang daw. Dentistry student. Dancer, singer, joker. Daig niya pa sexbomb sa pag giling lalo na sa hallways.

Mabait si J-Hope, humble, pero may pagkamalandi. Naka ilang girlfriends na rin siya, pero walang nagtagal kasi studies first siya.

He's friends with Jin, at kuya siya ni Mavi kaya kilala ko siya.

Ang susunod naman na ipapakilala ko sa inyo under sa category na sinabi ko kanina ay si Min Yoongi.

Mukhang bad boy, Fine Arts student, matinik sa chicks, at sa babaeng professors.

Siya yung makakasalubong mo na laging naka-resting bitch face at naka earphones. May gusto siya sa kaibigan kong si Chelsy. Actually, alam na ng buong university yun dahil may kumalat na video way back 2015, nalasing si Yoongi at sabay sabing "Mahal ko si Chelsy pare, pero alam kong hindi niya naman ako magugustuhan".

Next up is Park Jimin. Jimin na lang ang itawag niyo sa kanya. Magaalboroto yan pag tinawag niyo siyang Park Jimin.

Business Administration student, sophomore. Frienemy ni Yoongi.

Magkaribal sila sa halos lahat, magkakilala sila magmula nung sila ay grade school pa lang. They were friends daw way back then pero biglang nagka-issue sa school nila kaya bigla silang naging competitive.

Siguro kaya hanggang ngayon ay magkaribal pa rin sila is because may kumakalat na issue na may gusto rin ata tong si Jimin kay Chelsy.

Jimin is friendly, smart, talkative, cute. Pero pag nakasalubong mo siya sa hallways hindi ka niya kakawayan or ngingitian lalo na kung ikaw si Yoongi.

Taehyung a.k.a. V. Engineering student. Struggling. Charot.

Isa siya sa pinaka reliable na nakilala ko, malapit sa parents, maalaga, at matalino pa.

May gusto siya kay Mavi. Best friends daw sila nung elementary, dun ata nadevelop ang feelings ni V kay Mavi.

Pero syempre, Torpe si Taehyung.

Jungkook. Kookie for short. Pero wag mo yan gagamitin if di kayo close.

Pinakabatang nakilala ko na pasikat. Hahaha. He's a nursing student, baby faced siya pero kabatch ko siya. 2nd yr na rin yan.

Binasted ni Chelsy, at ni Mavi dahil sa rumors na kumalat noon sa univ na dakilang manloloko raw tong si kookie.

Mabait naman siya, friendly, nanlilibre. Yun nga lang, GGSS talaga.

Lastly, i'd like you to meet Kim Namjoon. Ang pogi ng pangalan, ano?

AB Psychology student, running for cum laude, aspiring Lawyer. Mabait, Pogi, maalaga, smart, my future husband. Charot!!! Hahaha

In all seriousness, may gusto ako sa kanya magmula nung pumasok ako sa Seoul-U. He's one year ahead of me. Pero oks lang yun. Age doesnt matter diba.

Yun nga lang, marami akong kaagaw. Sobrang sikat kasi netong lalake na 'to. Pero anyways, lets see what happens this sem diba. :)

One fine day at De La Seoul-U,

Pia's POV:
Naglalakad na kami sa hallways nina Mavi, at Chelsy. Papasok na kami sa first minor class namin na Philippine Literature.

Chelsy: ...pero hindi ko talaga gets kung bakit kailangan pa natin mag take ng subjects na ganyan!!!
Mavi: ako rin. Actually tinignan ko nga yung curriculum namin tapos binura ko yung mga minor-
*biglang may nakasagi ng bag ni Mavi, at nalaglag 'to sa sahig*
Mavi: aigoo!!!
V: ay sorry—Mavi?!
Mavi: oh bakit?!
V: wala. Hindi pala ako sorry hahaha bye! *walks away*

Natawa na lang kami ni Chelsy sa sobrang kulit ni Taehyung. Walang halong biro, bagay talaga sila ni Mavi.  Sana umamin na siya.

Mavi: Nag iinit talaga ulo ko dun sa lalakeng yun. Umagang umaga nakita ko pa!
Me: Kunwari ka pang ayaw mo eh. Alam kong deep inside kinilig ka. Yieee
Mavi: nako. Over my dead body, friend. Hanggang bffs lang kami nun!
Chelsy: pustahan tayo, magiging kayo rin ni taehyung at the end of this semester.
Me: ay, go ako sa bet na yan!
Mavi: Fine, sige. Pag hindi naging kami, ililibre niyo ako ng.... Ng 1 year supply ng bearbrand fortified milk.
Me: yun lang pala eh. Pero pag naging kayo, ililibre mo kami ni chelsy sa vikings ha.
Mavi: imposibleng manlibre ako. G!
Chelsy: pabebe pa 'tong si Mavi, kunwari ayaw.
Me: hahaha tara na nga pasok na tayo!

Sa classroom,
I overheard na may magiging classmate raw kami na isa sa mga famous cool kids na nabanggit ko kanina. Sino kaya yun?

Prof: Good morning class. for today, i would like you to bring out your books and start reading pages 55 upto page 70. We will be conducting conclusions about the stories that you are going to read...
Mavi: *sigh* basa na naman...
Prof: yes, Mavi. Basa na naman!
*the class laughs*
Prof: well if you are not interested, Pwede namang hindi ka mag basa. By the way, find a partner for later's activity.
Mavi: sorry sir magbabasa na po ako. Uy, Pia partner na tayo!
Me: sige, why not. Hahaha
Chelsy: iiwan niyo na naman ako?

Biglang may umupong lalake sa tabi ni Chelsy. Halatang tumakbo 'to paakyat kasi pawis na pawis siya. Boy Pawis. Biglang nag tanong si BP (Boy Pawis) kay Chelsy ng mga gagawin...

BP: Hi, ano palang gagawin ngayon?
Chelsy: magbabasa lang tayo
BP: tayo na agad?
*silence*
BP: Sorry.
Chelsy: by the way kailangan ng partner for later, tayo na lang partners. Ano pala pangalan mo?
BP: i'm Jimin, ikaw ba?
Chelsy: chelsy.
Jimin: ah, hi. *nahiya bigla* sorry medjo pawis na ako, akala ko late na ako eh.
Chelsy: okay lang, hindi naman ako masyadong maarte
Jimin: talaga ba? Kahit i-kiss mo ako sa pisngi ko na puro pawis okay lang sa'yo?
Chelsy: *nag blush* magbabasa ka ba o magbabasa?
Jimin: ay sorry ulit. Magbabasa na po, Madam Chelsy.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon