XVII

28 0 0
                                    

Yoongi's POV:

It broke my heart a little bit nung nalaman ko na si Jimin ang tinawagan ni Chelsy nung nalasing siya. Bakit hindi na lang ako?

Pagkahatid ko kay Chelsy, nagpunta muna ako sa isang cafe kung saan madalas akong tumambay. Its near Seoul-U kaya nilakad ko na lang muna at iniwan ang kotse kong nakapark sa tapat ng school.

Pagpasok ko ng Cafe, i ordered the usual, plain iced coffee. Paborito ko 'to kasi its bitter, just like my soul. Joke.

After i got my order, i looked for a seat and sat down, grabbed my earphones, and played rap music. This is what makes me happy. Pero not the type of happy na nafifeel ko pag nakikita at nakakasama ko si Chelsy.

I felt so lonely. Yung tipong lungkot na nararamdaman ng isang tao pag naloko siya. Although hindi pa naman kami Chelsy, ganun na yung nafeel ko. I felt betrayal. Sounds like i'm overreacting, pero thats the truth. Ayan ang nararamdaman ko. I love her, and i know na she loves me too. Maybe hindi pa ready si Chelsy, kaya naguguluhan siya sa aming dalawa ni Jimin.

But this time, alam kong ako na yung pipiliin niya. Kung dati may mga doubts ako na hindi ako yung tipo ni Chelsy, ngayon, magiging assertive na ako, magiging kami ni Chelsy.

Mavi's POV:

Hindi kami pinasukan ng professor namin sa aking second class. Halos tatlong oras rin pala akong vacant ngayon! Syempre, dahil taken na ako, makikipagkita ako sa boyfriend kong si V. Pero may klase pa pala siya.

Naisip ko sina Chelsy, alam ko wala silang klase ng ganitong oras, 1 hour ang vacant nila kaya tinawagan ko na sila ni Pia at nakipagkita ako sa cafeteria.

At the Cafeteria;

Pia: Mavi!
Me: Hi guys!
Chelsy: buti na lang natawagan mo kami, kakain na sana kami ni Pia ng meryenda eh.
Me: So ganyan pala ginagawa niyo pag nasa klase ako ah!
Pia: wala naman nang ibang pwedeng gawin kundi kumain.
Me: Lumandi kayo, ganun!
Pia: hahaha! Ay!! Nga pala, may sasabihin ako. Kaso secret dapat 'to eh. Pero hindi ko na talaga matiis, nangangati na yung bibig ko.
Chelsy: ay baka may eczema ka na jan?
Me: hahaha! Baliw 'to. Ano ba yun, Pia?
Pia: Gustong makipagusap ni Jungkook sayo. Mamaya raw. Nagpapatulong siya sa akin eh. Syempre, magagalit si V niyan diba?
Me: Nakakainis na talaga si Jungkook! Gusto pa manggulo eh! Sila na lang kaya ni Taeyeon!
Chelsy: Alam mo naman yun si Jungkook, playboy.
Pia: actually, mabait si Jungkook. Blockmate ko siya sa major subjects. Matalino rin yun.
Me: eh kahit pa! Malandi naman siya! Gusto niya ata puro panganay anak niya eh!
Pia: Grabe naman! Hahaha. Hindi siya mukhang malandi, promise. Lalo na pag nakilala mo na siya talaga.
Me: edi kayo na magkakilala talaga! Haha! Bahala na siya sa buhay niya, basta ako masaya na ako sa baby V ko.
Chelsy: ako naman, naguguluhan na kela Yoongi.
Pia: Ay bakit naman? Akala ko ba, Yoongi all the way na?
Me: bagay kayo ni Jungkook. Gusto mo rin ata na puro panganay anak mo eh?!
Chelsy: hahaha! Tumigil ka na nga sa anak anak na yan! Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, patulong naman.
Me: Ay wala akong maitutulong masyado sa'yo. Basta, sundin mo na lang yung sinisigaw ng puso't isip mo.
Pia: Pero pag si Jimin ang sinisigaw ng puso mo at si Yoongi naman ang nasa isip mo, dun ka na sa sinisigaw ng isip mo, kasi pag sinundan mo minsan yung puso mo mas masasaktan ka.
Me: ay weh? Sinabi ba yun sa anaphy?
Chelsy: Ewan ko sa'yo, Mavi! Haha. Pero thank you, guys. Yun nga lang, hindi ko talaga alam kung sino sinisigaw ng puso't isip ko. Parehas ata sila?
Pia: Bakit hindi mo na lang sila pahirapan pareho? Tignan mo kung sinong magtatagal.
Me: Sabihin mo na lang sa kanila, mag suntukan na lang. Kung sinong unang matutumba, yun yung out. Wag mo nang mahalin yun.
Chelsy: Hay nako! Hahaha. Kung pwede nga lang ganun eh, ginawa ko na yun.
Pia: Basta, kung sino na lang yung maeffort at mukhang sincere naman sa'yo, siya na yun! He's the one!
Me: Maka-advice 'tong si Pia parang hindi naeexperience yung ganyan ngayon, eh.
Chelsy: Oo nga, kamusta naman kayo ni Jin?
Pia: Ayun, natawag ko siyang babe kanina.
Me: Babe lang? Mahina 'tong manok natin!
Pia: hahaha! Ano ba dapat?
Me: Baby boy. Manghihina yun si Jin. Promise.
Chelsy: Imbento ka lang ata Mavi eh.
Me: nako! Seryoso ako!
Pia: bakit, natry mo na ba yun kay V?
Me: Mamaya, itatry ko. Alam niyo ba na mamaya pa lang niya ako ipapakilala?
Pia: edi good!
Chelsy: magiging legal na kayo. I'm so proud of you, Mavi!
Me: Thanks guys. Feeling ko ako lang talaga yung swerte sa ating tatlo eh. Tignan niyo, nauna na akong magka-lovelife kesa sa inyo!
Pia: haha! Hindi kayo magtatagal niyan! 1 week lang yan!
Me: Gusto mo isumpa kita kay Namjoon?!
Pia: wag ganun! Sorry na! Haha!
Chelsy: ay! kamusta naman yun?
Pia: Insane. Nabaliw na siya.
Me: Nabaliw na sayo! Hahaha!
Pia: No, guys. Seryoso. Parang nagiging epal na siya sa buhay ko after niyang makita kaming magkasama ni Jin sa garden.
Chelsy: ginugulo ka pa rin ba niya hanggang ngayon?
Pia: Oo, at nagpunta pa siya sa bahay kanina!
Me: Feeling invited si kuya! Hayaan mo na lang yun. Lilipas din yun.
Pia: sana nga. Uy, kailangan ko nang mauna. May class na ako in 10 minutes.
Chelsy: Sige, dito muna ako. Sasamahan ko si Mavi. See you later, Pia!
Me: Wag kang magpapahuli kay Namjoon! Hahaha!

Umalis na si Pia, at naiwan kaming dalawa ni Chelsy sa cafeteria. Kumain muna kami ng donuts, at nag aral ng konti.

Tapos na ang klase ni V, kaya nakipagkita na ako sa kanya. Humiwalay muna sa akin si Chelsy at pupunta raw siya sa library dahil may quiz siya sa next class niya.

Chelsy's POV:

Naiwan na naman ako mag isa. Pero okay lang, sanay naman na ako. Umakyat na lang ako papuntang library, at magaaral ako sa biochemistry subject ko.

Nung nakaupo na ako, biglang nag buzz ang phone ko, i received a text from Yoongi.

"Chelsy, ihahatid kita pauwi mamaya. Text me if tapos na class mo para mapuntahan kita ha? 사랑해."

Akala ata neto ni Yoongi hindi ako marunong magbasa ng hangul. Kinilig ako kahit ganun lang ang sinabi niya. Kahit i love you in hangul lang yun, nakakakilig pa rin. Siya na talaga nagpapatibok sa puso ko. Parang siya na ata ang gusto kong mahalin.

Natatakot lang ako ng konti dahil baka saktan niya lang ako. Pero sabi nga ng iba, wag ko na lang daw isipin yun dahil hindi naman mangyayari.

Nalulungkot rin ako kasi ayokong manakit ng feelings ng iba. At yun ang ginawa ko kay Jimin. Siguro bago ko siya burahin sa buhay ko ay mag apologize muna ako sa kanya. I texted Jimin and sinabi ko na kung kelan siya free ay mag usap na kami.

After doing the extras, i started studying. May 30 minutes na lang ako bago ang next class ko, at may quiz pa dun kaya kailangan ko na talagang mag aral.

Nung nangalahati na ako sa pag aaral, i've decided to take a break. At sa mga oras nung break ko, biglang may nakiupo sa harapan ko. Si Namjoon. Lagi ko lang 'to nakikita sa hallways, at hindi naman niya ako kilala, so bakit?

Namjoon: Hi, are you busy?
Me: nag aaral ako, bakit?
Namjoon: May i ask you some questions?
Me: Sige lang.
Namjoon: You're friends with Pia, right?
Me: Oo, bakit?
Namjoon: i'm Namjoon. Baka hindi mo pa ako kilala. And you are?
Me: Chelsy.
Namjoon: Chelsy, gusto ko sanang malaman mo na ayokong nakikita si Pia with Seokjin. Kilala mo yun diba?
Me: Oo, and bakit naman? Kayo na ba ni Pia?
Namjoon: Papunta na dun. Wala bang kinekwento si Pia tungkol sakin?
Me: meron. Tungkol sa pagiging epal mo raw sa kanila. And so far, totoo nga. *picks up things* Sige, alis na ako.
Namjoon: *grabs my arm* Wait lang, sinabi ko na bang umalis ka?
Me: Bakit naman ako susunod sa'yo?.
Namjoon: Because i said so. Ngayon, makinig ka sakin. Wag mong hahayaan na makalapit pa si Seokjin kay Pia, dahil pag nangyari yun, ipapatanggal ko si Seokjin dito sa school.
Me: Dahil lang dun?! Ang babaw mo pala! Saka hindi mo naman magagawa yun noh!
Namjoon: I have connections, baby girl. Kaya kung ako sa'yo, sundin mo na lang yung mga sinabi ko, okay? See you around. *winks* *walks out of the library*

Hays, nakakastress. Hindi ako nastress sa inaral ko, nastress ako kay Namjoon! Ganun pala ugali nun, ano kayang nagustuhan dun ni Pia?

Susundin ko ba yung sinabi ni Namjoon for the sake of Jin's safety? Or wag na lang akong maniwala kasi mukha namang nagbibiro lang siya? Bakit ba ako nasama sa gulo nila?!

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon