XXIII

27 0 0
                                    

Chelsy's POV:

Simula pa lang ng summer ko ay naghanap na ako ng medical school na pageenrollan ko. Pangarap ko talagang maging isang doktora, kahit gaano ko pa 'to katagal makamit.

Nakahanap na ako ng school ko. Sa Kyun Hee Medical University ako nagenroll. Maganda ang facilities niya, at abot kaya rin ang tuition fee compared sa ibang schools. Seoul Institute of Science and Technology ang pangarap kong school, pero sobrang hirap makapasa at ang mahal din ng tuition. Okay na ako sa Kyun Hee-U. Naeexcite na nga ako sa pasukan eh.

Chinat ko ang boyfriend kong si Yoongi, kinamusta ko siya. Hanggang ngayon kasi ay nasa Hawaii pa ata sila. Dalawang linggo na ang nakakalipas. Hindi siya nakaattend ng graduation ceremony ko dahil nga dun.

Nakakainis, hindi man lang sineseen ang messages ko. Pero nakikita ko naman na online siya. Bahala na nga! Hindi ko muna siya papansinin kung ayaw naman niya mag papansin.

Pinagtuunan ko muna ng pansin sila Mavi. Nakipagkita ako sa kanila sa Awesamgyeopsal, ang paborito naming kainan... At inuman.

At Awesamgyeopsal;

Mavi: Chelsy, namiss kita!
Me: ako rin naman noh.
Mavi: nakapagenroll ka na ba? Asan na si Yoongi?
Me: Oo, nakapagenroll na ako. Nasa Hawaii pa rin ata, hindi kasi namamansin eh.
Mavi: Nako! Napaka-yaman naman nila. Dalawang linggong nasa ibang bansa!
Me: nagtataka na nga rin ako, eh. Teka, asan na raw ba si Pia?
Mavi: papunta na yun, kasama niya raw si Minjun!
Me: Ay talaga?! Hala gusto ko nang makita ulit yung baby na yun!
Mavi: kamukhang kamukha ni Namjoon, ano? Hahaha!
Me: Oo nga, wala man lang nakuha sa friend natin. Hahaha.

Nag order na kami ng kakainin namin habang hinihintay si Pia. After ilang minutes naman ay dumating na siya.

Pia: Guys! Sorry medjo na-late ako. Si Namjoon kasi may pinuntahan, dinala yung kotse. Nag commute muna kami ni Minjun-ah!
Me: Okay lang! Hi Minjun! Namiss ka namin ni ninang Mavi mo!
Minjun: annyeong~
Mavi: cute cute naman ng bata na yan!
Pia: Oh, Minjun-ah, you say thank you.
Minjun: eomma, food, eomma!
Mavi: anak mo nga talaga siya, Pia.
Pia: hahaha! Baliw 'to. Kamusta naman kayo?
Me: Eto, enrolled na ako!
Pia: Congrats, Chelsy!!! Road to MD!
Me: thanks! Sana talaga makamit ko yang MD na yan.
Mavi: ako naman, struggling pa rin.
Pia: Okay lang yan. Baka nga after ng graduation mas gugustuhin mo pang mag aral ulit. Ako nga, naghahanap na ako ng pagtatrabahuan ko. Balak ko sana sa Myeong-dong Hospital. Kahit isang oras yung layo niya dito.
Me: Okay na yan, at least magkakawork ka na!
Pia: yun nga lang, kailangan kong iuwi si Minjun kela eomma. Ayoko na kasi kumuha pa ng maid.
Mavi: Wag ka na kumuha ng yaya, ako na lang mag aalaga jan!
Pia: Nako baka pag sayawin niyo lang ni V yang anak ko.
Mavi: Uy, hindi naman kami ganun! Grabe ka.
Me: graduate na ba si V?
Mavi: Next year pa, 5 years kaya yung engineering.
Pia: anong engineering ba yung kinuha niya?
Mavi: Civil. Kaya nga naiiyak na siya ngayon eh.
Pia: Civil yun?! Parang wala sa itsura. Haha.
Me: Mukha kaya siyang performing arts student.
Mavi: Wag nga kayo! Masipag yun.
Me: Okay, sige. Baka umiyak ka na jan eh.
Pia: hahaha. Di naman namin sinasadyang paiyakin ka.
Mavi: Ewan ko sa inyo! Si Minjun na lang kakausapin ko.
Pia: papatulugin ko na nga sana eh.
Mavi: mamaya na! Maguusap kami diba, Minjun?
Minjun: opo!
Me: hala ang cute! Para talaga siyang maliit na Namjoon. Walang nakuha sayo, Pia!
Pia: wala na tayong magagawa, bawi na lang sa next.
Mavi: Hoy! Awat na! Hahaha!

Masaya na kaming kumain nila Mavi. Ilang months din namin hindi nagawa 'to dahil sobrang hassle ng schedule namin noon. Naalala ko tuloy yung mga panahon na nasa high school pa lang kami, lagi namin pinaguusapan yung mga pangarap namin sa buhay, yung mga gusto naming kunin na kurso sa kolehiyo, at syempre, ang mga pangarap naming lalake.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon