XI

30 1 0
                                    

Seokjin's POV:

After the acquaintance party, hindi na ako masyadong pinapansin ni Pia. Dati, text niya na, "Seokjin gising na!" ang bumubungad sakin bago ako pumasok. Pero ngayon, kahit isang "hi" lang, wala. Hindi man lang siya nangangamusta, nagtatanong kung kumain na ba ako. Nasasaktan na ako sa mga ginagawa niya. Higit sa lahat, nagseselos ako kay Namjoon. Alam ko wala akong karapatan kasi best friend lang ako ni Pia. Pero kasi kasalanan ko rin 'to, hindi ko pa sinabi yung tunay kong nararamdaman nung una pa lang. But its not too late to tell her what i feel diba? Hindi pa naman sila ni Namjoon.

Teka, kailangan ko munang bumangon, at maligo para magising naman ako sa katotohanan. Sa katotohanan na may pasok na ngayon, at malelate na ako.

Pagkatapos kong mag ayos, dumiretso sakay na agad ako sa kotse. Hindi na ako nakapag almusal.

After an hour, nakarating na rin ako sa school. It's 11 AM. Papasok na siguro sina Pia sa second class nila. Gusto ko na siyang makita. Miss ko na siya. At dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, I texted her.

"Pia, good luck sa 2nd class mo! Lets meet later?"

"Thanks, Seokjin! 😁 i'll try po, baka kasi mag dinner kami ni Namjoon."

Namjoon na naman. Nasasaktan ako sa tuwing nababasa ko yung pangalan na yan, lalo na pag si Pia mismo ang nagtetext.

Sa sobrang lungkot ko, nakipagkita na lang muna ako kay Jungkook sa canteen.

At the canteen;

Jungkook: Bro! Anyare?
Me: nageemote lang ako bro.
Jungkook: hmm, about kay Pia na naman ba yan?
Me: Oo, wala namang ibang reason para mag emo ako.
Jungkook: meron kaya bro! Grades, acads, matawag sa guidance, prof na terror-
Me: Oo na! Pero ngayon, siya dahilan ng pagiging emo ko. Okay na?
Jungkook: Bro, bakit kasi hindi mo pa sabihin yang nararamdaman mo? Kaya ka nageemo kasi torpe ka.
Me: kasi nga mahal ko siya, pero ayokong mawala yung friendship namin.
Jungkook: Easy, edi umamin ka in a friendly way. Talk casually. Kung paano kayo mag usap.
Me: Yun nga eh, hindi ko kaya yun.
Jungkook: Edi wag ka na lang umamin. Masaktan ka na lang for life, mag suffer ka kasi torpe ka bro!
Me: wag naman ganun. Haha!
Jungkook: Ay oo nga pala, i forgot na magkaklase kami mamaya sa last class.
Me: WEH?
Jungkook: sasaktan mo ba 'ko?
Me: hahaha! Hindi noh. Bakit ngayon ko lang alam 'to?
Jungkook: kasi ngayon pa lang ako papasok dun. Haha!
Me: pasaway ka talaga hahaha. Oh, anong plan?
Jungkook: kung gusto mo, ayain ko siya mamaya na sumama sa akin sa garden, dun mo siya abangan.
Me: Tapos? Hindi yun sasama sayo pag wala kang reason kung ba't mo siya aayain.
Jungkook: edi i'll tell her na may sasabihin ako na kaming dalawa lang dapat makaalam.
Me: Nice! Haha! Sige, go ako jan. Sana mag work out.
Jungkook: Oo yan. If it works out, i need you to help me out with something too.
Me: Ano yun, bro?
Jungkook: convince Mavi na hindi ako manloloko?
Me: Nako bro, i can't do that already. Hindi mo ba alam na sila na ni Taehyung?
Jungkook: Bro, alam mo naman na hindi pa legal yun hangga't hindi pa nakikilala ng parents ni Taehyung si Mavi.
Me: Pero sila na. Kaya wag ka nang manggulo bro. Alam kong may darating naman na para sa'yo talaga.
Jungkook: hay nako. Alam mo ba minsan nasasaktan ako sa mga sinasabi mo pero di ko alam kung bakit friends pa rin tayo. Haha! Sige na bro i have to go na.
Me: Mahal mo ako eh. Haha! Sige, papasok na rin ako. Text mo na lang ako if go na.
Jungkook: sure! See you bro!

Kinakabahan ako para sa plano namin ni Jungkook mamaya, pero sa ngayon, papasok muna ako. Hindi ko na lang muna masyadong iisipin para hindi ako mag worry.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon