VIII

46 1 0
                                    

Seokjin's POV:

Natapos na ang party, hindi ko man lang nakausap si Pia. At ang sakit rin makita siya na kasama yung crush niyang si Namjoon. Bakit ganun, hindi sumasangayon sa akin ang mundo?

9 PM. Tinext ko si Pia. Sinabi ko na magkita na lang kami sa labas ng school para maihatid ko na siya pauwi.

"Pia, dito ako sa labas ng south gate, labas ka na. Hatid na kita pauwi"

"Jin omg sorry! Una ka na ha, si Namjoon na raw maghahatid sa akin pauwi!"

Nasaktan ako ng konti nung nabasa ko yun. Hindi ko alam kung ano irereply ko kaya hinayaan ko na lang. Umuwi na ako.
Habang nagmamaneho ako, bigla na lang akong naluha. Dahil lang kela Namjoon at Pia. Sinisisi ko ang sarili ko kasi sobrang torpe ko.

Pia's POV:

First time kong tanggihan si Jin. Dati kasi, pag sabay kaming pumunta sa isang lugar, dapat sabay rin kaming uuwi. Pero ngayon, naiba na.

Gusto ko nang maiba, gusto kong mag step out sa comfort zone ko.

Namjoon: tara na, hatid na kita pauwi.
Me: Ay sorry ihahatid na kasi ako ng best friend ko.
Namjoon: best friend mo lang yun, ako, partner mo.
Me: ngayon lang yun noh.
Namjoon: Ayaw mo ba lagi?
Me: pilitin mo 'ko.
Namjoon: Haha! Tara na! Ihahatid na kita
Me: sige na nga.

Nagpaalam muna ako kela Mavi at sinabi kong mauuna na akong umuwi. Naglakad na kami ni Namjoon papunta sa kotse niya, sumakay na rin kami at hinatid na niya ako sa bahay.

Mavi's POV:

Eto na ata ang pinakamasayang gabi na naranasan ko sa buong talambuhay ko. Never ko pang nafeel yung ganito! Mukhang di ako makakatulog ngayong gabi.

Nauna na si Pia umuwi, kaya kami kami na lang nila Chelsy, V, at Jimin ang naiwan.

Jimin: ang bilis naman maging kayo ni Mavi!
Taehyung: mabilis ba yung 2 years? Hahaha!
Jimin: 2 years kang nanligaw?!
Taehyung: 2 years lang ako naghintay. Ngayon pa lang ako manliligaw.
Jimin: kung kelan kayo na saka ka manliligaw? Hahaha!
Taehyung: haha! Syempre kahit kami na, kailangan ko pa rin ligawan si Mavi para di siya maagaw.
Me: 'di naman ako magpapaagaw eh!
Chelsy: nako, magpaaagaw yan, V.
Me: hoy! Hindi noh! Mabait na ako. Lalo na ngayon kasi kami na ni V.
Chelsy: parang nung isang araw lang ayaw mo sa kanya ah?
Jimin: ikaw ba, baby? Ayaw mo ba sakin?
Chelsy: ayoko.
Me: Aray! Hahaha diretso yun friend ah?
Jimin: dangerous woman talaga 'tong si baby.
Chelsy: Wag mo na kasi akong tawaging baby!
Jimin: eh bakit ka ba? Gusto ko nga eh kasi mukha kang baby! Baby ko! *walks out*
Me: oh ayan Chelsy nagalit na yung baby mo.
Chelsy: hayaan mo siya. Haha
Taehyung: Mavi, uwi na tayo. Mapapagalitan ka na ni Tita.
Me: ay buti pinaalala mo! Sige na, Chelsy mauuna na kami ah.
Chelsy: Sige, ingat kayo!

Nauna na kami ni Taehyung at sumakay na kami ng LRT. Oo, wala pa siyang kotse. Di ata siya pinagkakatiwalaan ng magulang niya. Chos!

Chelsy's POV:

It's getting late na, pero ayoko pa rin umuwi. Feeling ko kasi may kulang. Feeling ko may mangyayari, kaya hindi ko pa kayang umalis dito sa school.

And guess what, biglang nagpatugtog yung DJ ng love song, at biglang nagpakita si Yoongi.

Yoongi: Nagulat ka ba sa kanta?
Me: Hindi. Nagulat ako sa'yo.
Yoongi: haha bakit naman? Actually, nirequest ko talaga yan. Gusto ko kasing ayain ka sumayaw.
Me: Bakit? Prom na pala 'to?
Yoongi: Hindi ko alam na sa prom lang pala pwedeng mag slow dance. Haha! Chelsy, may i have this dance?
Me: oo naman.

At ayun, sumayaw kami sa love song na pinatugtog ng DJ. Nagkatitigan kami ni Yoongi. Tapos nginitian niya ako, biglang naging mapungay yung mata niya. Napaisip ako bigla, na buti hindi muna ako umuwi.

Yoongi: Buti na lang nakita pa kita.
Me: Buti na lang hindi pa ako umuwi.
Yoongi: haha. Sino palang partner mo kanina?
Me: si Jimin. Ewan ko nga kung nasan na yun eh. Ikaw ba, sinong partner mo?
Yoongi: Wala. Nasa isang vacant room lang ako kanina.
Me: bakit?
Yoongi: alam ko naman na hindi tayo magiging magpartners. Kahit sa totoong buhay.
Me: Yoongi...
Yooongi: Totoo naman diba? Alam kong hindi mo ako magugustuhan. Tsaka sana, after neto, wag na mag bago ang isip mo. Wag mong sasabihin na gusto mo ako. Wag mong sasabihin na kaya mo ako nagustuhan kasi naawa ka sakin. Follow your heart, Chelsy.
Me: Pero what if...
Yoongi: Ayoko nang marinig yang what ifs mo. Lets just enjoy this night, kasi alam kong hindi na mauulit 'to.

Parang panaginip ang lahat ng nangyari sa amin. Nilapit niya pa ang sarili niya sa akin. Niyakap niya ako habang nagslow dance kami. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Basta eto ang pinakaperfect na gabi para sa akin.

Nung natapos na yung kanta, nakatingin lang sa akin si Yoongi. Ang tagal niyang tumingin. Hinawakan niya ako sa pisngi. Hinalikan na niya ako.

Me: para saan yun?
Yoongi: thank you for tonight. Thank you kasi hinayaan mo akong magka-moment tayo. Lagi mong tatandaan na nandito ako para sayo.
Me: Yoongi...
Yoongi: mauna na ako, excuse me.

Bigla na lang umalis si Yoongi. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Since wala naman na akong gagawin, umuwi na rin ako. Mag isa.

Hindi ko na rin nakita si Jimin after niyang magtampo kunwari. Hayaan ko na lang muna yun.

Paguwi ko sa bahay, natulala na lang ako dahil sobrang nalilito na ako. Gusto ko na si Yoongi, pero pinipigilan niya ako. Paano na 'to?! Eottoke?!

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon