III

63 1 0
                                    

Pia's POV:

Finally, we're down to our last class. Unfortunately, hindi kami magkakaklase nina Chelsy dahil major subject na ang papasukan ko.

Nasa fifth floor ang aking room na papasukan. Sa sobrang pagod ko, naisipan kong mag elevator na lang.

Habang nakapila ako para makasakay ng elevator, biglang may mga sumingit sa harapan ko. Kung kailan malapit na ako. Bigla silang sisingit. Nagalit na ako sa kanila.

Me: hoy! nakita niyo naman na may pila diba?
*ignored*
Me: ano?! Kunwari wala kayong naririnig?! Di niyo ko haharapin ha?! Mga bakla pala kayo eh!
Guy 1: ate sige na mauna ka na! Ang ingay mo eh!
Guy 2: Sorry po ate, malelate na po kasi kami.
Me: eh ano naman? Pumila pa rin kayo noh! Tabi!

Pagkapasok ko sa elevator, may humabol pa ng banat, "Ang yabang mo po!". Habang paakyat na yung elevator sobrang nagiinit yung ulo ko. Hindi man lang ako ginalang, o tinulungan. Nakita na nga nilang may libro't papers akong dala.

Nang makarating sa fifth floor yung elevator, bumaba na ako. Habang naglalakad ako papunta sa room, may narinig akong sumigaw ng "Ate!", na parang kaboses nung nakaaway ko kanina. Hindi ko nilingon. Hinayaan ko na lang siyang sumigaw kasi baka hindi naman ako ang tinatawag niya.

Dahil ko talaga nililingon, bigla na siyang sumigaw ng, "PIA!!!". Pag talikod ko, nakita ko siya. Nakita ko ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Si Namjoon. Siya pala yung sumigaw kanina sa baba na ang yabang ko raw. W o w.

Namjoon: Pia! Diba ikaw si Pia? ba't di ka tumitingin kanina?! Tinatawag kita ah!
Me: *pabebe* Eh ano ba yun?! Diba isa ka sa mga sumingit kanina sa pila?
Namjoon: Teka lang—ah! Ikaw pala yung mayabang na nagsasalita kanina!
Me: Oo, ako nga. Paano mo nalaman pangalan ko?
Namjoon: *may inabot* Yung I.D. mo kasi nalaglag.

Sobrang nahiya ako dun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero nahiya talaga ako. Biruin mo, yung crush mo pa nakapulot sa I.D. mo. Yun nga lang, natawag na niya akong mayabang so... Aawayin ko siya.

Me: *hinablot ang id* salamat
Namjoon: ang yabang mo pa rin talaga, ano?
Me: ano naman sa'yo? *binuksan ang pinto ng room*
Namjoon: *sinarado ulit* Papasok ka na agad? Hindi ka man lang magsosorry sa akin?
Me: bakit ako magsosorry sa'yo? Wala naman akong kasalanan.
Namjoon: Meron. Nagmamayabang ka.
Me: Kasalanan mo yun kasi sumingit kayo sa pila.
Namjoon: Alam mo mag sorry ka na lang.
Me: alam mo, tumabi ka na nga lang jan. Papasok na ako. Thank you na lang kasi imbis na itapon mo yung id ko, binalik mo pa sa akin.
Namjoon: ay, sana tinapon ko na lang. *smirk*

Biglang nag init yung ulo ko lalo. Hindi ko alam kung ganun ba talaga ugali nun ni Namjoon, pero kung ganun pala, mababawasan na ang feelings ko sa kanya.

Namjoon's POV:

Hindi alam ni Pia na pinicturan ko yung id niya. Sinave ko na rin yung number na nakalagay sa likuran ng id, itetext ko yun mamaya. Hahaha. Gagalitin ko siya lalo kasi ang cute niya pag nagsusungit. :')

After kong kitain si Pia, bumaba na ako sa room namin.

Friend 1: uy pare, hinabol mo ba yung babaeng nagmaldita satin kanina?
Me: oo, sorry daw. Hayaan na natin. Mukhang pagod lang naman siya.
Friend 2: nako, kahit pagod siya, hindi pa rin maganda ginawa niya.
Me: hindi rin naman maganda ginawa natin kanina. Dapat pumila na lang tayo nun.
Friend 1: oh bakit bigla kang bumait sa kanya? Hahaha type mo noh?
Me: Hala? Hindi noh. Friendly lang talaga ako.
Friend 2: narinig ko na yan eh.
Me: maniwala ka na lang sa akin, okay?

Nagsimula na yung klase namin after namin pag usapan yung mga nangyari kanina. Sana mamaya pag tinext ko siya eh magreply siya sa akin.

Chelsy's POV:

Hay, nakakapagod talaga ang schedule namin. Oo, sabay ang uwian namin nila Mavi pero different subjects. Wala eh, ayaw maghiwalay eh.

Nagkita kami nila Pia sa may tapat ng exit. Hindi pa muna kami lumabas ng univ kasi paguusapan muna namin kung saan kami kakain.

Me: guys, gutom na ako.
Pia: mas gutom pa ako sayo.
Mavi: mas gutom pa ako sa inyo! Tara na! Kahit saan na lang tayo kumain basta laman tiyan!

Patawa talaga lagi tong si Mavi, eh. So ayun, lumabas na kami ng school at kumain sa isang fast food chain na katabi lang ng Seoul-U.

Habang nasa fast food chain...

Mavi: grabe nanginginig ako sa gutom!
Pia: ba't di ka pa kasi kumain jan?! Ayan na nga yung pagkain ayaw pang sumubo.
Mavi: eto na, eto na! *kumain na*
Pia: may kwento ako sa inyo.
Me: ano yun?
Pia: nakaaway ko yung crush ko.
Mavi: SI NAMJOON?! BAKIT MO INAWAY?!
Pia: ang ingay mo talaga kahit kailan!
Me: eh bakit nga?
Pia: sumingit sila kanina sa pila sa may elev. Nainis ako, tapos tinawag niya akong mayabang.
Mavi: yabang mo rin kasi eh noh.
Pia: ayos ka ah, kumain kana lang jan. Hahaha
Me: at least diba napansin ka na niya.
Mavi: ay Pia tignan mo 'tong si baby oh, niyayabangan ka.
Me: magtigil ka, Taehyung.
Pia: nanahimik bigla si Mavi. Hahaha
Me: Mavi! huy!
Pia: bakit ba 'to nakatulala parang nakakita ng multo eh!
Mavi: m-m-Min Yoongi!!!!!
Pia: huh?

Paglingon namin ni Pia, nakita namin ang sinasabi niya. Si Min Yoongi. Isa sa mga type ni Mavi. Isa sa mga soft looking pero bad boy ng Seoul-U.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon