XII

31 1 0
                                    

Chelsy's POV:

Natapos na't lahat lahat ang first class namin, galit na galit pa rin si Mavi. Nag stay muna kami ng saglit sa room para mapagusapan kung anong gagawin namin.

Mavi: Nanggigigil pa rin ako! Habang nagbabasa ako kanina hindi ko talaga napigilan sarili ko! Naluha na naman ako!
Pia: Bakit hindi ka ba kasi naniniwala sa sinabi ni V?
Mavi: basta! Nagdududa ako! Alam ko naman itsura niya pag nagsisinungaling siya!
Me: Pero sabi mo kanina naniniwala ka na?
Mavi: hinalikan ako eh.
Pia: ayan. Ayan. Porket hinalikan ka na, totoo na yung sinasabi. Isipin mo, yung humalik sayo, puro kasinungalingan yung lumalabas sa bibig.
Mavi: grabe ka! Hindi ganun si V!
Pia: sorry na.
Me: bakit hindi kasi kayo mag usap ulit? Mamaya? After classes?
Mavi: Susulpot ba yun?!
Pia: Mavi, susulpot yun syempre kasi mahal ka niya. Saka hindi ka niya hahayaang magalit o masaktan.
Mavi: may point ka. Sige, mamaya ko na lang iisipin! Teka, Chelsy? Ba't di pumasok baby mo?
Me: Huh?
Mavi: si Jimin!
Me: ewan ko sa kanya, hindi naman kami naguusap nun.
Mavi: baka nasaktan nung nakita kayo ni Yoongi.
Pia: Haba talaga ng hair ni Chelsy.
Mavi: Umaayaw pa kay Jimin eh! Kung ako ikaw Chelsy, pinatos ko na yun si Jimin. Mukha namang magseseryoso yun sa'yo eh.
Pia: ba't di mo pinatos?
Mavi: syempre mahal ko si V!
Me: Ayoko munang isipin yung mga bagay na ganyan, okay? Sa ngayon, gutom na ako. Kumain na tayo!
Mavi: oh tara na!

Pag labas namin ng room, naglakad na kami papuntang cafeteria. Habang pababa kami, may naririnig kaming ingay na nanggagaling sa quadrangle, at sa mga speakers na nakapaligid sa university. Boses ata 'to ni Jimin?

"Hi everyone! Kailangan niyong marinig ang sasabihin ko!!! Kung kilala niyo si Chelsy...Yung medtech! Pakisabi sa kanya na gusto ko siya! Chelsy!!!! Kung naririnig mo 'to! I like you! I really really really like you!"

Mavi: tama ba naririnig ko? Oh nasa isip ko lang yun?
Pia: kung si Jimin yung naririnig mo, hindi ka nagiisa.
Me: Nakakahiya!
Pia: tara tignan natin! Baba tayo sa quadrangle!

Hinila ako nila Pia pababa ng quadrangle. Habang naglalakad kami pababa ay inuulit ulit ni Jimin yung mga sinasabi niya. Nang makarating kami sa quadrangle, nakita namin si Jimin. Nakatayo, may hawak na banner na may nakalagay na "I like you, Baby!"

Jimin: I really really—Baby!!! Guys nandito na si baby!

Lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay nag cheer at pumalakpak. Nahiya ulit ako kasi grabe naman yung ginawa ni Jimin.

Jimin: Baby! Buti naman at pinansin mo ako!
Pia: Chelsy, lapitan mo na si Jimin.
Mavi: dito lang kami! Go na!

Naglakad na ako papunta kay Jimin. Nakangiti siya sa akin. Habang palapit ako, mas lalong nawawala yung mata niya sa kakangiti niya.

Me: ano naman 'to?
Jimin: Para sa'yo, baby. *inabutan ako ng bouquet of flowers*
Me: bakit?
Jimin: Gusto ko lang ipaalam sa'yo na naaappreciate kita, in all ways. Chelsy, i like you.
Me: Pero, ang bilis naman...
Jimin: Wala akong pake, basta totoo 'tong nararamdaman ko. *hinawi yung buhok ko* Chelsy, please give me a chance.
Random Guy: Sagutin mo na siya, Chelsy!
Random Girl: Oo nga! Kayo na, Chelsy!
Jimin: Chelsy...
Me: Jimin, naguguluhan na ako sa mga nangyayari!
Jimin: Chelsy, tumingin ka sa mga mata ko.. Makinig ka sa akin. Gusto kita. Gustong gusto. Ngayon, sabihin mo na hindi totoo 'tong nararamdaman ko.
Chelsy: naguguluhan pa rin ako.

Nilapit ako ni Jimin sa kanya, hinawakan yung mukha ko, pumikit, at dahan dahan siyang lumapit para halikan ako. Hindi ko alam kung bakit pumikit din ako, at inenjoy ko na lang ang momentum.

Jimin: Gusto kita, Chelsy! *pasigaw* Guys! Gustong gusto ko si Chelsy!

Natawa na lang ako sa nangyari. Pagkalingon ko kela Pia, nakita ko sa likod si Yoongi. Seryoso yung mukha niya, at parang galit. Pupuntahan ko sana siya kaso lang bigla na siyang umalis. Nasaktan ako ng konti kasi nag confess na rin sa akin si Yoongi. Hindi ko na talaga alam kung sinong pipiliin ko!

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon