XXI

27 0 0
                                    

Jungkook's POV:

Ilang araw na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nakakausap si Mavi. Paano, lagi niya kasing kasama sina Pia. Minsan naman, si Taehyung.

Gusto ko na siyang makausap. Gusto ko nang linawin sa kanya na hindi ako manloloko. Na sana, bigyan niya ako ng chance to prove it to her. Alam kong sila na ni Taehyung. Pero magjowa pa lang sila. Asawa nga naaagaw eh, girlfriend pa kaya? ;)

I was sitting by the bench nang bigla kong makita sina Mavi at Taehyung. They looked so happy, mukhang papasok na sila sa next class nila. Pupuntahan ko na sana sila, kaso may pumigil sa akin. Magandang babae, maputi.... Sino ba 'to?

Girl: Wag mong subukan without me.
Me: Huh?
Girl: alam kong pupuntahan mo sila Taehyung.
Me: Teka, sino ka ba? Paano mo nalaman na sila pupuntahan ko?
Girl: Ako? Di mo kilala? I'm Taeyeon. You can call me yours.
Me: Huh?!
Taeyeon: Biro lang! Umupo ka na nga muna, may gusto akong sabihin sayo.
Me: Ano yun?
Taeyeon: Gusto mo si Mavi right?
Me: Oo.
Taeyeon: At ako naman, gusto ko si V. Matagal ko na siyang gusto. Pero mas pinili niya pa rin yung Mavi na yun.
Me: Oh tapos?
Taeyeon: may naisip akong plano. Ganito yun, ilalayo natin sila sa isa't isa. Let's flirt with them. Tapos. You get your Mavi, while i get my Taehyung.
Me: Oo nga noh. Pero paano naman mangyayari yun? They're inseparable.
Taeyeon: i know. That's why i have my back ups.
Me: Sa tingin mo ba gagana yang paandar mo?
Taeyeon: Oo naman, gagana yan. Gamitan lang natin ng karisma. *winks*
Me: Teka, parang ayoko na bigla. Mas lalong masisira image ko sa Seoul-U pag ginawa pa natin yun. Hayaan na lang natin sila.
Taeyeon: hmm... Okay. Well baka gusto mo tayo na lang?
Me: Haha! Ganito na ba sistema ngayon? Namimilit na?
Taeyeon: hindi ako namilit ha! Tinanong ko lang if gusto mo ba na tayong dalawa na lang kesa guluhin pa natin sila Mavi! Alam mo, type ko kasi yung mga tulad niyo ni V.
Me: Akala mo naman type kita? Si Mavi lang gusto ko.
Taeyeon: sooner or later, marerealize mo rin na hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin.
Me: Sabihin mo yan sa sarili mo.

Iniwan ko na si Taeyeon at umakyat na ako sa classroom ko. Pagpasok ko, nakita ko si Pia. Tumabi ulit ako sa kanya at kinausap ko siya.

Me: Pia?
Pia: ano yun?
Me: Sorry sa panggugulo ha. Mananahimik na lang ako kesa guluhin ko pa sila Mavi. Hayaan ko na lang na ganun isipin niya tungkol sa akin kesa naman sa buong school pa yung magisip ng masama about me.
Pia: buti naman at naisip mo yan. Move on ka na kay Mavi, ha? Hintayin mo na lang yung para sayo.
Me: Kanina nga pinipilit ako ni Taeyeon. Na itry daw namin gustuhin ang isa't isa.
Pia: Oh eh bakit hindi? Parehas naman kayong manggugulo. Joke!
Me: Hahaha! Grabe ka sakin. Pero seryoso, ano? Itry ko ba?
Pia: Oo! Malay mo naman diba kayo pala talaga ang match made in heaven. Charot!
Me: Haha. Sige. Tingnan natin. Maganda naman siya eh.
Pia: ganyan naman mga tipo niyo eh, ganda lang.
Me: Uy, hindi rin. Haha yun kasi una kong napapansin eh. Tapos, kikilalanin ko na siya para malaman ko if girlfriend worthy ba siya.
Pia: Ayan! Good yan. Wag ka nang manggulo.
Me: haha. Sige, mamaya. Hahanapin ko si Taeyeon. Kamusta naman kayo ni Jin?
Pia: Wala. Hindi ko na alam.
Me: Bakit?
Pia: Jungkook, buntis ako kay Namjoon. Kaya hindi na ako pwede kay Jin.
Me: Totoo ba yan? O pinagtitripan mo lang ako?
Pia: Wow. Mukha ba akong nantitrip?
Me: Ahh. Kaya pala bigla kang nagsusungit minsan. Buntis ka na pala. Congrats sa inyo, pero nalulungkot ako para kay Jin.
Pia: ako rin eh. Hindi ko pa nga masabi sa kanya.
Me: Tulungan ko ulit kayo. Para makapagusap kayo ng maayos.
Pia: ano na naman gagawin mo? Haha.
Me: Sasabihin ko ulit na may kailangan akong sabihin na confidential.
Pia: this time, totoong confidential na siya. Haha.
Me: O kung gusto mo, ako na lang magsasabi sa kanya.
Pia: Wag! Gusto ko sa akin mismo manggagaling yun. Ayokong mauna ka pa sa akin magsabi noh!
Me: Sorry na po.

Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang discussion. Tinext ko na si Jin at sinabi ko na magkita kaming tatlo mamaya nila Pia sa garden kung saan sila huling nag usap. Nalungkot ako ng konti para kay Jin.

Hanggang ngayon, nagiisip pa rin ako kung paano ko makakausap si Mavi. Wala naman na akong balak agawin siya kay V. Narealize ko lang nung pinayuhan ako ni Pia. Naliwanagan rin ako sa sinabi ni Taeyeon. Bakit hindi nga namin subukan, diba?

Natapos na ang klase namin ni Pia, at lumabas na kami ng room. Nakita namin si Mavi. Si Mavi lang. Walang Taehyung, walang Chelsy, walang kasama. Nakatayo lang si Mavi sa tapat ng room namin at nagcecellphone. Nauna na ako kay Pia, nilapitan ko na si Mavi.

Me: Mavi...
Mavi: Jungkook?!
Me: Pwede ba tayong mag usap? Yung tayong dalawa lang?
Mavi: dito na lang, wag na tayong lumayo. Me: Mavi, gusto ko lang sanang malaman mo na hindi ako manloloko. I want to apologize kasi hindi kita naalagaan noon. Kaya lang naman ako naging immature sayo kasi hindi pa ako ready nung mga panahon na yun.
Mavi: Okay na yun, Jungkook. Nakapag move on naman na ako sayo.
Me: i know. Gusto ko lang linawin. And sana, we can still be friends.
Mavi: Oo, sige.

Nang nagkamabutihan na kami ni Mavi, lumapit sa akin si Taehyung at bigla na lang akong sinapak. Ginawa ko rin 'to sa kanya pabalik.

Taehyung: Hoy, ano aagawan mo pa 'ko?!
Me: Hindi, bro! Naguusap lang kami ni Mavi!
Taehyung: Wag na wag mong lalapitan ang girlfriend ko.
Me: Bro, ngayon lang 'to. Nagusap lang kami.
Pia: Hala! V! Tigilan mo na si Jungkook!
Mavi: V, tama na! Nagusap lang naman kami ni Jungkook! Mabait siyang tao!
Taehyung: Mabait ba?! Edi kayo na lang ulit!
Me: Bro, wag kang OA! Nag usap lang talaga kami!
Taehyung: alam ko. Tara na, Mavi!
Mavi: Hindi! Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka nagsosorry kay Jungkook!
Taehyung: Para saan pa?! Tara na! *hinila si Mavi*

Umalis na sila. Galit na galit sa akin si Taehyung. Tinulungan akong tumayo ni Pia. Halos lahat ng estudyante, nakatingin sa akin. Yung iba, pinagtatawanan ako. Yung iba naman, pinaguusapan ako. Dumating bigla si Taeyeon at nilapitan ako.

Taeyeon: Oh my gosh, Jungkook! Sinong may gawa sa'yo niyan?
Pia: Si V nga diba.
Taeyeon: ikaw na ba ngayon si Jungkook?
Pia: Pangit mo pa rin noh? Sige, alis na ko Jungkook ah! Kikitain ko pa si Jin. *leaves*
Me: Ah, sige. Ingat ka ah.
Taeyeon: pasaway ka talaga.
Me: Kinausap ko lang si Mavi. Bigla na lang akong sinuntok ni V.
Taeyeon: tara na sa clinic, gamutin na natin yung sugat mo.

Nagkatitigan muna kami ni Taeyeon bago kami lumakad papuntang clinic. Then all of a sudden, hinalikan niya ako sa pisngi.

Me: para saan yun?
Taeyeon: Para sa'yo. Dahil cute ka. Dahil matapang ka. At dahil mukhang nakapagmove on ka na rin kay Mavi.
Me: ganun ba yun?

Hinalikan ko naman siya pabalik, pero ngayon, sa labi naman.

Taeyeon: *blushes* Para san naman yun?!
Me: Para sa pagiging maganda mo, at dahil ninakaw mo puso ko.
Taeyeon: puso agad?!
Me: Bakit hindi natin itry?

Nagyakapan kami ni Taeyeon at dinala na niya ako sa clinic. Eto na ata ang start ng bago kong buhay.

Seokjin's POV:

Tinext ako ni Jungkook, kailangan raw namin magkita nila Pia. Habang hinihintay ko sila sa garden, nagcellphone muna ako. Nang biglang may tumayo sa harapan ko, si Pia na pala yun.

Pia: Hi.
Me: Uy, ikaw na pala yan. Asan si Jungkook?
Pia: kasama niya si Taeyeon eh. Okay lang yun, tayong dalawa lang naman ang kailangang mag usap.
Me: tungkol san ba?
Pia: tungkol sa atin. Tungkol na rin sa amin ni Namjoon.
Me: anong meron?

Bigla na lang dumating si Namjoon. Nginitian niya ako. Naninibago ako sa kanya. Hindi naman kasi ganun yun.

Namjoon: Bro, kailangan na natin mag usap.
Me: Actually, naguusap na kami ni Pia. Sinira mo lang momentum namin.
Pia: okay naman nang nandito siya, para mas maexplain ko ng maayos.
Me: Okay, go.
Pia: Jin, i'm pregnant. Buntis ako, at si Namjoon ang ama ng dinadala ko. Hindi ko alam nung una. Kaya nga ikaw pinili ko non eh. Ngayon, sana matanggap mo na lang ako as a friend. As your best friend. Tulad ng dati. Kasi nahihiya ako sayo. Nahihiya ako sa mga taong makakakita sa atin. Baka kung ano ano pang paninira gawin nila sayo.
Me: pero diba sinabi ko naman sayo na okay lang sakin na may baby ka?
Namjoon: bro, nandito na kasi ako for her. Kaya no need na para maging kayo pa or whatever.
Pia: I'm sorry Jin, and i love you. Sana maging best friends pa rin tayo.
Me: Hindi ko na alam, Pia. Hindi ko alam kung iiyak ba ako, o ano. Mauuna na muna ako. Saka na lang ulit tayo mag usap pag ready na ako.
Pia: Jin...

Inalisan ko silang dalawa ni Namjoon at nagpunta ako sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle at naiyak na lang ako bigla. Biruin mo, yung taong minahal ko ng sobra sobra, hindi naman pala ako kayang mahalin. Yung taong nakasama ko through the good times and bad, hindi pala magiging sa akin. Nakakalungkot. Pero kailangan kong tanggapin. Life goes on, self. Alam kong may darating naman na para sa akin.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon