XIII

31 0 0
                                    

Habang nakatayo kami ni Jimin sa quadrangle, di ko mapigilang ikutin ang mga mata ko para hanapin si Yoongi. Nag aalala ako para sa kanya. Para sa nararamdaman niya. Nasaktan ako.

At dahil sa eksenang ginawa ni Jimin, napapunta ang guidance counselor ng Seoul-U sa quadrangle.

Counselor: Excuse me! Anong kaguluhan 'to at sinong nagpasimuno?!
Random Guy: sir, si Chelsy po! *leaves*
Pia: hoy anong Chelsy? Si Jimin nag simula neto!
Counselor: Mr. Park Jimin! To my office, now!
Jimin: Yes sir.
Counselor: Chelsy! Ikaw rin!
Me: Sir, bakit po?! Wala po akong ginawa!
Counselor: Mga kabataan talaga ngayon! Masyadong mapusok! Dito pa talaga kayo nagsagutan sa quadrangle! For your information, Mr. Jimin and Ms. Chelsy, hindi theme park ang De La Seoul-U. It is a university! Akyat na sa office ko ngayon din! Pag hindi ko kayo nakita dun, your punishment will be double!

Umakyat na kami ni Jimin sa office of the guidance. Sobrang nanginginig na ako. First time kong matawag sa guidance. Habang naglalakad ako ay bigla na lang tumulo ang luha ko.

Jimin: Chelsy, i'm sorry...
Me: Wag mo muna akong kausapin ngayon.
Jimin: Chelsy, sorry talaga.
Me: pwede bang kahit 10 minutes wag mo muna akong kausapin?! Dahil sayo naguidance ako!
Jimin: i'm sorry. :(
Me: mauna ka na dun, hihintayin ko pa sina Pia.
Jimin: Sorry, Chelsy. *umakyat na papunta sa office ng guidance*

Naupo ako sa staircase habang hinihintay sina Pia. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Sobrang babaw para sa iba pero nakakaiyak talaga. First time ko kasing maguidance, at dahil lang sa isang lalake na nag confess ng feelings niya para sa akin.

Naiiyak rin ako kasi naaalala ko yung pag tingin ni Yoongi sa amin. Naguilty ako. Gusto ko siyang makausap ngayon din. Gusto ko siyang yakapin at sabihing siya ang gusto ko, nakapagdesisyon na ako na siya ang pipiliin ko.

Naabutan ako nila Pia na umiiyak sa staircase. Lumapit sila at kinomfort ako.

Mavi: Chelsy, okay lang yan. Kausapin mo na lang yung guidance, tapos sabihin mo yung totoo. Na wala kang kaalam alam aa ginawa ni Jimin!
Pia: Hintayin ka namin sa labas ng office, tara na.
Me: Thank you, guys. Sana nga makinig sakin yung guidance.

Umakyat na kami sa office at dun ko na naman nakita si Jimin. Nakaupo lang siya, nakatingin sa kisame, nahihiya. Hindi ko na muna siya kinausap, naupo na lang ako sa tapat niya. Pumasok na rin yung Guidance counselor at kinausap kaming dalawa.

Counselor: So, Jimin and Chelsy, anong paandar niyo kanina?! Sa oras ng klase! Naglalandian kayo? Hindi pa kayo nahiya, sa harapan pa ng maraming estudyante! Gusto niyo ata talaga masuspend ano?
Me: Sir, nagmamakaawa po ako. Paglinisin niyo na lang po ako ng buong school after classes, wag lang po suspension!
Counselor: At nagrequest ka pa ah? Manahimik ka jan!
Jimin: Sir, ako na lang po yung parusahan niyo. Ako naman po talaga nagsimula ng lahat ng 'to. Wala pong kaalam alam si Chelsy dito.
Counselor: Ah! So may pa-surprise ka pa, Mr. Park?!
Jimin: ganun na nga po. Kaya ako na lang po parusahan niyo. Wag na po si Chelsy. Nag aaral po siya ng mabuti.
Counselor: hmm... Osiya, sige! Chelsy, pwede ka nang umalis. Magpasalamat ka kay Mr. Park at sinalba ka niya! Ikaw naman Jimin, masusupend ka ng tatlong araw, at kailangan pag nakabalik ka na, dito ka didiretso sa office ko after classes! Understood?
Jimin: Yes, sir.
Counselor: Leave!

Umalis na kami ni Jimin sa office ng counselor. Paglabas ng office, hindi ako pinansin ni Jimin. Mukha siyang malungkot, as in. Kaya ako na 'tong nag approach.

Me: Jimin, pasensya na.
Jimin: okay lang yun. At least hindi ka na pinarusahan ni Sir.
Me: Kelan magiging effective yung punishment mo? Nagiguilty na ako.
Jimin: Bukas na raw agad. Wag kang maguilty, ako naman may kasalanan eh. Sige, mauna na ako.

Seoul-U: Hana! 하나 (BTS Filipino Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon